WADE
"ANG LAKI NA TALAGA NG PINAGBAGO NI MEGAN NO?"
Muntik na ako mabulunan sa narinig kong komento ni Celine para kay Megan.
Nanunuod ito sa sala at ako ay prenteng kumakain dito sa maliit naming kusina sa kaliwang bahagi kung saan ito nakaupo.
Sinundan ko ng tingin kung saan nakapako ang mga mata niya. Hindi ko man lang namalayan pinapanuod nito ang isang serye ni Megan kung saan isa siyang pornstar sa palabas na 'yon.
"Natatandaan mo ba siya, Wade?" ilang sandaling tanong sa akin ni Celine. Nakapako pa rin ang mga mata nito sa TV—hindi ko alam kung ano ang isasagot dito.
Parang nalunok ko ang dila ko sa hindi ko inaasahang sandaling 'yon.
"Ibang-iba na siya sa dating Megan na kaklase ko noon," ani pa ni Celine.
Kung alam lang nitong nais ko ng patayin ang TV para matigil na ang gusto nitong pag-usapan ginawa ko na. Ayaw ko naman maging obvious sa kaniya at baka may mahalata lang ito sa kinikilos ko.
Kumagat muna ako ng fried chicken na in-order nito bago naghanap ng isasagot sa kaniya.
"Siguro hindi mo na siya natandaan."
"Natandaan ko naman, Mahal.." ani ko kay Celine.
"Hindi ko lang gusto ang image niya ngayon," sagot ko sa kaniyang kabaliktaran sa totoo kong nararamdaman para kay Megan.
Dahil ang totoo—sobra ang paghanga kong nararamdaman sa dalaga sa narating nito sa buhay.
Malayong-malayo ito kay Celine sa lahat ng aspeto. Ibang-iba na nga si Megan at totoo ang sinasabi ng asawa niya sa kaniya.
"Sana kilala niya pa tayo 'no," turan sa kaniya ni Celine.
Napalunok si Wade, dahil kung alam lang ni Celine na hindi lang siya basta kilala pa ni Megan at sobra pa ang muling ugnayan naayroon sa kanila ng babae.
"Pero mabait naman siya, kaya feeling ko kilala niya naman tayo," dugtong pa nito.
Gusto ko man pigilan ang asawa sa lahat ng sinasabi nito hindi ko alam kung saan magsisimula—mukhang marami pa yata itong gustong sabihin tungkol kay Megan.
"Sana makita natin siya ulit 'no, Wade. Sa tingin mo maganda bang ideya 'yon?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko alam, Mahal. Wala talaga akong hilig sa mga artista-artista na 'yan," pagsisinungaling ko dito.
Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya, kung hindi ko iiwas ang usapan namin baka kung saan lang mapunta sa tingin ko.
"Alam ko naman. I mean bilang kababata natin noon? Okay lang naman 'yon hindi ba! Hindi ka ba proud na may sikat tayong kakilala," sabi sa akin ni Celine.
"Like of what I said, I don't like her image, Mahal," turan ko rito.
Binaling ni Celine ang mga tingin niya sa akin.
"All I want is just like you, kaya huwag mo na isipin 'yan. Baka mamaya maisipan mo rin maging artista at gaya niya kaunti na lang maghuhubad na.."
"W-Wade, masama 'yan ha. Hinuhusgahan mo 'yong tao, baka kailangan talaga sa script 'yon," ani sa akin ni Celine.
Napailing-iling ako, mukha yatang hindi ito titigil sa mga gusto nitong sabihin. Tumayo na ako at niligpit ang mga pinagkainan ko.
"I'll take a shower lang, babalikan ko na lang mga hugasin dito ha," paalam ko sa kaniya.
Wala itong kibo sa akin at muling tinutok ang pansin sa TV—hindi nakaligtas sa akin ang two piece swimsuit na suot ni Megan mas lalo yata ako nakaramdam ng pananabik sa dalaga.
Napalunok ako.
PINILI kong iwan si Celine nang maramdaman kong hindi maawat ang mga nais nitong sabihin tungkol kay Megan.
Ipagkakanulo lang ako ng paghanga ko sa dalaga kung patuloy kong pakikinggan ang asawa ko.
Mabuti na 'yong umiwas para wala rin itong mabasa sa akin kung sakali, hindi ko alam kung sinasadya lang ni Celine pag-usapan ang tungkol sa babae.
Wala naman siguro, baka paranoid lang ako at nag-iisip lang ng kung ano-ano mula kay Celine.
Kinuha ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko—napangiti ako nang may mabasa akong message mula kay Megan.
[I will prepare everything ha. See you soon, Babe.] Reply ng dalaga.
Napangiti ako, sinasabi ko na nga ba at ihahanda ni Megan ang lahat para sa aming dalawa.
Kahit gaano ito kaabala sa trabaho nito, wala pa rin itong pinagbago kung may mga sandaling pwedi kaming magkita.
Gusto ko man siya tawagan, nag-aalangan ako at nasa baba lang si Celine.
Abala man ito sa panunuod ng series ng babaeng nagbibigay ngayon ng ngiti sa labi ko.
Hindi ko pa rin pweding isaalang-alang ang pagkakataon na pwedi akong marinig nito.
Ang pwedi pa maligo na ako tulad ng paalam ko sa kaniya, baka mag-isip pa ito ng mali tungkol sa akin mamaya.
Babalikan ko rin ang mga hugasan na naiwan ko gaya ng sinabi ko kanina—hihintayin ako nito sa baba.
Nagmadali na ako para mag-ayos matapos kong masiguradong malinis ang cellphone ko, na walang kahit na ano ang pweding makakapagbigay isipin dito.
Hindi naman si Celine nakikialam ng sarili kong gamit, kailanman she never invade my privacy kahit na marami itong pagdududa sa akin noon, hindi pa rin nito nakukuhang pakialaman ang mga messages ko.
One of the best thing about my wife, and the worst thing too—masyadong siyang kampante minsan.
Dahilan kung bakit nakakaya kong gawin ang ilang bagay na 'to tungkol sa kaniya kahit labag man sa loob ko, but Megan is the exemption dahil lahat ng anggulo magugustuhan mo kay Megan hindi pweding hindi, 'she is a goddess for damn sake' aniya ko sa aking sarili.
---
CELINE
KANINA pa nakaakyat sa taas si Wade, halos trenta minuto na rin mula nang magpaalam sa akin 'to.
Tapos na rin pala ang pinapanuod kong hindi ko man lang namalayan.
Nakaramdam ako ng antok, gusto ko man sana matulog alanganin na, baka hindi na ako makatulog mamaya at iniisip ko ang byahe namin. Tanghali pa naman 'yon pero mabuti na 'yong maaga pa kami makarating sa airport.
Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko ilang minuto na lang alas sais na—gusto ko sana tawagan si mommy.
Pinagpaliban ko na lang ang balak ko at kapag ganito, nag-ro-rosaryo lang sila ni daddy kasama ang ilang katiwala namin sa bahay.
Hihintayin ko na lang ang i-text ako ni mommy. Naghanap pa ako ng ibang gusto ko sanang panuurin.
Hindi ko maiwasang, hindi ma-bored dito sa bahay, ayaw ko naman lumabas at wala akong kasama.
Naisip ko kahit gaano pala kaganda ang isang lugar kung mag-isa ka lang hindi mo rin naman pala ma-e-enjoy 'to. Mas gusto kasi ni Wade na dito lang kami maglagi.
Hiniga ko ang katawan ko sa malambot na sofa—iidlip muna ako at hindi ko na mapigilan ang antok na nararamdaman ko, habang hinihintay si Wade.
HALOS kinse minuto rin pala akong nakatulog ng magising akong nasa tabi ko na si Wade—nakaligo na nga ito.
Nahihikab akong umupo.
"Kanina ka pa?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi naman, bakit ka nagising? Naistuboro yata kita, Mahal," sabi ni Wade.
"No. You're not! Hindi nga ako dapat nakatulog, inantok lang ako."
"Katatapos ko lang maligo, Mahal. Ayos ka lang ba?"
"No! May gusto ka? May kailangan ka?" tanong ko sa asawa ko.
Umiling-iling ito sa akin. Napansin kong nakasuot na ito ng pantulog—mukhang gusto ko rin tuloy maligo dahil sa init na naramdaman ko bigla.
"Maalinsangan ang panahon ngayon," ani ko kay Wade.
Nagbabadya sigurong umulan kaya medyo mainit ang pakiramdam ko.
"Maligo ka muna if you want, I'll stay here. May hinihintay ka ba, Mahal?" tanong sa akin ni Wade.
Wala naman akong kahit na ano'ng hinihintay, sa labas na lang kami kakain mamaya ng hapunan at maaga pa naman ito.
Mabuti na 'yong gabi na kami lumabas para pagdating namin sa bahay makapagpahinga na kami agad.
"Ang mabuti pa nga, wala naman akong hinihintay nagpa-reserve na ako sa kakainan natin mamaya, Mahal," sabi ko kay Wade.
Tumango-tango ito sa akin kasabay ang ngiting sumilay sa labi nito.
"Sigi na. Magpahinga ka muna sa taas o maligo ka na," sabi nito.
Tumayo ako at nagpaalam kay Wade—iniwan ko ito sa sala at ako naman ang pumanhik sa taas.
---
WADE
NAGHANAP ako ng tiyempo para matawagan si Megan. Wala na itong trabaho sa mga oras na 'yon malamang nasa condo niya na ito o hindi kaya sa malaking bahay nito sa Mandaluyong—hindi ako nag-aksaya ng panahon.
Lumabas ako sandali sa apartelle namin ni Celine habang nasa taas pa ito at nagpaalam maligo sa akin.
Ayaw kong sayangin ang sandaling makausap ang dalaga at ikwento sa kaniya ang tungkol sa narinig ko kanina kay Celine.
"W-Wade?" panigurado sa boses ni Megan nang sagutin nito ang tawag ko.
"Good! Sinagot mo agad," sabi ko sa kaniya.
Napapatingin ako sa taas mula sa nakabukas na pinto ng main door, mula dito tanaw mo pagpasok ang pintuan sa silid namin ni Celine. Kaya makikita ko agad kung lalabas na ito.
"Akala ko ba bukas pa ang balik mo?" anito sa akin.
"Yes! I'll make sure lang na na-recieve mo ang text message ko sa 'yo."
"Oo! Nag-reply naman ako hindi ba? I'm excited na nga nang malaman kong babalik ka na," turan nito sa aking bakas ang tuwa sa boses nito.
"Totoo ba, Hone?"
"Oo naman! E 'di ba noong nakaraan lang nagtampo ako sa 'yo at hindi mo ako naalala.." totoong sabi sa akin ni Megan.
"Teka lang! Nasaan ba ang asawa mo't napatawag ka yata?" aniya.
"Nasa taas! Nagpaalam sa akin maligo, kaya nakahanap ako ng tiyempong tawagan ka."
"Mabuti naman at naalala mo agad ako! Magtatampo na naman sana ako sa 'yo e," anito sa akin.
"Hindi naman pweding kalimutan kita, Hone! Excited na nga ako e," anito ko sa kaniya.
"Halata naman! I miss you, Wade—"
"I miss you too, Megan! You don't know how much I wanted to see you and to be with you again and finally makakabalik na ako."
Narinig kong tumawa ito sa kabilang linya. Maliban sa akin ramdam ko rin ang pananabik na nararamdaman ng dalaga.
Mas lalo akong natuwa ngayon at sa pagbabalik ko wala akong sasayangin sandali kapag nagkasama na kaming dalawa.
Alam ko sa sariling kong hindi ko dapat ginagawa ang lihim na pakikipagtagpo kay Megan.
Pero wala naman sigurong masama hangga't alam ko at alam ni Celine ang limitasyon naming dalawa.
Matibay ang naging usapan namin na wala dapat may mabuo sa mga lihim na sandaling pagsasamahan naming dalawa.
Walang tama sa ginagawa namin ng dalaga at wala rin masama kung hahayaan na lang namin ang panahon ang makakapagsabi kung hanggang kailan kami hihinto.
Syempre, hindi sa pagkakataong may malaman si Celine. Ayaw kong masaktan ang babaeng pinakasalan ko—hindi ko naman hahayaang maramdaman nito na may kulang sa kaniya kung kaya ko ginagawa ang bagay na 'to, walang kulang kay Celine.
Para sa akin ako ang may kulang sa aming dalawa—dahil kung mabuti lang akong asawa at karapat-dapat dito hindi ko magagawa ang bagay na 'to.
Alam ko kung kailan ako titigil at ganoon din si Megan, hindi kami habambuhay sa sitwasyong 'to.
Darating din ang araw na magsasawa kami sa isa't isa at sa araw na 'yon I'll make sure na ang asawa ko'y nananatili sa tabi ko.