"Mang Simon, mamayang alas kwatro ng madaling araw ang alis ko papuntang airport."
Tumuwid ang tayo ni Mang Simon sa kaniyang likod habang pinapanood ang pag-aayos niya ng hapunan para kay Kaori.
"Babalik na kayo ng France, young master?"
"Yes."
"Alam na ba ito ni Kaori?"
Nagsalubong ang mga kilay niya. Dahan-dahan niyang nilingon ang matanda. "Kailangan ko ho bang magpaalam sa kaniya? Sino ba siya? Asawa ko?"
Napangiwi lang ang matanda.
"Ako na, young master," anito nang humarap siya dito bitbit ang isang tray.
Gusto niya sanang siya ang maghatid non sa kaniyang bihag pero hindi na rin siya umangal. Inabot niya dito ang tray. Mas maigi nang hindi niya makita ang babaeng iyon bago ang kaniyang alis pabalik ng France. Baka pabaunan lang siya nito ng stress.
Pagkatapos ng hapunan ay dumiretso na siya sa kaniyang kwarto at inihanda ang isang hand carry bag na nagkalaman ng kaniyang mahahalagang mga dokumento.
Sanay naman siyang bumyahe ng madaling araw pero bakit habang iniisip niya ang kaniyang pag-alis ay parang tinatamad siya this time? Bigat na bigat ang loob niya.
Biglang naalala niya tuloy si Kaori. At sa hindi mabilang na pagkakataon, naalala na naman niya ang halikan nila at nagsimula na namang mag-init ang katawan niya.
"Ugh! Such a fool! Stop thinking about that witch!" kastigo niya sa sarili.
Kailangan niyang mahamigan kaya nagpalit siya ng swimming trunk at nagtungo sa rooftop kung saan nakalagay ang isang pool para lamang sa kaniya.
Pinagod niya ang sarili sa paglalangoy nang isang oras. Nang magsawa ay saka lang siya umahon, nagbanlaw at diretso na sa kaniyang silid para magbihis ng pangtulog. Isang puting sando at pajama sa pang-ibaba.
Tinuyo niya ng blower ang kaniyang basang buhok bago siya dumapa sa kaniyang kama.
Lumipas ang ilang oras, hindi pa rin siya makatulog. Sumisiksik sa isip niya si Kaori. He wants to see her.
"D*mn, Ishmael! I can't believe you!"
Padarag siyang bumangon. Pinasadahan niya ng mahahaba niyang daliri ang kaniyang buhok at marahas na bumuga ng hangin bago tumayo.
"Alright. Just a quick peek."
It's 12:00am. Tahimik na ang buong mansion. Rinig na rinig niya ang kaniyang bawat apak sa sahig. Ultimo ang kaniyang hininga ay naririnig na rin niya sa sobrang tahimik. Tulog na ang lahat. Pati ang dalawang bantay na naka-assign sa labas ng silid ni Kaori ay nakatulog na rin.
Napailing siya. Kinuha na lamang niya ang susi ng pinto at binuksan ang double-cylinder lock na busol. Dahan-dahan ang pagbukas niya.
Napakunot-noo siya nang bumungad sa kanya ang isang madilim at tahimik na silid. He turned on the switch and light flooded inside ngunit wala siyang nakita ni anino ng isang Kaori Nagamori. Lumapit siya sa kama at nakompirmang unan ang nakakumot doon.
"What the hell! Where is she?!"
***
TAKBO nang walang lingon-likod at patuloy sa pagsuong si Kaori sa madilim na kakahuyan kahit na hindi alam ang patutunguhan.
Halos kandadapa na siya ngunit wala siyang pakialam kahit pa matuklaw siya roon ng ahas o makatapak ng kung anu-ano. Ang mahalaga ay makaalis siya sa lugar na iyon.
"Ano ba 'yan!" biglang sigaw niya nang mapigtas ang strap ng suot niyang pambahay na tsinelas. "Bakit ka naman naputol?! Ang gaan-gaan ng paa ko, eh!"
Inis siyang napapadyak.
"Ugh! Malas!"
Kung mayroon lang siyang ibang pagpipiliang pangsapin sa paa! Ang kaso, pambahay na tsinelas lang ang binigay sa kanya. Humiling na siya noon ng sapatos kay Mang Simon pero hindi siya pinagbigyan. Mukhang napagtanto ng matanda na may plano siya. Nilambing pa niya ito tulad ng paglalambing niya sa kanyang Lolo Gerardo noon ngunit wa-epek dito.
Hingal siyang sumandal sa malaking puno na katabi niya habang pinagmamasdan ang malaking gate na tinalon nya kanina sa likod ng bahay.
Kahit kakahuyan ay hindi siya natakot dahil sa goal niyang makatakas. It's now or never 'ika nga ay determinado siya na makatakas at makauwi sa kaniyang pamilya.
Nilingon niya ang kaniyang pinanggalingan at nakampante siya nang malamang nakalayu-layo na siya mula sa mansion. Sa mga oras na iyon ay nasisiguro niyang alam na ni Ishmael na nakatakas siya at malamang ay nagkalat na ang mga gwardiya roon para hanapin siya.
May nalalabi pa naman siyang ilang oras para makaalis sa lugar na iyon.
First time niyang makalabas ng bahay. Hindi niya alam kung gaano kalawak ang kakahuyan na sinuong niya pero sigurado siyang sa dulo niyon ay may masisilayan na siyang kalsada.
Iyon ang madalas niyang napapanood sa mga pelikula. Mahilig kasi siya sa horror, suspense gaya ng survival at wrong turn, kaya feeling niya sa mga oras na iyon ay hinahabol din siya ng mga kontrabida sa movie. She envisions Ishmael as the deranged character in Wrong Turn, clad in jumpers and wielding a bow and arrow. Creepy as f**k but hey, ang pogi naman ng na-i-imagine niya.
Inikot niya ang paningin sa madilim na kakahuyan. Tumataas ang adrenaline rush niya sa nakakatakot na itsura ng paligid. Mahilig talaga siya sa thrill. She loves adventure and always dreamed of doing extreme things pero ang lintik na Ishmael na iyon, sinira ang mga pangarap niya sa buhay! Ikulong ba naman siya ng anim na taon. Ni hindi man lang niya na-experience mag-eighteen roses at ma-devirgenized ng isang hot Mafia king!
"Aayyy!" Napauko siya nang biglang kumidlat at sumunod naman ang pagkasipa-sipang kulog.
Isiniksik niya ang sarili sa natumbang puno na may nakausling ugat. Yumuko siya sa takot.
Mayamaya lang ay umihip ang malamig at malakas na hangin. Naramdaman din niya ang manaka-nakang pagpatak ng tubig hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulam.
"Oh crap! Bakiiit?! Bakit ngayon pa umulan?! Malas ba talaga sa buhay ang mga pretty and sexy na katulad ko?!"
Simangot niyang niyakap ang mga tuhod at sumandal sa puno. Napatili pa siya ulit nang kumudlit na naman ang nakakasilaw na liwanag sa madilim na kalangitan. Kasabay no'n ang pag-alingawngaw ng tila sigaw ng mabangis na halimaw.
Alright, she's really scared now. Nakakatakot mamatay sa kidlat!
She has to survive but if she is struck by lightning, automatic zero ang kaniyang survival rate. Tatanggapin na lang niya nang maluwag ang kanyang kamatayan kahit gano'n. Kaysa naman tanggalan siya ng puso sa katawan ng hayop na Ishmael na iyon pagkatapos ay susunugin. Mas nakakatakot 'yon.
***
ISINANDAL ni Ishmael ang likod sa back rest ng sofa saka marahan na hinilot ang gitna ng matangos niyang ilong. Mayamaya'y umalingawngaw sa malawak na sala ang papalapit na mga yabag.
"Young master, nagkalat na ho ang mga gwardiya. Hinahanap na nila si Miss Kaori."
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at itinuon ang walang kabuhay-buhay niyang tingin sa sahig.
"Walang matutulog hangga't hindi siya nahahanap."
"Yes, young master." Muling yumuko ang matanda sa harap niya saka ito tumalikod.
Napabuga siya ng hangin. Puyat siya at pagod ngunit hindi siya makahiga sa isiping natakasan sila ng isang babaeng walang ibang advantages kundi ang magandang mukha lang nito. Hindi niya akalaing makakahanap ito ng paraan para mabuksan ulit ang bintana ng kwarto.
Tumayo siya at umakyat pabalik sa kwarto ni Kaori. Tiningnan niyang muli ang bintana. He wonders what that witch used to open the window this time. Pinaayos na niya ang lock at pinili pa niya yung mahirap buksan.
Bumaling ang tingin niya sa kabilang direksyon ng sahig hanggang sa makita niya sa ilalim ng kama ang isang pahabang metal. Kinuha niya iyon.
Isang tinidor na pinatulis ang isang ngipin habang ang dalawa ay sinadyang baluktutin.
Umigting ang kaniyang panga. Kakambal nga siya ni Adrian. "Smart girl, huh? Well, let's see how far you'll go to escape, Kaori."
***
HINDI namalayan ni Ishmael na nakatulog pala siya sa double size bed ng kaniyang bihag. Pagkagising niya, sumalubong kaagad sa ilong niya ang mabangong shampoo na ginagamit nito. It's everywhere. Naaamoy niya sa bawat sulok ng higaan kahit wala ang babae.
Nang makita ang sinag ng araw sa bintana ay bumalikwas siya ng bangon.
Bigla niyang naalala si Kaori. Natagpuan na kaya ito?
Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at bumaba. Saktong pagdating niya sa sala ay nakasalubong niya ang isa sa mga gwardiya ng mansion na pangko ang isang babaeng wala nang malay.
Bigla siyang ginapangan ng kaba.
"What happened to her?!"
"Young master..." Si mang Simon ang humarap sa kaniya. "Natagpuan namin siya sa dulo ng kagubatan—wala na hong malay. Basang-basa siya ng ulan at mukhang... Hinimatay sa sobrang lamig."
Napapikit siya nang mariin kasabay ng pag-igting ng kaniyang panga. Gusto niyang magalit at sisihin ang mga gwardiya sa kapabayaan ng mga ito. Paanong hindi nila ito nakita sa labas? Paanong hindi nila agad nahanap si Kaori?! Ang tatanga!
Bumunot siya ng hininga bago dumilat.
"Bring her to my room. And you, mang Simon. Magtawag ka ng katulong na maglilinis at magbibihis sa kaniya."
"Yes, Young master," nakayukong tugon ng matanda at kaagad na kumilos kasunod ng gwardiyang buhat-buhat si Kaori.
***