Two- he's huge

1555 Words
"Young master!" Nagulat si Mang Simon sa biglang pagdating ni Ishmael. Hindi nito akalaing uuwi siya agad-agad at ganoon kabilis. "Kumusta siya?" tanong niya sa matanda. "N-nagpapahinga na po. May nagbabantay na roon sa kaniya para hindi niya maalis ang oxygen na nakakabit sa kaniya." Napabuntong-hininga siya sa inis. Napakaimposible ng babaeng iyon. Hindi niya alam kung kanino ito nagmana. Lahat na lang ng ugaling nakakabwisit ay nasalo na nito. Dumiretso siya sa kaniyang silid para magpahinga. Nag-shower na muna bago nahiga sa malambot na kamang bagong palit ang bedsheets. Dapat ay matutulog na siya. Sa mahabang oras ng kaniyang byahe ay nagka-jetlag siya pero hindi siya makatulog kaiisip kay Kaori. Pinalipas niya lang ang gabi at tiniyak na tulog na ang lahat bago siya bumangon para silipin ito. Naaasar siya sa sarili dahil hindi niya ito matitiis. *** SA kabilang silid, habang tulog ang lahat ay minamaneho naman ni Kaori ang planong pagtakas. Pilit niyang binubuksan ang lock ng total black out tinted windows ng kwartong naging kulungan niya nang anim na taon. Alas tres na ng madaling araw pero sinadya niyang wag matulog para sa kaniyang pagtakas. Hinintay niya lang na makatulog nang mahimbing ang nagbabantay sa kaniya na ngayon ay lawit na ang dila sa sofa. Nanghihina pa rin siya pagkatapos ng ginawa niya kahapon. Akala niya kasi, kapag naghingalo na siya ay isusugod siya nina Mang Simon sa hospital pero nagkakamali siya. Nagtawag lang ng personal doctor ang mga ito at nilagyan siya ng oxygen. Muntik na niyang ikapahamak ang plan B pero wala naman siyang napala. Kailangan niya na ng plan C para makatakas! "Hah!" Halos maiyak siya sa tuwa nang tagumpay niyang nabuksan ang bintana. "Yes! Yes-yes!" Paulit-ulit niyang hinahalikan ang tinidor na matagal na niyang itinago. Oras-oras niyang ikiniskis iyon sa semento para numipis at magkasya sa lock ng bintana. Ngayon ay nagbunga rin ang kaniyang pagtitiyaga! Mabilis niyang tinali ang pinagdugtong na kumot sa kaniyang beywang at ang kabilang dulo naman niyon ay tinali niya sa vertical na mullion ng bintana. Dumungaw siya sa baba at tinantiya ang taas ng tatalunin niya. Nasa ikatlong palapag siya ng malaking bahay. Hanggang ikalawang palapag lang ang kayang abutin ng kumot. Kailangan niyang talunin iyon mula roon sa veranda papuntang ground. "Okay, Kaori. Kaya mo 'yan. You're strong and brave!" Makailang ulit muna siyang nag-inhale, exhale at nag-sign of cross. "C'mon don't be a coward! You can do it! You have to! Hindi ka pa pwedeng mamatay! Hindi sa mga kamay ng pangit na Ishmael na iyon, okay?! Hinihintay ka pa ng future husband mo. Paano na lang kung matigi ka? Eh, di tatandang binata ang soulmate mo?" Lumundag-lundag siya para pakalmahin ang sarili niya. Pang-ilan na kasi ito at lagi na lang siyang nahuhuli. Mabuti na lang at mababait ang mga bantay at hindi siya pinaparusahan kahit na sobrang pangungunsume na ang ibinibigay niya sa mga ito. Pumikit siya at iwinasiwas ang mga kamay na nanginginig sa takot. Dahan-dahan siyang tumungtong sa window jambs, huminga ng malalim, saka buong tapang na tumalon nang biglang— "Agh!" May pumigil sa kumot! 's**t!' Nakalambitin tuloy siya hanggang ikalawang palapag! Tumingala siya at nakita niya sa liwanag ng buwan ang makinis na kamay na nakahawak sa kumot. Hinahatak siya nito paangat. "No!" Anim na taon... Anim na taon na niyang pinagplanuhan ang pag-alis sa lugar na iyon ngunit lagi na lang siyang nabibigo. Hindi na siya papayag na mapunta sa wala ang pinaghirapan niya sa pagkakataong ito! Gagawin niya ang lahat ng posible at imposible para makaalis siya sa lugar na iyon. Hindi siya pwedeng sumuko! Kinailangan niyang protektahan ang kaniyang buhay dahil may mga taong naghihintay sa pagbabalik niya! Pataas na siya nang pataas. Nasa may bintana na ulit siya at yung malaking kamay ay nakahanda nang dakmain siya! Hindi na siya nakapag-isip nang matino at dali-dali niyang tinanggal ang pagkakabuhol ng kumot sa kaniyang tiyan. Ramdam niya ang pagdausdos niya. Nakahanda na siyang mahulog pero mabilis na nadakma nito ang kaniyang damit at pilit siyang hinahatak pabalik sa loob. "Let me go!" Nagpumiglas siya at hinampas ang braso nito. Matigas. Tiyak siyang hindi ito si mang Simon dahil mukhang malaki at matigas ang muscles nito. Baka isa sa mga gwardiya. Pero may gwardiya ba na ganito kasarap sa ilong ang amoy? Lahat kasi ng gwardiya doon ay amoy pinipig. Samantalang ang isang ito ay fresh na fresh, halatang bagong paligo. At yung amoy ng sabon nito ay mukhang imported at mamahalin. Hinampas niya ulit ito sa braso, hinampas niya nang hinampas... Bakit ba gustong-gusto niya ang pag-bounce ng palad niya sa matigas na muscles nito? Ugh! Hindi naman ito natinag sa paulit-ulit niyang pananakit dito. "You think I'd let you escape?" malalim ang boses na sambit nito. Umawang ang kaniyang bibig sabay tingala sa madilim nitong mukha. "S-sino ka?" tanong niya. Hindi ito sumagot. Muli siyang nagpumiglas hanggang sa mawarak ang damit niyang hawak-hawak nito. Napasigaw siya sa takot. Muntik na kasi siya nitong mabitiwan, mabuti na lang at nahawakan nito ang strap ng kaniyang bra sabay hatak sa kaniya. Iyon nga lang... Napigtas ang strap ng bra! "Oh my ghaaad!" tili niya. "Oh my gosh! Destiny ko yata ang mamatay. Lahat na lang kasi ay nawawarak!" "Shut up and hold my hand!" Mabuti na lang at alerto ang lalaki at nahawakan siya nito sa braso. Tiningala niya ulit ito. "You wanna die?" salubong nito sa kaniya. "I said hold my hand!" 'Sungit.' Wala siyang ibang choice kundi ang humawak sa nakalahad nitong kamay na may mahahabang daliri. Ang init! Para siyang nakuryente nang maglapat ang kanilang mga palad. Hinila siya nito paangat, niyakap sa beywang hanggang sa maipasok siya nang tuluyan sa loob. Nawalan siya ng lakas sa nangyari at nanginig kaya hindi niya nagawang makatayo. Diretso siyang sumubsob sa matigas at mabango nitong dibdib. Napapikit pa siya sa bango ng lalaki habang parang tuko na nakakapit sa leeg nito. Bakit ang sarap ng amoy nito? Kung hindi pa nito pinitik ang kaniyang ilong ay hindi siya matatauhan na minumulestya na pala niya ang d*bdib nito. Napakurap siya. "You done?" tanong nito. "Now get off me." Kunwari ay paarte niya itong tinulak. "Eww! Kadiri! Ang baho-baho mo! Hindi uso ang ligo sa 'yo, kuya?" "Mabaho? Really?" Mabilis nitong hinuli ang kamay niya at mariin na pinisil. "Come here." "Aray! You're hurting me! Sino ka bang litse ka?!" Inabot nito ang switch. Napapikit pa siya nang biglang bumaha sa buong silid ang nakakasilaw na liwanag. "Pasaway ka talaga," may diin na sabi nito. Nagdilat siya at bumungad sa kaniyang paningin ang gwapo't makinis na mukha ng matangkad na lalaking nakayuko sa kaniya. Napanganga siya at napabulalas sa isip. 'Oh, sh*t!' "I-Ishmael?" Binigyan lang siya nito ng blankong tingin. "Surprised?" Yes, sobrang nasurpresa talaga siya. Sino ba ang hindi? Una, hindi niya inaasahan na pupunta ito sa mismong araw na iyon, pangalawa, hindi niya inaasahan na magma-mature ito nang sobra! As in, sobrang kisig at gwapo! It's been six years! Lalong tumangos at gumanda ang hugis ng ilong nito, humaba at kumapal ang mga pilikmata, at ang panga ay mas nadepina. At yung pinaka-highlight? Yung mga labi nitong sobrang moist at mapula. Ishmael de Rohan is now a man. Bumagay ang itsura nito sa boses nitong nakakapanghina ng tuhod. "I-is that really you? N-nagbalik ka na?" "Ito ang gusto mo, diba?" "Lumipad ka rito dahil lang... s-sa sinabi ko?" "Yes." Inilapit nito ang mukha sa kaniya at diniinan ang titig. "Missed me, Kaori?" Sinadya nitong ibunggo ang dulo ng matangos nitong ilong sa ilong niya. Nanindig ang mga balahibo niya sa katawan. Para na naman siyang nadaanan ng kuryente sa paglapat ng balat nito. Hinaplos nito ang kaniyang panga, papunta sa nakaawang niyang mga labi para isara iyon. Nakanganga kasi. Muntik pang tumulo ang laway niya, mabuti na lang at naagapan. Yumuko ito para silipin ang kaniyang mukha. Mayamaya'y biglang umangat ang sulok ng labi nito nang may naalala. "Ano nga ulit yung sinabi mo? Maliit ang t*ti ko?" Kumabog ang d*bdib niya at wala sa oras na napalunok nang buo. "J-joke lang naman 'yun—" Napasinghap siya nang itulak siya nito sa dingding at tuluyang winarak ang damit niyang napunit kanina. "W-what are you doing?!" gulat niyang kinakabahan. "Ngayon mo ilabas ang tapang mo, Kaori..." Marahan nitong hinaplos ang kumalabog niyang d*bdib. "D-don't touch me," halos pabulong niyang sambit. Nanginig na rin ang mga tuhod niya. "S-stop it..." D*mn. Nasaan na ang tapang niya? Bakit biglang naglaho?! Tuluyan siyang nanlambot nang dahan-dahan na gumapang ang palad ni Ishmael sa kaniyang katawan. His fingers trailed a path across her chest, moving down to her belly. She didn't protest but instead, she found herself craving more. 'Ganito ba talaga ang reaksyon ng katawan kapag adult na?' she wondered. Hindi niya maiwasang makaramdam ng kislap ng sarap habang nilalaro nito ang pusod niya. Gusto niyang ibaba pa nito ang mga daliri, gusto niyang mas maramdaman ang kiliting ngayon niya lang naramdaman. Napasinghap na naman siya nang biglang inangat siya nito sa dingding sabay bukas ng kaniyang mga hita sa pagitan ng matigas nitong tiyan. Napakapit siya nang wala sa oras sa leeg nito. And her virgin p*ssy clenched matapos maramdaman ang katigasan nito. "Let's see if my tiny c**k fits in your p*ssy, Kaori." 'Lagot na, Kaori. Hindi siya juts! He's huge!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD