One

1501 Words
Dumaan ang mga araw, linggo, buwan... Akala ni Ishmael ay makakapagtrabaho siya nang maayos at mapayapa but Kaori kept bothering him even from afar, mula Philippines papuntang France. Araw-araw tumatawag sa kaniya si Mang Simon, walang palya para lang ibalita ang mga kapritsuhan ng babaeng iyon. "Young master, gusto nya raw ng bagong bag. Yung tatak Chanel." "Ibili niyo s'ya," balewala niyang sagot. Well, that's just pennies to him. Kahit i-request pa nitong ibili niya ito ng mansion, he can give her that. Anything... Except freedom of course. Hinahayaan niya na lang din ito sa kaartehan nito dahil ilang taon na lang naman ang itatagal nito sa mundo. Isa pa, ayaw niyang ma-stress ito dahil kailangan niyang i-monitor ang kalusugan ng puso nito para sa nakatakdang heart transplant ng kaniyang pinsan. Puso sa puso. Inalisan ng Lolo nito ng puso ang kaniyang ina para sa Mommy nito, ngayon, aalisan naman niya ng puso si Kaori para sa kaniyang pinsan—ang natitira niyang kamag-anak. 'But what's the point of her having that luxury bag? Eh, hindi naman siya nakakalabas?' biglang naisip niya. Nagkibit na lang din siya ng balikat. Sasanayin na lang niya ang sarili sa babaeng iyon. Nang sumunod na mga araw ay may rant na naman si Kaori kaya nag-emergency call si Mang Simon. "Master, nagugutom daw s'ya." "Pakainin niyo." "Kayo raw ang susubo." Nagpanting ang tainga niya sa inis. "Gusto niya bang putulan ko siya ng kamay?!" Hindi umimik si Mang Simon sa kabilang linya. "Pakainin niyo yan, Mang Simon kung ayaw niyang mapaaga ang libing niya." Hindi lang sa oras ng kaniyang trabaho siya naaabala dahil kay Kaori, madalas pa nga ay itinutuon nito sa oras ng kaniyang pagpapahinga. Para bang sinasadya talaga na huwag siyang patulugin sa kunsumesyon. "Young master, gusto niya raw ng iPhone," isang gabi ay tumawag na naman si Mang Simon. "Walang internet diyan. Aanhin niya ang phone?" nakapikit niyang sagot. Kakatulog niya lang at hindi pa nga siya nakabubuo ng isang magandang panaginip ay naisturbo na naman siya. "Gusto niya lang daw mag-selfie." "Bilhan niyo ng camera." "Na-miss daw niya humawak ng celphone." "Bilhan niyo ng Nokia na keypad." "Gusto niya raw ng may camera para makita niya kayo. Miss niya na raw kayo, young Master." Biglang nawala ang antok niya at mabilis na binalot ng init ang magkabilang pisngi niya. Putek. Kinilig siya bigla. Binatukan niya ang sarili. Sa kakakunsume niya sa babaeng iyon pati pakiramdam niya nagiging weird na. Lumipas ang mga taon, lalong lumalala ang ugali ng kaniyang bihag. Lalong nagiging demanding, pasaway at matigas ang ulo. Ayaw talaga siya nitong patahimikin. Wala na siyang kapayapaan sa France. Sinasamantala talaga nito ang mga pag-iingat at pag-aalaga nila rito. Gustong-gusto niya na itong despatsahin dahil sa totoo lang, punung-puno na siya, pero palaging may bahagi ng kaniyang isip ang pumipigil sa kaniya. Hindi niya maintindihan ang sarili, naiirita siya sa babaeng iyon mula pa noong bata pa ito. Pero sa kabila ng galit na nakatanim sa puso niya, hindi niya ito magawang saktan. Bakit?! Ah, baka dahil ito ang pag-asa niya para sa kaniyang pinsan. Nang sumunod na mga buwan, tumawag ulit si Mang Simon. He was currently in a meeting with the board members, pawang matatanda, maliban sa kaniya. He was the youngest among them and the company's youngest president. Labing-isang taong gulang pa lamang siya nang mapilitan siyang umupo bilang bagong mamumuno dahil sa biglaang pagpanaw ng kaniyang tiyuhin na siyang may-ari ng kompanya. Madami ang pumalag at nakikipag-debate ngunit dahil sa angkin niyang katalinuhan, walang ni isa sa mga ito ang nagtagumpay na pababain at palitan siya sa pwesto. Mas magaling naman kasi siyang mamahala at di hamak na mas maganda ang kaniyang idea kaysa sa mga ito, sa kabila ng kaniyang batang edad. Hindi lang ang kompanya ang kaniyang pinamumunuan, kasali na rin ang isang samahang Mafia na kinabibilangan noon ng kaniyang tiyuhin. Lahat ay napagsabay niya nang maayos. Hindi niya na kailangan ng gabay dahil sa batang edad niya ay doble na ang maturity ng kaniyang pag-iisip. Dinaig niya pa ang mga ito. It's all because he was born genius. Nang mag-edad siya ng twenty ay nagtatag din siya ng isang underground group ng mga elite members. Ang Dark Sanctuary. No'ng una, layunin ng grupo na tugisin ang mga taong may atraso sa bawat member. Sinadya niya iyon para magkaroon siya ng mga kakampi sa pagtuligsa sa mga taong nagkasala sa kaniya. He was only ten years old nang maging ulilang lubos dahil lang sa mga taong halang ang mga kaluluwa. Isa-isang pinaslang ng mga hayop na iyon ang kaniyang mga mahal sa buhay. Kaya naman, bumalik siya sa Pilipinas para maghiganti. Pinadukot niya ang mga apo ng taong pumaslang noon sa mga magulang niya. Kabilang na ang son-in-law nito. At si Kaori... Ang babaeng iyon ang magiging kabayaran ng lahat. Napatingin si Ishmael sa agaw-pansin at walang tigil na pag-vibrate ng kaniyang phone. Hindi tumitigil sa pagtawag si Mang Simon, ibig sabihin lang no'n, may mahalaga na naman itong sasabihin. Ano na naman kaya ang ginawa ng bihag nila this time? "Excusez-moi, je dois prendre cet appel." (Excuse me, I have to get this.) paalam niya sa mga board members. Tumalikod siya bago sinagot ang tawag. "Young master, si Kaori..." "Nasa meeting ako," putol niya. "Eh kasi... Diyos ko, mamamatay ako nang maaga sa batang ito!" "Bakit na naman?" "Gusto niya raw kumain ng pizza." "Goodness, Mang Simon! Um-order kayo!" mahina ngunit puno ng diin na bulong niya sa matanda. "Gusto niya raw yung luto niyo, Young master." "What?! Is she kidding me? How am I..." Napahinto siya saglit nang mapansin ang pagtaas ng kaniyang boses. Napatingin siya sa mga ka-meeting na seryoso at tahimik na nakikinig at naghihintay sa kaniya na matapos. "Young master, hindi raw siya hihinga kung hindi mo siya gagawan ng pizza." "That b*tch!" Gigil na bulalas niya. Gusto niyang bulyawan ang babae kung nasa harap niya lang ito. "You know what, Mang Simon? Wala akong pakialam kung hindi siya hihinga. Huwag kayong magpapaniwala sa babaeng iyan. Hindi naman niya iyon kakayanin—" "Gagawin ko talaga!" Natigilan siya nang marinig ang sigaw ng babae sa kabilang linya. "Kapag hindi mo ako ipagluluto ng pizza, hindi ako hihinga! Sinasabi ko sa 'yo! Mawawalan ng donor yung pinsan mong pipi!" Kumuyom ang kaniyang palad. Ang mga ngipin niya ay nagngangalit na sa inis. Bakit ba napaka-spoiled brat ng babaeng ito? Sa dami ng anak ng Dimples at Kairo na iyon, itong may ugaling pusa pa talaga ang nakuha niya! "Shut up, Kaori!" mahinang singhal niya dito. Hindi naman nakatiis si Kaori at inagaw na kay Mang Simon ang phone. "You shut up, maliit ang tite!" 'What?!' Napaigting ang panga niya. Dinamay pa pati ang nananahimik niyang p*********i! Talagang hinahamon nito ang kaniyang pasensya, ha. "Really, Kaori?" nagtagis ang bagang na sambit niya. "Maliit ang tite? Baka kapag ipinasok ko sa 'yo 'to, hindi ka na makabangon." "Hambog! I bet you, the chorizo is way bigger than your d**k!" Sa lakas ng boses nito ay nag-echo sa loob ng conference room ang mga sinabi nito. Narinig iyon ng kaniyang mga ka-meeting. Klaro. Namumula ang mukhang napatingin siya sa mga itong halos pagtawanan na siya dahil sa sinabi ni Kaori. Tumikhim siya sabay luwag niya ng suot niyang necktie. Pakiramdam niya kasi ay sinasakal na siya. "Humanda ka sa 'kin pagbalik ko diyan!" "Pagbalik mo rito, nakatakas na 'ko!" Pinatayan kaagad siya nito ng phone. Gustuhin man niyang tawagan ito para pagbantaan ay hindi na niya nagawa dahil inagaw na ang atensyon niya ng malakas na pagtikhim ng isa sa mga board members. "Looks like you're pretty busy, Mr. De Rohan." Inayos niya ang kaniyang sarili at muling sumeryuso sa harap ng mga ito. Balik na naman sa dating blanko ang kaniyang mukha. "C'est ma..." (That's my...) "Votre copine?" (Your girl?) Nakataas ang kilay na tanong ng isa. Nagtaas-baba ang bukol sa kaniyang lalagukan. Bakit tila biglang sumipa ang puso niya sa salitang, 'your girl'? Tumikhim siya. "Yes. She's my girlfriend... My fiancee." Napalunok siyang muli dahil sa lumabas sa kaniyang bibig. Pagpapanggap lang naman iyon para wala nang paliwanag. Pero apektado s'ya. Ramdam niya ang malakas na pagpintig ng kaniyang puso. Pagkauwi ay nakatanggap na naman siya ng tawag mula kay Mang Simon. "Young master..." Halos maiyak na ang boses ng matanda. "What is it this time, Mang Simon?" pagod niyang sagot at pabagsak na naupo sa swivel chair na nasa kaniyang kwarto. "Y-young master, kinabitan na ng oxygen si Kaori." Napatuwid kaagad siya ng upo. "What?! What do you mean? What happened?!" "Sabi ko naman ho sa inyo. Hindi siya hihinga pag hindi niyo siya napagbigyan. Hindi nga siya huminga!" "F**k!" Bigla siyang nakaramdam ng takot at pagkataranta. Sa susunod na taon pa dapat siya uuwi ng Pilipinas pero dahil sa nangyari, hindi na siya nakapag-isip at biglang napatawag sa kaniyang personal pilot. Wala nang pagdadalawang-isip. Nang gabing iyon, lumipad siya papuntang Pilipinas para alamin ang kalagayan ng pasaway niyang bihag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD