Chapter 5 : Last two days in Siargao

2031 Words
CELINE NATAPOS namin ng masaya ang pagkaing hinanda ko para sa amin ni Wade—feel so happy dahil nagustuhan niya naman ito. Well! Isa na talaga akong tunay na may bahay ng lalaking pinakasalan ko and I'm so lucky enough dahil kay Wade nakikita ko naman ng paunti-unti ang pagbabago. Hiling ko lang sana magtuloy-tuloy na ito, ayaw ko na kasi balikan ang mga bagay na nagpagulo sa amin noon. I'm tired to forget and forgive sa lahat ng mga nangyari at pweding mangyari. Now... All I have is to focus our life of being a married couple. Hindi ko sasayangin ang mga sandali sa buhay mag-asawa namin ni Wade. I will be more considerate at this time and aside of that siguro lahat ng pagpapasensiya na pwedi kong ibigay sa kaniya hindi ko ipagkakait ito. I love Wade at alam kong ganoon din ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa akin. Hindi naman ito magpapatali sa panghabambuhay na pagsasama kung hindi ako mahal nito, dahil kung tutuusin sa kabila ng mga naging kasalanan niya sa akin wala pa rin akong ibang minahal kundi siya lang at patutunayan ko ito hanggang sa abot ng makakaya ko. Tinapunan ko ang silid namin kung nasaan siya, nagpaalam ito sa akin na mag-aayos para makapasyal kami sa tabing dagat. Noong isang araw pa itong naglambing sa akin at may dalawang araw na lang kami sa isla na ito. Nagpasya akong iligpit na ang mga pinagkainan naming dalawa. Susunod na rin ako sa kaniya sa silid namin pagkatapos nito para ako naman ang makapag-ayos. Nasasabik din ang puso kong mamasyal kasama ang asawa ko—matagal-tagal na rin naman hindi nagagawa ito mula nang magdesisyon kaming magpahinga muna mula sa relasyon namin bago nangyari ang biglaang pagpapakasal. Actually! It is not biglaan naman, pinagplanuhan pa rin naman namin ito ni Wade kasama ang mga pamilya namin; napaaga lang siguro dahil sa mga circumstances na dumating sa buhay namin bilang magkasintahan noon. Napailing-iling ako. Hindi ko na dapat balikan pa ang lahat ng iyon at heto na nga hindi ba? Asawa ko na si Wade—sa harap ng diyos, ng pari at ng mga tao nangako siya sa akin na magbabago na siya at hahawakan ko ang pangakong iyon. Isang mahabang pag-singhap ang pinakawalan ko, sa puso ko alam kong sigurado ako sa nararamdaman ko para sa magiging maayos naming pagsasama ni Wade simula ng mga sandaling ito. Natigilan ako sa akmang pagpanhik nang biglang mag-ring ang caller tone ng cellphone ko. Ang kaibigan kong si Maverick ang tumatawag—nagpasya muna akong sagutin ito dahil baka importante bago ko puntahan si Wade sa silid namin, baka hindi pa rin naman ito tapos mag-ayos. "Good at sinagot mo," bungad sa akin ni Rick. "Napatawag ka? May problema ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman kasi ito basta-basta tumatawag sa akin kung walang problema sa opisina kaya ito agad ang bungad kong tanong sa kaniya sa dahilan kung bakit niya ako naalala. "Nothing. Hindi pa kasi ako nakapagpasalamat sa iyo sa pag-imbita mo sa amin ni Chelsea sa kasal mo." Kilala ko ang tinutukoy ni Maverick ang bago nitong kasintahan na dinala nito sa isla sa kasal namin ni Wade. "Ano ka ba—it's my pleasure. Ako nga ang dapat magpasalamat at dumating kayo e. Imagine nag-biyahe pa talaga kayo para sa kasal namin ni Wade... Salamat ha," ani ko sa kaniya. "Its our pleasure too, Celine. By the way, kailan ang balik niyo ni Wade dito?" tanong nito sa akin. "Two days from now." "Sana naman next occasion binyag na," natatawang biro nito sa akin. How I wish, tumakbong ideya sa isip ko. Sana nga—pero wala pang pwedi ang makakapagsabi kung kailan ibibigay sa amin 'yon. Kung ako naman ang tatanungin handa na ako at ganoon din naman siguro si Wade. "O, baka naabala ko na honeymoon stage niyo. Congratulations, Celine—I'm happy for you..." genuine nitong sabi sa akin. Napangiti ako sa sarili ko, dahil sa sayang muli kong naramdaman sa puso ko. "Salamat ulit, Rick. Sigi na. Pupuntahan ko na ang asawa ko at may balak kami mamasyal ngayon," sabi ko sa kaniya. "Cool. Enjoy your days. Good luck, Celine..." Nang magpaalam ako rito mabilis ko ng pinindot ang end button. Nagpasya na akong akyatin si Wade at baka tapos na ito sa pag-aayos ng sarili. Mabilis lang naman magbihis ang asawa ko. WADE INIWAN ko muna si Celine sa baba. Nagpasya akong pumanhik sa taas sa sarili naming silid para makapag-ayos. Ito naman ang nagpresentang magligpit ng mga pinagkainan namin. Huwag ko na raw siya tinulungan kaya hinayaan ko na lang, nagtatalo ang isip ko ngayon kung tatawagan ko ba si Megan, nagdaang-gabi pa ang huling pag-uusap naming dalawa nang kumuha ako ng tiyempo para matawagan ito. Iniisip ko ngayon si Celine, baka bigla na lamang itong pumasok sa silid namin at mahuli pa ako. Ipagpapaliban ko na lang muna—tutal may dalawang araw na lang naman kami sa isla na ito. Hahayaan ko muna ang lahat ng oras ko para kay Celine, para wala naman itong masabi pa tungkol sa nakaraang gusto kong kalimutan namin. "Hi..." bungad sa akin ni Celine. Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na pala ito sa silid namin. "Hi..." bati ko sa kaniya. "Akala ko nag-aayos ka na..." anito sa akin. Naabutan ako ni Celine na wala pa rin ayos at prenteng nakaupo sa paanan ng kama namin. "Sorry. Nagmuni-muni ako," sagot ko sa kaniya. Iyon naman talaga ang totoo kung bakit hindi ko pa nakuhang mag-ayos dahil na rin sa mga bagay na naiisip ko, kanina lang habang wala ito— ang masama nga lang si Megan ang laman ng isip ko at isa iyong malaking pagkakamali. "Sandali lang naman ako mag-ayos, mahal," ani ko rito. Tumayo ako at hinawakan ang dalawang kamay nito. Celine smiled at me—piningot ko ang ilong niya at mabilis na kinintalan ng halik ang labi niya. "Magbibihis na ako ha,"paalam ko kay Celine matapos kong dampian ng isang mabilis na halik ang labi nito. Tumuloy na ako sa sariling banyo sa loob ng kwarto naming dalawa. Mabilis naman akong mag-ayos kaya hindi ko mapaghihintay si Celine ng matagal. CELINE SINUNDAN ko ng tingin si Wade, ang akala ko talaga tapos na siyang mag-ayos hindi ko naman akalaing wala pa pala itong nagawa—inuna pa siguro ang pahinga at naiintindihan ko naman baka nga nabusog lang ang aking asawa. Hinanda ko na lang ang isusuot niya at pati yata ito hindi niya la nagawang ayusin. Napakunot-nuo ako sa cellphone niyang nasa ilalim ng unan nang ibalik ko ang unan sa kung saan nakasalansan. Napalunok ako sa aking mga naisip. Isa sa mga pangako ko kay Wade ang buong tiwala kong ibibigay sa kaniya kaya hinayaan ko lamang ito—wala naman akong dapat isipin pa tungkol sa asawang kasama ko. Hindi ko pinakialaman o hinawakan man lang ang sariling gamit nito, ayaw ko rin naman itong mag-isip na wala akong tiwala sa kaniya kaya hinayaan ko na lamang ito. Baka may kinausap lang na kliyente o taong hawak sa kompanya o nakalimutan lang nitong ilagay ang cellphone nito sa ilalim ng unan nito. Isang plain polo shirt at pantalong maong na kulay abo ang hinanda ko para dito—nilabas ko rin mula sa cabinet ang paborito nitong sumbrero. Mahilig si Wade sa ganitong ayos mula nang magkasintahan pa lang kaming dalawa—komportable ito doon kaya kabisado ko na. I supported him whatever he wants. Ganoon din naman sa akin si Wade kahit na madalas sinasabihan niya akong mag-ayos naman tulad ng mga kakilala nito sa firm, hanggang sa mapagod itong pagsabihan ako. Hindi niya rin naman ako mapipilit sa kung ano ang gusto ko—paminsan-minsan nag-aayos din naman ako lalo na kung may mga mahahalagang pagtitipon pampamilya man o sa trabaho o sa kompanya kung saan nagtratrabaho si Wade, hindi ko rin naman hinahayaang maging manang ang ayos ko, ayon sa mga kaibigan at pamilya ko. "I'm done, Mahal..."masayang sambit sa akin ni Wade nang lumabas ito. Tapos na nga itong mag-ayos ng sarili; tanging tuwalya lang ang nakabalot sa katawan nito. "Good you're done. Hinanda ko na ang gagamitin mo," ani ko sa kaniya. Tinungo naman agad nito ang kama kung saan maayos kong sinalansan ang bihisan nito. "Ang swerte-swerte ko talaga sa asawa ko,"malambing na turan ni Wade. "Magbihis ka na. Hihintayin na lang kita sa labas. Okay?" "Sigi. Sandali lang ako ha. I love you, Celine.." "I love you too, Wade..." ani ko sa kaniya. Tumalima na ako nang magpaalam ako rito—nanatiling nakapaskil ang ngiti sa labi ko. Mukhang nagiging mas madalas yata ang paglalambing sa akin ni Wade. Nandoon ang tuwa sa puso ko sa mga pinapakita niyang pagmamahal sa akin. Sa sinabi nito kanina na maswerte ito dahil mayroon siyang ako—siguro para sa akin tama lang na sabihin kong maswerte kami sa isa't isa dahil mayroon kaming dalawa. Muli akong bumaba sa baba ng apartelle kung saan kami tumutuloy, doon ko na lang siguro hihintayin si Wade. Muli kong nilingon ang pinto ng silid namin, pilit ininda ang nakita ko kanina tungkol sa cellphone nito. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko—hindi ko kailangan mag-isip, hindi ko siya dapat pag-isipan. Ilang minuto pa ang hinintay ko nang nakita ko ng pababa na si Wade. May ngiti sa labi nito hanggang sa makalapit sa gawi ko. "Naghintay ba ang asawa ko?" anito sa akin. "Hindi naman. Saglit ka nga lang eh," sabi ko sa naman sa kaniya. Ginagap ni Wade ang kamay ko, tinaas ito at dinala sa labi nito para halikan ang likod na bahagi ng palad ko. "Let's go, mahal?" "Let's go, Wade.." Magkahawak ang aming mga kamay hanggang sa lumabas ng apartelle. Nandoon pa rin ang sayang hindi ko maipaliwanag sa puso ko—matagal ko rin sigurong hinangad ang sandaling 'to at heto na ngayon halos ilang araw na rin namin solo ang isla na kaming dalawa lang. Sa mahigit ilang taon ng relasyon namin naging mahigpit ang kapwa namin magulang lalo na ang parents ko. Hindi ko rin sila masisi at mula noon kilala na nila si Wade kung gaano ito kalapit sa ibang mga babae. Sabi ko nga kung hindi ito magbabago—malamang hindi rin magbabago ang tingin ni mama at papa at ng Ate Celeste ko sa kaniya. Mabuti na lang bago mahuli ang lahat pinaramdam at pinakita ni Wade sa mga ito ang malaking pagbabago. Kaya siguro nakuha nito ang buong tiwala ng pamilya ko maging ng mga malalapit kong kaibigan. Isa lang din ang paulit-ulit kong pakiusap ko noon kay Wade na huwag nyang sisirain ang tiwalang 'yon dahil kilala ko ang pamilya ko. "May iniisip ka ba, Celine?" untag sa akin ni Wade—napansin siguro nito ang pananahimik ko. "Wala. Naiisip ko lang na ilang araw na lang pala tayo dito 'no? Parang kailan lang talaga," sagot ko sa kaniya. "Oo nga eh. Wala rin tayo magagawa, mahal. Kailangan bumalik ng asawa mo sa trabaho," sagot sa akin ni Wade. "Naiintindihan ko naman." "Hayaan mo sa mga susunod na pagkakataon babalik tayo dito o kung gusto mo sa iba naman—magiging masaya ka siguro kung sa Hawaii naman 'di ba?" anito. Tinapik ko ang kaliwang balikat nito. Kailanman hindi ko pinangarap ang tumungo sa ibang bansa, para sa akin gastos lang 'yon. Kailangan namin maging praktikal sa panahong 'to at ngayon na mag-asawa na kami mas marami pa kaming responsibilidad ngayon. "Huwag mo na isipin 'yan..Okay naman sa akin kahit dito lang sa bansa, mas makakatipid tayo at ganoon din naman wala rin naman pagkakaiba dahil pareho naman tayong magiging masaya..."aniya ko sa kaniya. "But I just want you to feel special at feeling ko mas mararamdaman mo 'yon kung mas maganda ang lugar na pupuntahan natin," anito sa akin. "Mas mahal naman..." "Hindi bali, mahal naman kita eh. Alam mo naman balewala ang pera kapag kasama kita hindi ba?" turan sa akin ni Wade. Napailing-iling ako sa naging tugon niya, kahit talaga kailan bolero ito. "Ti voglio bene—" "Ti amo tanto, Wade..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD