Chapter 28 : Harold Morales

1220 Words

CELINE "ANO naman ang nagtulak sa 'yong dalawin ako?" bungad sa akin ni Sabrina. Sinadya kong puntahan ito sa eskwelahan kung saan siya nagtuturo. Maaga pa ako umalis sa bahay—hindi ko na rin halos hinintay na gumising si Wade. Hindi rin kasi kami nagtabi nito kagabi. Pinili niyang sa kabilang silid natulog—walang kahit na anong pag-uusap ang namagitan sa amin nang matapos kaming kumain. Hindi na rin naman siya nag-atubili pang subukan akong kausapin at alam niya rin naman ang isasagot ko sa kaniya. 'Wala akong panahon!' Gusto kong iwasan si Wade. "Umupo ka muna, tatapusin ko lang 'tong mga ginagawa ko," aniya sa akin ni Sabrina. Kahapon lang pala kami nagsama nito. Sadyang gusto ko lang din talaga ng makakausap sa ngayon. Kahit na hindi tungkol sa amin ni Wade—basta kailangan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD