Guy
Waah! Akala ko talaga male-late na ako kasi natraffic ako saglit eh. Buti nalang hindi nako! Sira ang first day ko!
Umupo ako sa second row, pinakadulong upuan. Makakagawa niyo eh sa gusto ko sa sulok eh. may pagka introvert ako eh.
Dumating na yung prof namin, ayun pakilala dito pakilala diyan tapos orientation about sa subject at school. Yun naman lagi ang ginagawa pag first day eh.
After nang unang subject may isa pa akong subject tapos break ng isang oras tapos isa pang subject.
"Hi Miss! I'm Erato Joshua Enriquez" sabi nung seatmate kong lalaki sa naunang subject. Inayos kasi kami.
"Rhianne Delavega. Nice to meet you" sagot ko. Mukha namang mabait si kuya eh.
Napaisip ako. Erato.. narinig ko na yun eh.
Saan nga yun? Aish wag na nga isipin nakakabobo lang, mamaya maa-alala ko na yun.
"Josh tara sa cafeteria wala daw si Ma'am!" sigaw nung lalaki sa pinto na hindi ko kilala.
Napatingin kaming dalawa ni Joshua sa kanya. Ngumiti sya sakin? Napatitig ako sa kanya at masasabi ko na nakatitig siya sa mata ko.
Maya-maya kumindat siya at kinawayan na si Joshua. Lumingon sakin si Joshua at ngumiti na parang nagpa-paalam. Ngumiti lang din ako at tumango.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Wala naman daw yung susunod na prof kaya meron akong 3 hours. Saan naman ako tatambay nito?
Naglalakad lang ako sa hallway na punong-puno ng mga estudyante. Bigla akong napatigil nang dumaan ako sa isang hallway.
Makikita sa labas ang pinakamalawak na gazebo. May mga puno at madamo, maaliwalas ang hangin kahit na mainit.
Lumakad ako papalapit sa isang PUNO wala kasing benches eh. Nilabas ko yung laptop ko.
Place
Ang sarap sa pakiramdam ng ambiance ng lugar na to. Mainit pero hindi naman hassle kasi nasa ilalim ako ng puno at mahangin.
Pinagmasdan ko muna ang paligid. Walang katao-tao, ako lang mag-isa para bang nakalaan sakin yung place na yun.
Well siguro dahil ongoing pa yung class, kasi kung tutuusin naman dapat ay may klase pa. wala lang naman yung prof naming kaya nandito ako eh.
Nakaka-relax talaga! Pumikit ako at dinama ang ihip ng hangin. Ang sarap sa pakiramdam!!
Maganda to para maging maganda ang kalalabasan ng story ko. Kasi may inspiration ako at ito yung lugar na yun.
Binuksan ko ang laptop ko para makapagsimula na. Bale tatlo ang kwentong ginagawa ko at sabay-sabay.
Isang fantasy, isang love story at isang fiction story. Ang sipag ko noh? Tatlo tatlo yung ginagawa. Hahaha!
Una kong binuksan yung folder para sa fiction, ito kasi parang tinututukan ko eh. About siya sa isang babae na expression less, makukuhaan din siya ng lessons. (Little Miss b***h-y101)
Nang matpos kong ang isang chapter yung fiction, binuksan ko naman yung folder ng love story. Ito naman love-triangle ang eksena pero sa huli magiging maayos ang lahat. (Your Angel)
Sinunod ko naman yung fantasy na folder. About naman to sa isang fairy na namuhay ng 15 bilang isang tao tapos biglang magkakaroon ng twist sa buhay niya. (Fall inlove with a fairy)
May isa pang folder dito na walang laman. Well meron siyang laman, nakalagay sa docu ay characters palang.
Meron na silang plot pero hindi ko pa sinisimulan. Hindi naman ako masyado ng masipag pag ganun.
Nang matapos ko lahat pinatay ko yung laptop ko. Hindi ko muna siya ibinalik kasi magpapahinga muna ako saglit dito.
Mahaba pa naman yung oras kaya dito muna ako. Ipinikit ko yung mga mata ko at dinama ang hangin, hindi ko namalayan na NAKATULOG na pala ako.