Chapter 22 : Ang paghaharap ni Megan at Celine

1040 Words

CELINE TINAWAGAN ko ang matalik kong kaibigan na si Sabrina. Isa ito sa mga taong pwedi kong sabihan ng lahat ng nararamdaman ko, lalo pa't may kaugnayan sa amin ni Wade. Gustuhin ko man itago sana ito sa mga kaibigan ko, hindi ko alam kung paano hahayaang ipakita sa lahat na maayos lang ako. Masyado ng masakit ang ulo ko sa araw na 'to. Ang sayang naramdaman ko kanina ay sa isang iglap naglaho na lang ng basta. Malinaw sa akin ang pagsisinungaling ni Wade at hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng lakas para gawin sa akin 'yon. Napahawak ako sa manibela ng sasakyan ko—kanina ko pa halos pinipigilan ang luhang gustong kumuwala mula sa mga mata ko. "Hello! Celine?" bungad sa akin ni Sabrina. "Sab, nasaan ka?" "I'm here in Cubao. May kailangan ka ba?" tanong nito sa akin. Tama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD