Prologue
Dahan-dahan na ibinuka ng fourteen year old girl ang kaniyang mga mata at sumalubong kaagad sa kaniya ang sinag ng araw na tumagos mula sa salamin na bintana.
"Glad you're awake."
Napatingin siya sa kaniyang gilid at nakita niya roon ang isang binata na pamilyar ang mukha.
Kumurap-kurap siya at muling tumitig dito. Pilit niyang inaalala kung bakit ito pamilyar sa kaniya.
Nakasuot ng v-neck plain white shirt ang lalaki, faded pants at sneakers habang nakaupo sa couch na parang prinsepe. Maganda ang mga mata nito, makinis ang balat, matangos ang ilong at natural na mamula-mula ang mga labi. Dumagdag pa sa dating nito ang suot na diamond na hikaw sa isang tainga.
Her type of guy. Simpleng badboy ang dating. Kinilig tuloy siya nang wala sa oras.
"You look so handsome and familiar. Are you my prince charming?"
Sarkastiko itong ngumisi sa kaniya. "No. I am your grim reaper, princess. I'll rip your heart out and burn your body to ashes!"
Hindi niya nagustuhan ang biro ng poging lalaki kaya sinimangutan niya ito. Halos magbuhol na ang mga kilay niya habang nakatitig sa gwapo nitong mukha, taking in the beauty of his eyes, the sharpness of his nose, and the allure of his small, rosy, and full lips. Oh, d*mn... Sino ba itong gwapong prinsepe na ito?
Sa kakatitig niya ay unti-unti niyang naaalala ang pamilyar na mukha ng gwapong binata.
"Ishmael!" Ngumisi siya nang malawak nang sa wakas ay naliwanagan siya. "Ikaw nga! That ten-year-old jerk back then who stole my first kiss! Pogi mo na ngayon, ah?"
Sumimangot ito. "It was you who kissed me then and not me!"
"Yeah, whatever. Tumangkad ka na ng kaunti, ha? Infairness sa 'yo. Kunting push pa."
Tumayo ang lalaki at lumapit sa kaniya. Umawang pa nang bahagya ang bibig niya sa gulat nang malamang sobrang tangkad na pala talaga nito.
Akma siyang babangon pero nagulat siya nang mapagtantong nakatali pala ang mga kamay niya sa kamang kinahihigaan niya. Kaya pala nahirapan siyang gumalaw kanina.
"What's this?! Untie me!"
Pumamulsa ito sa harapan niya. "I told you, I will tear your heart from your flat chest and burn your body."
"Ano'ng flat chest?! Jerk! Tanggalin mo nga 'to! Let me go!"
Paulit-ulit niyang hinihila ang mga kamay niya pero masyadong matibay ang pagkakatali sa kaniya at hindi niya magawang kalasin iyon.
"Kaori Nagamori."
Napatingin siya ulit sa lalaki. Hanggang sa biglang nag-flashback ang lahat ng nangyari bago pa man siya nawalan napunta sa lugar na iyon...
*
Flashback.
They were in Cebu and had a summer vacation with the whole family and family friends. Sakay sila noon ng yate para sana sa kanilang paglalayag at pamimingwit. Paalis na sila at naghihintay na lamang sa kaniyang pinsan na si Azec at kapatid na si Ariand nang bigla silang inatake ng mga armadong lalaki.
Her dad hid them in the cabin kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki at ang dalawang kaibigan nito. Hindi na niya alam ang sunod na nangyari sa dad nila pagkatapos no'n. Ang naalala lang niya, nang bumukas ulit ang pinto ng cabin ay ibang tao na ang nabungaran niya.
"MGA BATA!" Those were the last words she heard before the man sprayed them with a sleeping chemical.
End of flashback.
*
"Paano ako napunta dito? Where's my dad?" tanong niya kay Ishmael.
"Huwag kang mag-alala, nasa mabuting kabaong na silang lahat."
"What? What did you do to them? Evil!"
Muli siyang nagpumiglas. Pero paano ba makakawala ang isang fourteen year-old girl mula sa matibay na lubid? She's too weak!
Gigil niyang hinarap ang lalaki. Kalmado pa rin itong nakatitig sa kaniya kahit na pagmumura niya na ito.
"Tsk. Ang bata-bata pa pero puro ka na mura. Is that how you were raised?"
"At least maganda!"
'Napakapilosopo pa! Wala talagang manners!' sa isip nito.
Kunti na lang ay pipitikin na nito ang bibig ni Kaori.
"Humanda ka sa akin kapag nakawala ako rito!" sigaw niya sa lalaki.
"Kung makakawala ka."
"A*shole!"
"Tanggapin mo na lang ang kapalaran mo, Kaori Nagamori. Nabubuhay ka para maging kabayaran sa kasalanan ng angkan mo!"
Hindi niya ito pinansin. Pilit na inaabot ng kaniyang bibig ang lubid para ngatngatin pero naalala niyang hindi nga pala siya daga. Hindi niya kaya!
"Pakawalan mo 'ko!" gigil na niyang sigaw sa lalaki at nagpapapasag sa ibabaw ng kama.
Nakahalukipkip lang din ito habang aliw na aliw sa kaniya.
"Don't waste your energy. Hindi ka pa rin naman makakawala diyan."
"I hate you! Hindi na kita crush!"
"I hate you too at wala akong pakialam."
Tumalikod ito at humakbang patungo sa pinto. Pero bigla itong humarap at binalikan siya. Nagulat na lamang siya nang diretso itong tumungo sa kaniya. Itinuko nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya saka nito inilapit ang mukha na halos magtama na ang dulo ng kanilang mga ilong.
"W-what are you doing?" kinakabahan niyang tanong.
"Ibabalik ko lang sa iyo yung sinabi mong ninakaw ko."
"A-ano'ng ninak—"
Nahigit niya nag hininga nang biglang angkinin nito ang kaniyang mga labi. Para siyang na-stroke, nanigas ang buong katawan niya sa gulat habang dinadama ang marahan na paggalaw ng malalambot nitong mga labi.
Okay, that was a nice swift kiss. Wow.
"Now we're even," brusko nitong sabi at tumalikod.
Pagdating sa may pintuan ay lumingon ito sa kaniyang halos nakanganga pa sa pagkakatulala.
"Your lips taste better than ever, Kaori." sabay pakawala ng nakakalokong ngisi. "Take care of yourself, baby girl. Lalo na ang lips mo dahil titikman ko ulit 'yan. I'll get back to you after six years. And on that day, prepare yourself because I will take your heart and burn your body as I planned!" pagkasabi no'n ay umalis na ito nang tuluyan.
Nag-echo sa kaniyang tainga ang huling sinabi ni Ishmael. Biglang umigtad ang bunbunan niya sa inis at muli na naman siyang nagpumiglas.
"Ishmael de Rohan! You ugly freaking bastard! Tandaan mo 'to! When you come back, I will gouge your eyes out and feed them to you! Pipigain ko rin 'yang betlog mo at piprituhin ko ng sunnyside up! D'you hear me?! Peprituhin ko 'yan! Agrrh! Pakawalan mo 'ko dito! Ishmaeeel!!!"
***
TULUY-TULOY sa pagbaba ng hagdan si Ishmael at hindi pinansin ang pagngangangawa ng kaniyang bihag. Pagdating sa sala ay sinalubong kaagad siya ng matandang katiwala niya at inabot ang kaniyang itim na hoodie.
"Young master, nakahanda na ho ang sasakyan," wika nito nang maisuot sa kaniya ang jacket.
"Ang mga gamit?"
"Nasa loob na rin ho."
"How about Angelique?"
"Sinundo na rin ho siya."
Lumabas na siya sa malaking bahay habang tahimik namang nakabuntot ang kaniyang katiwalang si Mang Simon.
Ngayon ang araw ng kaniyang pag-alis papuntang France kasama ang kaniyang pinsan na anim na taon din niyang itinago sa isang bahay-ampunan na lihim naman niyang sinusuportahan.
Nang pumanaw ang kanyang uncle Wilson, siya ang pumalit sa pamumuno sa mga negosyo. He had to leave his cousin Angelique in the orphanage who was only four years old at the time at may sakit pa sa puso. Nang sa gano'n ay magawa niya nang maayos ang mabigat na responsibilidad na naiiwan sa kanya. At nagtagumpay naman siya.
He's a freakin' genuis and at the age of ten he managed to run all the businesses na naiwan ng kanyang yumaong tiyuhin at gayundin ang organisasyong pinamumunuan nito. Bumalik lang siya sa Pilipinas para sunduin ang kaniyang pinsan at guluhin ang angkan ng mga taong pumatay sa buong pamilya niya. At si Kaori... Ang babaeng iyon ang kaniyang magiging alas.
Kaagad na binuksan ng personal driver ang pinto sa backseat ng hammerhead na sasakyan.
Bago siya sumakay ay nilingon niya ang matandang katiwala.
"Mang Simon."
"Yes, young master?"
Marahan siyang humarap dito.
"I've run a test in her blood and there is a high possibility that her heart will match Angelique's body. Kaya alagaan niyo ang bihag, mang Simon. Huwag niyong padapuan ng sakit. Preserve her body for Angelique. Kailangan niyang maging healthy hanggang sa makabalik ako."
Yumuko sa harap niya ang matanda. "Yes, young master. Mag-iingat ho kayo roon."
Sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng tingin ang tinted window sa ikatlong palapag kung saan nakakulong ngayon si Kaori. Hindi maririnig sa labas ang ingay nito pero nasisiguro niyang hindi pa rin ito tumigil sa kasisigaw.
Napangiti siya nang makahulugan dahil umpisa pa lang iyon ng pagpapahirap niya sa babae.
'Babalikan kita after six years, Kaori Nagamori. At sa araw na iyon, dadanak ang dugo mo sa kamay ko.'