THIRD POV “SIR.. Are you okay?” ang tanong ng Pulis kay Wade na halos hindi na makagalaw sa driver’s seat. Marahil ay na-trauma ito dala ng pagkabangga niya sa truck na nasalubong sa intersection. Mabilis ang pag-responde ng mga tao sa paligid upang tulungan siya. Mabilis na naghanap ang mga pulis na rumesponde ng kaniyang IDs at sa tulong ng emergency team ay mabilis siyang nailabas sa kaniyang sasakyan. Inihiga nila ito sa stretcher at ini-check ang kaniyang vital signs. “He’s breathing—marahil nawalan ito ng malay dala ng impact ng kaniyang pagkabangga," ayon sa staff ng rescue team. “May nakita ka na bang ID?” tanong ng isang pulis sa kasama nito. “Sir meron po. Company ID po ito. May contact details din po sa likod.” “Tawagan mo nang maipaalam ang nangyari.” Mabilis naman

