CHAPTER 7 : LASTDAY

1907 Words
CELINE TULAD na lamang ng napag-usapan namin ni Wade—nagpasya kaming umuwi pagkatapos namin magkape. Niyaya ko naman ito o hinayaan ko rin sanang gumala mag-isa pero ito na mismo ang tumanggi sa akin. "Magliligpit lang ako ng ilang damit natin para bukas kaunti na lang," paalam ko kay Wade. Alas-cinco kasi ang oras ng alis namin—dapat alas dos pa lang byahe na kami papuntang airport, isang oras lang naman halos ang byahe mula rito hanggang sa Manila. Naka-timbre na rin ako kay Manong Dodoy na sunduin kaming dalawa ni Wade sa NAIA at pwedi din ang mauna ito d'on. "Sabi sa akin ni mama nakahanda na raw ang bahay para sa atin," sabi ko kay Wade. Mama ko ang naging in-charge para ayusin at linisin ang bahay na pinamana ng magulang ko sa akin bago kami dumating at handa na raw ang lahat, wala na raw kami dapat problemahin pa. "Nakakahiya naman kay mama," sagot sa akin ni Wade. "Ngayon ka pa ba mahihiya kay mama? Hindi ka na nasanay d'on ganoon talaga 'yon kailangan lahat ayos," sabi ko sa kaniya. "Oo nga e. Babawi na lang tayo." Napangiti ako sa asawa ko. Mula noong magkasintahan pa lamang kaming dalawa malapit na ito da nanay ko. Isa sa mga bagay na nagbibigay ng tuwa sa puso ko ang approval na binigay ng mga ito para sa lalaking pinili kong pakasalan. "Nakabawi ka naman na kay mama—" makabuluhang sabi ko kay Wade, isa sa dahilan ang naisip ko ang pagiging totoo na nito ngayon sa akin. "Sigi na ha, aayusin ko lang muna 'tong mga damit natin," paalam ko sa kaniya. "Sigi, Misis, sa sala na lang muna ako para hindi ka maabala." Sinundan ko ng tingin si Wade nang tumayo ito sa harap ko. Napako ang tingin ko sa cellphone nitong mabilis na nilagay sa bulsa nito. Lihim akong napalunok—wala naman sigurong ginagawang masama ang asawa ko. "Sigi. Saglit lang 'to!" "Tawagin mo na lang ako kapag tapos ka na ha." "I will, Wade—" "I love you, Celine.." "I love you too, Wade." Tumalima si Wade—wala itong lingon likod hanggang sa makalabas ng kwarto naming dalawa. Muli akong napalunok sa aking nga naiisip. 'Nag-o-overthink ka lang Celine!' kausap ko sa aking sarili para dito. Which is true alam ko, ako lang naman talaga siguro ang naglalagay ng hindi magandang ideya sa isip ko. Mahal ako ni Wade, 'ika niya. --- WADE INIWAN ko muna si Celine sa silid namin para makapag-ayos ito ng maayos. Kahit na hindi 'yon ang isa sa mga totoong dahilan talaga, aniya ko. Balak ko sana na i-message si Megan para sabihin dito ang siguradong pagbalik namin ng Manila. Mahirap na kasi kung may mga business trip na naman ang dalaga, baka hindi lang kami magpang-abot na dalawa. Mabuti na 'yong malaman niya agad para naman makapaghanda siya lalo na ang lugar na ligtas naming maging tagpuan na dalawa. [We will go back na tomorrow.] text ko kay Megan. Hindi ko naman inaasahan mag-reply ito agad at kilala ko ang dalaga, alam kong abala ito sa pagiging artista nito sa isang istasyon—freelancer si Megan. Kilala ito sa pagiging kontrabida sa mga pelikula o series man sa TV minsan nga nandoon ang takot na baka may makakita sa aming dalawa at makilala siya. Mabuti na lang at ligtas pa rin ang bahay bakasyunan nito sa Tagaytay kung saan d'on kami madalas magkita. [See you, Honey.] Pinadala kong mensahe ulit sa kaniya. Mababasa naman siguro ito ni Megan o kung hindi man baka ang PA nito na si Agnes ang makabasa nito at masabi agad sa kaniya. Nagtaas ako ng tingin sa silid namin ni Celine—sa sarili ko nakaramdam ako ng kaunting pangamba, tiwala naman ako sa sarili kong hindi kami mabubuko ni Celine. Matagal na itong walang komunikasyon kay Megan, ang huling pag-uusap ng dalawa ay noong kolehiyo pa lang kami. Ilang minuto pa ang hinintay ko, sadyang abala talaga yata ang dalaga at hindi man lang nakuhang mag-reply nito. "Mahal, papatulong sana ako..." Nagtaas ako ng tingin sa boses ni Celine, nasa may paanan ito ng hagdan. "Ibababa ko na kasi ang maleta at tapos ko na ayusin," aniya nito. Mabilis akong tumalima para tulungan ito. "Ang bilis mo naman, Mahal," sabi ko sa kaniya. Wala pa akong trenta minuto na nakaupo't naghihintay sa reply ni Megan tinawag na ako agad nito. "Kaunti lang naman kasi ang gamit natin atsaka maayos naman na ang iba," tugon sa akin ni Celine. Piningot ko ang pisngi nito nang maka-akyat ako. "Ako na rito, mag-meryenda ka na muna baka nagutom ka na." "No. Hihintayin ko na lang ang in-order kong tanghalian natin, late na rin pala at mag-a-alas dos na." "Oo nga 'no? Ang bilis naman ng oras. Sigi. Ibababa ko na ang bag natin ha. Loveyou, Mahal." "Love you too, Mahal.." Mabilis akong kumilos paakyat sa taas. Nagtuloy-tuloy ng bumaba si Celine. Sa puso ko nandoon ang pananabik na matutuloy na ang pagbalik namin ng Manila—I miss my life there. Lalo na ang mga trabahong naghihintay sa akin. 'Pero trabaho nga lang ba?' naiiling kong bulong sa aking sarili. Natigilan ako ng maalalang hindi ko pala nabura ang text message ko kay Megan. Mahirap na at makita ni Celine ito. Binura ko agad ito at muling pinasok sa bulsa ng suot kong pantalon. 'Wala kang ebidensiya dapat, Wade!' ani ko pa sa aking sarili. Hinila ko na ang maleta palabas—may kalakihan din ito kaya hindi nakaya ni Celine. "Mahal, sa baba ba 'to?" "Oo. Dito na lang para mas mabilis na madala agad." "Copy, Mahal. Kiss ko ha..." natatawa kong sabi sa kaniya. Buo ang pwersa kong binuhat ito pababa. Napansin kong hinihintay ako ni Celine sa may sala. "Diyan lang sa likod ng pinto," anito. Binaba ko agad ito—nilapitan ko siya at mabilis na hinalikan ang labi niya. "Ayan, bayad na ako." "Loko..." natatawang sabi nito. "Gusto mo ba ng kape?" "Huwag na, Mahal. Cold water na lang please." --- CELINE KINUHA ko ng tubig si Wade. "Mabigat ba?" tanong ko sa kaniya nang makalapit ako rito. "Hindi naman, mas mabigat ka pa rin, Mahal." "W-Wade... Mamaya may makarinig sa 'yo d'yan e." "Ito naman, sino naman ang makakarinig sa atin dito? Tayo lang ang magkasama—unless may nakikita kang hindi ko nakikita?" Tumawa ako sa komento sa akin ni Wade. Lately, masyado yata itong nagiging sweet sa akin. Alam ko naman na wala itong kailangan o bagay na gusto mula sa akin at hindi naman siya ganoon. Nakakapagtaka lang! Nagiging sweet talaga siguro ang tao kung nag-le-level-up na ang pagsasama niyong dalawa at isa si Wade sa halimbawa. "Ano plano mo sa last night natin?" tanong nito sa akin nang umupo kaming dalawa. "Ikaw. I don't plan anything naman. Ikaw ba? May gusto ka bang puntahan?" tanong ko sa kaniya. Totoo naman ang sagot ko dahil kung ako lang talaga ang masusunod gusto ko matulog ng maaga para makapaghanda din kami ng maaga sa pagluwas namin. "Sleep? Hanging out? Ikaw?" "I'd go to sleep, Mahal," sagot ko sa kaniya. "Naiisip ko kasi na baka pagbalik natin ng Manila sasabak agad tayo sa trabaho kaya mabuti na rin 'yong magpahinga na lang tayo." "Ang bitin naman ng bakasyon natin kung ganoon, Mahal." "Ganoon talaga—mahalaga pa rin ang pahinga, Wade." Ginagapa ni Wade ang palad ko at pinagdaup ito sa isa't isa. "Gawa na lang ba tayo baby, Mahal?" "W-Wade—" saway ko sa kaniya. Kung ano-ano na lang ang sinasabi nito sa akin. Tumawa ito ng malakas at sinandal ang ulo ko sa balikat nito. "I'm just kidding. Ikaw ang masusunod aking reyna kung ano ang gusto mong gawin. I'll be here lang for you." "Ikaw 'tong nagtatanong e. Sinasagot din kita." "Sigi na, kung ano ang gusto mo d'on tayo. Okay. Love you." "I love you too..." Piningot nito ang ilong ko at mabilis na hinalikan ang tungki nito. --- NAPANGITI nang maluwag si Megan nang mabasa ang text message ni Wade sa kaniya. Sinasabi na nga ba niyang hindi siya matiis ni Wade. Sa puso niya nandoon ang pananabik sa nalamang pabalik na ito ng Manila—katatapos lang ng engagement meeting niya ngayon sa manager nya sa isang project na alam niyang tatabo na naman sa takilya. Good thing dahil babalim na ang lalaki, hindi na siya magkakaroon ng tantrums sa pag-iisip sa paghihintay dito. Alam ni Megan na kinasal si Wade sa isang kaibigan niya noong kolehiyo siya—hindi naman ito lingid sa kaniya. Kilala niya si Celine. Sino ba ang makakalimot sa babaeng lagi niyang katunggali sa mga paligsahan ng pagandahan sa unibersidad na pinapasukan nilang dalawa? Noon pa man mahigpit niya itong karibal at hindi niya akalaing hanggang sa mga sandaling 'yon, karibal niya pa rin ito sa lalaking bumihag ng puso niya kay Wade Joseph Solomon. "Megan, may nag-text kanina sa 'yo," ani sa akin ni Agnes. Huli na ito at nabasa niya na ang mensahe ni Wade para sa kaniya. "Thankyou, Megan..." ani niya. Inabot niya ang Starbucks coffee na pina-order niya dito. "Tawagan mo si Aleng Mameng para ihanda ang rest house ko sa Tagaytay," utos niya kay Agnes. Alam ng P.A niya ang aktibidadis niya sa buhay—wala siyang tinatago dito noon pa man. Hindi rin ito nagkulang sa kaniya para pagsabihan siya. Wala lang itong magagawa at kung ano ang gusto niya 'yon ang masusunod. Kahit sa manager niya wala itong magawa kahit sa sarili alam niyang makakasira 'yon ng kaniyang imahe bilang artista. Mahalaga kay Megan ang karera niya, pero mahalaga din sa kaniya si Wade at ang kagustuhang mabigyan ng leksyon si Celine sa lahat ng aberya nito noon sa buhay niya. Hindi niya basta-basta magawang kalimutan, dahil hangga't may isang Wade na patay na patay sa kaniya makakabawi siya kay Celine sa lahat ng atraso nito sa kaniya. "Areglado, Ma'am—pwedi ko ho bang malaman kung may kaugnayan ito kay Joseph?" tanong sa kaniya ni Agnes. Ngumiti siya bilang tugon dito. "Alam mo na 'yon, Agnes. Huwag mo na masyadong alamin. Nagkakaintindihan ba tayo?" aniya rito. "Alam mo rin ang bawal sa hindi, Megan. Baka nakakalimutan mong may kontrata ka sa manager mong si Wilbert." Mapaklang tumawa si Megan. Kung minsan talaga hindi niya nagugustuhan ang pangingialam ni Agnes sa buhay niya lalo na sa trabaho niyang hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad niya. "Tawagan mo na si manang at ibilin mo sa kaniya na ibili ako ng masasarap na pulutan sa bayan. Okay ba?" aniya rito. "Masusunod, Megan. Mauuna na ako." Tumalima na ito matapos magpaalam sa kaniya—sinandal niya ang likod sa headboard ng sofa kung saan siya nakaupo. Mabuti na lang at walang tao sa dressing room niya at sila lang ni Agnes ang may access d'on maliban sa manager niya. Tiwala siyang ligtas ang sekreto niya at ang ginagawang pakikiapid kay Wade. Malaking kasiraan kapag nagkataon 'yon sa trabaho niya at sa paalala ni Agnes alam niyang malaki ang perang ilalabas niya kung sakaling makalabas 'yon. Nagtitiwala lang siya kay Wade na hindi 'yon mangyayari, dahil alam niyang hindi mismo hahayaan ng lalaki ang mabulilyaso ang hindi magandang gawain nitong siya ang nagiging kasangkapan. Magaling siyang artista kaya sa sarili niya alam niyang lahat kaya niyang paikutin sino man ito—lalo na si Celine De Jesus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD