Chapter 6 : Duda

1876 Words
CELINE MAGKAHAWAK-KAMAY kami ni Wade na naglalakad sa tabing dagat tulad ng napagkasunduan naming dalawa. "Ano ang ma-mi-miss mo rito, mahal?" tanong ni Wade sa akin. Prente kaming nakatayo sa harap ng tahimik at malawak na karagatan habang ang mga kamay namin nanatiling magkahawak sa isa't isa. "Everything, Wade... lalo na ang lahat ng sandaling magkasama tayo," sagot ko sa kaniya. Hinawakan nito ang ulo ko at dinantay sa balikat niya. "Mas marami tayong mabubuong sandali ngayon sa Manila, mahal," anito sa akin. Tama nga ito. Sa lungsod mas magiging masaya kaming dalawa, dahil sa bawat araw kami na ang siguradong magkasama. "Masaya ka ba, Celine?" natigilan ako sa tanong sa akin ni Wade. Ilang beses niya na rin halos itong naitanong sa akin at isa lang naman ang isasagot ko sa kaniya—masaya ang puso ko at hindi ko nga magawang ipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. "Oo naman. Palagi naman akong masaya lalo pa't kasama kita. Bakit mo naman naitanong?" "Wala. Gusto ko lang masigurado kung gaano kahalaga sa 'yo ang mga sandaling 'to." "S'yempre naman mahalaga—sobrang mahalaga. Hindi ba halata sa akin, Wade?" tanong ko sa kaniya nang magtama ang aming mga mata. "Halatang-halata, Misis," malambint nitong sagot. Muli kong dinantay ang ulo ko sa balikat nito. I smiled when I feel his hands wrap around my waist. "Sa muling pagbabalik natin dito, sana kasama na natin ang anak natin, mahal," ani sa akin ni Wade. "Anak? Imposible naman 'yon. Malayo pang mangyari 'yon, mahal." "Ayaw mo bang mangyari 'yon?" "Gusto. Pero nag-usap na tayo hindi ba? Hindi natin mamadaliin kung kailan ibibigay sa atin—tama?" "Ya. Tama ka. I can't wait lang din naman na may makakasama na tayo sooner sa mga lakad natin tulad nito." Kinurot ko ng manipis ang balata nito sa balikat. Natatawang nagtaas ako ng tingin sa asawa ko. "I'll be happier kung magkakaroon tayo ng maraming oras na tayo muna bago dumating ang pangarap nating mga anak natin, Wade." Hindi na tumugon sa sinabi ko si Wade, alam kong naiintindihan din ako nito. Sa ngayon karera muna niya ang iniisip ko, maliban sa pangarap kong pagsilbihan pa siya. Mahahati lang kasi ang oras ko kung magkakaroon agad kami ng supling, baka ito pa ang hindi maging daan para sa hindi namin pagkakaunawaan tulad na lamang ng ilang palabas na nakikita ko sa TV. "Gusto mo bang mag-surf?" tanong ko sa kaniya. Napansin ko ang ilang lokalat turistang abala na paroon parito sa gawi namin habang may mga dala-dalang surfer board. "No. Wala akong hilig—" totoong sagot naman sa akin ito ni Wade. Sabagay iba talaga ang hilig nito, mas gusto pa nitong maglaro ng golf kasama ang mga kaibigan nito sa firm kaysa ang magdagat. Mabuti na nga lang at pumayag siya nang beach wedding ang gusto kong kasal naming dalawa at ang Siargao ang naging una ko sa listahan. Bukod kasi na ito ang pangarap kong isla na napuntahan noon pa man, dito ko rin pangarap magkaroon ng isang tahimik na buhay kasama ang sarili kong pamilya. Magulo masyado sa siyudad—all I want them is to be safe at sa isla kung saan kami ngayon naramdaman ko ang katahimikan at kapayapaan. -- WADE "COFFEE MUNA TAYO, MAHAL?" yaya ko kay Celine. Ramdam ko na rin ang init sa balat ko dahil mataas na halos ang sikat ng araw—alas-onse na rin pala ng umaga kaya parang nararamdaman ko na ang kalam ng sikmura. Nagpalinga-linga kami sa paligid naghahanap ang mga mata namin na pweding pahingahan habang nagkakape. Napako ang tingin ko sa kaliwang bahagi kung saan may ilang taong labas pasok. Isa siguro sa mga kainan ito base na rin sa ayos sa labas ng parang isang cottage na gawa sa nipa. "Mabuti pa nga," sang-ayon sa akin ni Celine. Magkadaup-palad kaming naglakad at tinungo ito—hindi naman ito malayo mula sa kung saan kami nakatayo kanina. Napalunok ako nang mapansin ang ilang babaeng naka-bikining nakasalubong namin ni Celine. Iniwas ko ang tingin ko sa mga ito. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay ng asawa ko. I don't want her to feel uncomfortable. Kung bakit ba naman kasi napakaraming tukso sa paligid? Natatawa kong tanong sa sarili ko. "Kapehan nga, Wade—" ani sa akin ni Celine nang malapitan na kami sa lugar na tinitingnan namin kanina. Agad kong napansin ang ilang mesa na maayos na nakasalansan at may ilan ding kumakain gayon din ang mga nagkakape sa tingin ko. "Mabuti na lang pala malapit lang, mahal," aniya ko kay Celine. Nagpatiuna ako sa pagpasok—kailangan ko pang yumuko para tuluyang makapasok sa loob. Pumwesto agad kami ni Celine sa pandalawang mesa paharap sa labas kung saan nakikita namin ang mayamang karagatan na may ilan ng naglalaro ng surfing. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang dalawang magandang babaeng nakasalubong namin ng asawa ko at hindi lang basta maganda ito dahil sa sexy at malulusog ang hinaharap ng dalawa. Feeling ko turista din ito sa islang 'yon. "Brewed ka ba or crema?" untag sa akin ni Celine. Hindi ko alam kung napansin nito ang tingin ko sa gawi ng mga babaeng 'yon. Lihim akong napalunok at binaling ang tingin sa kaniya. Ngumiti ako ng pilit sa harap nito, pinaramdam na nasa kaniya lang ang buong atensyon ko. "Anything, if what you want ganoon na rin sa akin, mahal," tugon ko kay Celine. Tumango-tango ito at walang paalam na iniwan ako para um-order ng para sa aming dalawa. Sinundan ko ang walang lingon likod nitong tuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa counter ng munting kapehan na 'yon. Wala naman siguro itong nahahalata o kung mayroon man hindi naman siguro nito iisiping nababaling sa iba ang atensyon ko. Lumingon ito sa gawi ko at nakangiti ko siyang kinawayan—gumanti naman ito ng ngiti sa akin at muling binalik ang tingin sa kausap nitong nasa counter. 'Sorry, Celine! Lapitin lang talaga sa babae 'tong asawa mo!' nakakaloko kong bulong sa sarili ko. Iyon naman talaga ang totoo, wala naman may gusto sana—ano nga ba ang magagawa ko kung hindi ko maiwasan ang tumingin sa sexy at magaganda? Napailing-iling na lamang ako sa mga naisip ko. "M-may bumabagabag ba sa 'yo?" Bahagya akong nagulat sa biglang pagdating ni Celine sa gawi ko. Nakabalik na pala itong hindi ko man lang namalayan. "Wala naman, Mahal. Bakit mo naman natanong?" tanong ko kay Celine. Umupo ito paharap sa akin. Pansin ko ang paglinga-linga ng tingin nito sa paligid—tila may hinahanap. "Okay ka lang ba?" pasimple kong tanong kay Celine. "Wala naman. Napansin ko lang kaninang parang may iniisip ka..." anito sa akin. "Wala naman e. Totoo wala naman talaga—" Hindi na nagpumilit pa si Celine, ilang sandali dumating na rin ang order nitong kape para sa aming dalawa at ang bavarian donut na paborito nito. Mabuti na lang at mayroon ito sa kung saan kami ngayon. "Inumin na natin," aniya ko kay Celine. Hinawakan ko ang may 'di kalakihang mug ng kape at dinala ko ito sa labi ko. Masarap ito habang mainit-init pa. Ganoon din ang ginawa ni Celine—kumagat muna ito ng donut na para dito at sinimsim ang kapeng para sa kaniya. "Salamat, Mahal," turan ko sa kaniya. "Para saan?" "For this." "Wala 'yon. Parang 'yan lang e," tugon nito sa akin. Tahimik namin pinagsaluhan ang in-order nito, hindi na ako nagsalita at ganoon din si Celine—kapwa nakuntentong e-enjoy ang mga sandali. "They good in surfing huh..." Natigilan ako sa komento ni Celine sa ilang babaeng kanina lang nakasalubong na namin, mga babaeng kapwa naka-two-piece kaya kitang-kita mo ang ganda ng hubog ng mga katawan nito. Hindi ko man lang namalayan na nakapako pala dito ang tingin ni Celine at nakuha pang magkomento na hindi ko alam kung sasang-ayunan ko. Nandoon ang pakiramdam na baka hinuhuli lang ako ng asawa ko. "W-who?" nagmamaang-maangan kong tanong sa kaniya. "Them..." Tinuro ito ni Celine. "Hindi mo ba nakikita? Hindi ka ba nagagalingan sa kanila?" kunwang may pagtataka sa tanong nito. Ano nga ba ang isasagot ko sa kaniya? Alangan naman aminin kong oo hindi ba? Giyera lang 'yon kung sakali. "Sabagay you don't interested in surfing pala," sabay sa pagbawi ng mga sinabi nito sa akin. Mabuti na nga lang. "Ya. I'll be interested kung golf pa 'to," ani ko sa kaniya. "Sabi ko nga, Mahal..." natatawang sabi sa akin ni Celine. Muling dinala sa labi nito ang kape na para dito. "Saan mo gusto after nito?" tanong ko sa kaniya. Ito na lang ang huling araw namin dito sa isla kaya dapat sulitin na namin na magkasama habang maganda ang panahon. Wala naman yatang pagbadya ng sama ng panahon sa ilang linggo naming pananatili dito, ang isa sa kagandahan sa lugar na 'to. "Hindi ko alam. Mas gusto ko na lang sigurong ihiga ang likod ko para sa pagbalik natin ng Manila," sagot sa akin ni Celine. "Sigurado ka ba?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman. Ikaw? Baka gusto mong mamasyal mag-isa ayos lang naman mauuna na lang siguro ako sa cottage." "No. It don't make sense kung wala ka sa tabi ko, Celine." "Okay lang. Kaya mo naman mamasyal na wala ako eh." Hindi ko na siya pinansin—isipin ko man o hindi alam kong may laman ang lumalabas na mga salita mula rito. Ayaw ko ng pahabain ang lahat ng 'yon at hindi ito ang oras para patulan ko ang biglang pagbago ng timpla ni Celine. "Pero kung ayaw mo ayos lang din. We can stay na lang sa cottage para makapagpahinga, Wade." "Mabuti pa nga at hapon ang alis natin dito. Para matulungan din kitang ihanda ang mga gamit mo." "Yeah, right! Thankyou." "For you, Mahal." Ngumiti kami sa isa't isa. Mabuti na lang at hindi na humaba pa ang pag-uusap na 'yon at hindi na napunta sa kung saan pa. Wala naman akong balak patulan si Celine—hahayaan ko naman sana ito magsalita para wala ng gulo at kung 'yon ang makakapagpagaan sa damdamin nito. CELINE NAPALUNOK ako nang muli kong pagmasdan si Wade—hindi ko nagustuhan ang pagkahuli ko ng tingin niya kanina sa dalawang babaeng nakasalubong naming dalawa. Pakiramdam ko kasi parang nagsisimula na naman ito sa hilig nito, ang tipong hindi makuhang umiwas o hindi pansinin ang nakikita niyang tulad na lamang ng nakasalubong naming dalawa. Wala naman masama humanga sa ibang babae—ang sa akin lang respeto dahil ako ang kasama niya, ako ang nasa tabi niya. Halos kanina lang naisip ko ang pagbabagong mayroon ito, para yatang nagkakamali ako at nawala ang lahat ng 'yon sa sandaling may makasalubong lang kami. Paano na lang pala kung wala ako sa tabi niya? Paano na lang pala kung mag-isa lang ito? Baka ginagawa pa rin ni Wade ang mga nakaya nitong gawin noon. Walang makakapagsabi—kaya nga sabi ko sa kaniya mamasyal siyang mag-isa, siya naman 'tong tumanggi. Hindi ko man alam kung ano ang dahilan ng pagtanggi nito, hinayaan ko na lang. Wala naman akong panahon pang alamin 'yon, dahil sa mga sarili kong mata mismo nakita ko kung paano sinundan ng tingin ni Wade ang mga babaeng 'yon—babaeng sa akin alam kong malayong-malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD