CELINE Tuliro akong nakaupo sa sasakyan. Mag-isang iuuwi ang aking sarili sa bahay. Tinatawagan ko ang phone ni Wade, but he didn’t pick it up. Nakailang attempt ako ng tawag pero wala eh. Tila hindi na mahalaga ang aking tawag sa kaniya. Nais ko lang linawin ang bagay na ito. Ang sikip-sikip sa dibdib. Para bang hindi na mauubos ang luha ko mula sa ‘king mga mata. Napapalingon na lang ang nasa tabi ko. Tuloy nagmumukha akong tanga na maya’t-maya ay nagpapahid ng luha sa aking pisngi. Hindi ko kayang patahanin ang aking sarili. Sa tagal ng panahon na nagtimpi ako. Inayos ko lahat sa amin ni Wade, I tried once more. Pero heto na naman. Wala ba siyang kapaguran na saktan ako? Nakakarindi na ang paulit-ulit na pait. Halos hindi ko naramdaman ang gutom. Narating ko ang bahay

