Chapter 44 : Kapraningan ni Megan

1022 Words

CELINE NAGPAALAM na ako rito. Bukod sa wala akong maintindihan sa mga sinabi niya, hindi ko rin gusto ang ideya na gusto nitong mangyari. Hinanap ng tingin ko si mommy. Kanina lang kasama ko ito, bigla na lang nawala sa tabi ko. Kung bakit kasi hindi ko rin napansin na hindi na kami magkasunod. Nilingon ko ang lalaki—mabuti na lang hindi na rin ito naging makulit na sundan ako. Tiyak, pagagalitan lang kami ni Dad kung uuwi kaming magkahiwalay. Kaya wala akong choice kundi hintayin ito o hanapin. Kaunti lang naman ang tao sa resort na 'to, pwera lang sa isang grupo kanina at isa nga rito ang nagpakilala sa aking si Terrence. Hindi ko na siya inisip pa at wala naman akong dapat pang isipin tungkol sa kaniya—I'm not interested sa kung ano man ang sadya niya sa akin. Model? No way. K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD