9th chapter

1145 Words
Hindi nakaimik si Adrian. Seryoso lang itong napatitig sa kaniya. Si Phoenix naman ay tahimik lang, samantalang si Azec ay nagsimula nang magmura. "Ate Kaori! Nagpapakahirap kami sa paghahanap sa iyo tapos hindi ka lang pala sasama?!" namumroblemang sabi ni Azec. Lalo pa siyang umatras papasok sa loob. "Kaori, get out of there," malumanay na sabi ni Adrian mula sa bukas na pinto. "No," iling niya. "Hindi ako aalis. Hindi ko sila iiwan." Hindi kaya ng konsensya niya. Sa anim na taon ay naging malapit na ang loob niya sa ibang tauhan ni Ishmael. Lalo na si mang Simon at aling Thelda. Mababait ang mga ito sa kanya kahit ganun siya kakulit at madalas na sakit ng ulo ay hindi nagsasawa ang mga ito na alagaan siya. Tumakbo siya papunta sa hagdan. Sinubukan siyang habulin ni Adrian. "Stop!" sigaw niya dito. Natigilan ito. "Kapag nagpatuloy ka, pasasabugin ko ang lugar na ito." Ilang segundo pa silang nagtitigan. Nang makita ang pag-atras ng isang paa ni Adrian ay kaagad niya itong tinalikuran. "Kaori!" narinig niyang sigaw nito. Huminto siya at nilingon itong may paninikip sa d*bdib. "Go home, Adrian." "No! Mom is waiting for you, Kaori. Nangako akong hindi ako babalik sa atin hangga't hindi kita nababawi!" Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi sabay pikit ng mariin. Pinipiga niya ang sariling daliri habang iniisip nang mabuti kung tama ba itong ginagawa niya. Kaya niya ba talagang ipagpalit ang pamilya niya dahil lang sa awa kay Ishmael at sa mga tao roon? Matagal na niyang gustong tumakas. At ito na 'yon! Ito na ang pagkakataon niya pero pinipigilan siya ng kaniyang konsensya. "Fine! Hindi na namin pasasabugin ang lugar." Nilingon niya ulit ang kakambal na nanatiling nakatayo malapit sa hagdan. "I don't believe you." "Phoenix, get the laptop," utos nito na sa kaniya nakatingin. "Deactivate the bomb." Kaagad na kumilos si Phoenix upang kunin ang laptop mula sa sasakyan na dala ng mga ito. Pero hindi pa rin siya kumbinsido, wala siyang tiwala sa salita. "I'm sorry, twin brother. I can't go with you. But I promise, I'll be home soon. Ako ang hahanap ng paraan para makauwi." Hindi na niya ito tiningnan ulit at patakbong binaybay ang hagdan habang bitbit ang control ng bomba. She has no idea how hard it would be for Adrian to come up with a plan just to rescue her. Sinayang niya lang iyon. Nagpapakahirap ang kakambal niya, sinugal nito ang sariling buhay para lang maalis siya sa lugar na iyon pero ano'ng ginawa niya? Pinalis niya ang luhang nagbabanta na bumagsak. Bahala na! Naniniwala siyang makakatakas siya ulit. Hindi muna ngayon. Hindi kakayanin ng konsensya niyang iwan sa ganoong sitwasyon si Ishmael at ang mga tao roon. Well, that's her weakness. Arogante siya, palaban at maldita pero mabilis siyang tablan ng konsensya at awa. Hingal-kabayo siya nang makarating sa kwarto ni Ishmael. Naabutan niya pa ang binata na wala nang malay habang ang sugat sa labi nito na pumutok sa pagkakasipa ni Adrian kanina ay natuyuan na ng dugo. "Ishmael!" Patingkayad siyang umupo sa tabi nito at hinawakan ang braso nito ngunit napaatras siya sa nakakapasong init na inilalabas ng balat nito. Lumala ang lagnat ni Ishmael! Mabilis siyang kumuha ng batya sa baba at nilagyan ito ng malinis na tubig. Pagbalik niya sa kwarto ni Ishmael ay agad siyang naghanap ng bimpo sa closet nito. "Ishmael! Move to your bed." Sinubukan niya itong gisingin dahil hindi niya ito maiangat para ilipat sa kama. "Ishmael. Please, cooperate!" She forced him to get up. Halos maputulan na siya ng ugat sa pamumwersa para lang makatayo ito. Napaungol si Ishmael ngunit nanatiling nakapikit. Alam niyang gising na ito pero hindi lamang nito magawang imulat ang mga mata. Nang gumalaw ito ay muntik na itong matumba mabuti na lang, nasalo niya ito at sumubsob sa leeg niya. Napaigtad pa siya sa nakakapasong init na ibinubuga ng hininga nito. "Ishmael, doon ka sa kama. Pupunasan kita." Inalalayan niya ito saka dinala sa kama. He stepped forward but acted like he was drunk until they both fell on the bed. "Ishmael! Nadadaganan mo 'ko!" Tinulak niya ito ngunit masyado itong mabigat para alisin sa ibabaw niya kaya naman ay hinayaan niya muna ito. Magpapahinga lang siya saglit upang bawiin ang lakas niya saka niya ito itutulak ulit. "You came back... Why did you came back?" mahinang usal ni Ishmael sa leeg niya. Her eyes widened when she felt his warm lips on her earlobe. Hinalikan siya nito roon, pababa sa leeg na nagpalambot ng kanyang katawan at nagpanginig ng kanyang kalamnan. "W-what are you doing?" hingal niyang sambit sabay tulak dito. Pero hindi man lang ito natinag. "It was a mistake that you came back." Nag-angat ito ng mukha at tumitig ng matagal sa kaniya. Ang daming sinasabi ng mapupungay nitong mga mata. "You... Kaori Nagamori... You can never leave again." Huli na nang mamalayan niya. Nakaposas na siya ulit sa kamay nito. "Ishmael! Let me go! Mang Simon and everyone in the house are unconscious. No one will take care of you! Uncuff me now! Alam mo bang bumalik ako dahil nag-alala ako sa iyo tapos ipoposas mo lang pala ako ulit?!" "Pasensya na. Hindi ko maa-appreciate ang mabuting intensyon mo." Napanganga siya sa sinabi nito. She can't believe him! Matapos ang ginawa niya... What the hell! Gusto niyang magwala! Hinampas niya ito ng unan. Umiwas ito sabay tayo. Inabot ni Ishmael ang phone nito sa ibabaw ng mesa na katabi ng kama saka dinayal ang numero ng kaibigan nito na kasamahan din nito sa organisasyon. "Doctor Lionzo Mancini. I need you here in my house," pagkasabi no'n ay kusang nalaglag ang phone mula sa kamay nito saka ito pabagsak na nahiga sa kama, katabi niya. Nahihilo na naman ito. Bagsak naman ang panga niya. "Kung alam ko lang na kaya mo pa lang magtawag ng doctor, hindi na sana kita binalikan! T*ngina mo!" Nilingon siya nito at tinaasan ng kilay. "Bihag, bakit ka nga ba bumalik?" Napalunok siya. "D-dahil may konsensya ako. Naaawa ako sa inyo." Umangat ang gilid ng mapulang labi nito. "No. Kulang na kulang ang dahilan mo." Bumangon si Ishmael at gumapang palapit sa kaniya. Napausog siya at napasandal sa headboard. "Ishmael! Stop right there!" Akma niya itong itutulak sa d*bdib pero bago pa iyon nangyari ay dumampi na ang mainit nitong mga labi sa kaniya. Nanghina na naman siya. "You belong to me, Kaori. Hindi ka na mabubuhay nang wala ako." "Assuming ka." "Admit it. May nararamdaman ka na para sa akin. You better check yourself." Sumikbo ang puso niya. Parang napukol bigla ng bato. Pero hindi siya magpapatalo. Tinaasan niya ito ng kilay. "Check mo rin ang puso mo, Ishmael. Baka nariyan na pangalan ko. Sige ka, iiyak ka talaga pag nawala ako. Kanina nga, nagmakaawa ka, diba?" Tumiim ang bagang nito. Hindi ito nakasagot dahil sa napagtanto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD