MEGAN NAPAGPASYAHAN namin ni Wade na magkita sa isang sikat na mall sa Cubao. Bababa sana ito ng Laguna nang bigla akong magkaroon ng appointment sa manager ko alas-kwatro ng hapon. Wala akong ideya kung tungkol saan ang pag-uusap naming dalawa, bigla-bigla na lang din ito nagpatawag ng pribadong pag-uusap. Malakas ang kutob kong may kinalaman ito sa mga natanggap kong proposal nagdaang buwan; guestings lamang ang karamihan n'on. Hindi na lang din kami naging choosy sa bawat projects na mayroon ako. Malaking bagay sa akin ang magkaroon—hindi naman ako ganoon in-demand actress kaya alam ko kung saan ko ilulugar ahg sarili ko. Napataas kilay ako nang matagalan bago ako makakuha ng parking space. Maaga pa lang mukhang marami na yatang tao sa mall na 'to. Hindi na ako nagtataka, ganito

