Chapter 27 : Celine's instinct.

1321 Words

CELINE "MAHAL, pagod ka lang. Gutom lang 'yan. Ipaghahanda na kita," ani sa akin ni Wade. Kunwa itong naging abala sa ginagawa niya. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakawalan ko. Sa tingin ko wala akong aasahang sagot mula kay Wade. Tulad ng dati, he will deny everything—siguro kahit nahuli ko na ito harap-harapan 'yon pa rin ang kaniyang gagawin. Napapikit ako, para pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko na nga siguro tinanong ang mga bagay na 'yon kay Wade. Pero ano ang gagawin ko? Ang hayaan na lang na ba ang aking sariling mag-isip? Isang malalim na paghinga muli ang pinakawalan ko bago tumalikod, mula sa kinatatayuan ni Wade. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, kanina napakarami kong gustong sabihin sa kaniya. Heto at nasa akin na ang lahat ng pagkakataon, pero tila

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD