WADE UMUWI akong wala si Celine sa bahay. Hindi ko rin matawagan ang cellphone nito, wala akong ideya kung nasaan pa rin ito, sa isip ko ilang beses ko ng natanong kung kasama pa ba nito si Megan. Sa tingin ko wala maman akong dapat ipag-aalala, tatawag naman si Celine kung sakaling kailangan nya ako. Kung may problema man, tinawagan na ako ni Megan. Kahit dito wala akong natanggap. Napansin kong dala niya ang honda civic nitong regalo sa kaniya ng daddy niya. Wala ito sa garahe, baka nasa magulang niya lang ito galing bago pumunta sa mall kung saan muntik niya kaming makita ni Megan kanina. Kahapon halos kagagaling niya lang d'on. Bumisita na naman siguro ito, naiintindihan ko naman si Celine at kahit noon pa man malapit na talaga ito sa parents niya. Nag-iisang anak ang asawa ko

