Chapter 42 CELINE NASA tapat na ako ng bahay namin. Is this the right thing to do? Kailangan ba talaga na ipaalam ko sa pamilya ko ang nangyayari? Pero hindi ko na kayang kimkimin na mag-isa. Napansin nang guard na nasa tapat ako ng gate kung kaya ay mabilis siyang tumakbo upang buksan ito. Pagdating sa loob ay kaagad kong nakita ang Mommy na nasa tapat na nang pinto ng bahay. Bumaba ako ng sasakyan. “Celine?” nagtatakang himig nang Mommy. Hindi ko maikukubli ang lungkot sa aking mga mata. Kaya naman ay sinalubong ako nito ng yakap. Wala akong pweding itago sa aking ina. Hindi ko ito kailanman mapagsisinungalingan, papunta pa lang ako pabalik na ito. Bukod d'on kilalang-kilala na ako ni mommy. “What happened?” Napahikbi ako sa bigat nang aking nararamdaman. “Mommy..” “Let’s ge

