Dream
Nagising ako dahil parang may sinasandalan yung ulo ko. Minulat ko ang mata ko at nasa ilalim pa din ako ng puno pero iba na yung lugar kesa kanina.
Nasaan ako? Napatulala nalang ako. Lumingon ako sa tabi ko at may nakita akong lalaki na ang sama ng aura.
Para bang galit at iritable siya. Tinitigan ko siya ng maayos kasi parang kilala ko yung features niya.
"Gising ka na ba? At tapos ka na bang tumitig sakin?" tanong niya pero nakatingin lang sa harap niya.
Pilit kong insip kung sino siya. Kilala ko talaga siya eh, ugali at kilos. Bigla nalang may sumigaw.
"Von! Nandiyan ka lang pala!" napalingon ako sa sumigaw. Tama! Siya si Von Terrence Valderama!!
Lumapit sa amin yung lalaki. Matangkad at mukha siyang MVP sa laki ng katawan so I supposed kilala ko siya.
"Kevin Dela Cruz" bulong ko sa sarili ko na narinig nila kaya lumingon sakin si Kevin.
"Oh author! Hi! Nandiyan ka pala!" sabi niya at ngumiti ng matamis. Kaya maraming nai-inlove dito eh.
"Tara na Von! May gagawin pa tayo sa Student Council Room" sabi niya kay Von na tinanguan siya at tumayo.
"Teka! Nasaan ako?" pigil ko sa kanila habang palayo sila sa pwesto ko.
Eh kasi naman naguguluhan na ako. Kanina lang nasa School ako tapos nakatulog ako sa isang puno sa gazebo at pag-gising ko bigla nasa balikat na ako ni Von at nakita ko si Kevin.
Ano ba kasi ang nangyayari!!??
Lumingon sa akin si Kevin at ngumiti. Samantala diretso pa din ang tingin ni Von sa malayo.
"It's for you to FIND OUT" sabi niya at umalis na sila.
Ikinaloka ko naman daw yung sagot niya sa akin.
Characters
Matapos ang makahulugang sagot sakin ni Kevin tumayo na ako at umalis sa puno. Napansin ko na wala dito yung bag at laptop ko. Tae asan ba kasi ako?
Anong nangyayari? Nanakawan kaya ako? Ang dami kong tanong, kasi naman si Kevin ang ganda ng sagot.
"Waahh!! Ang daya mo naman Claire eh!!" nagising ako sa ulirat nang marinig ko yung sigaw nay un. Eskandalosa!
Lumingon ako at nakita ko ang limang babae na nakaupo sa bench. Tatlo sa kanila ay may hawak na gameboy, yung isa naman parang irita sa nangyayari samantalang yung isa wala man lang reaksyon.
Kilala ko sila! Sabi ko sa isip ko. Yung babaeng sumigaw kanin siya si Jane Marie Shin, nasa kanan niya si Claire Dianne Smith sa kanan niya ay si Natasha Mae Diaz na nakapang Cosplay.
Sa tabi naman ni Natasha ay si Samantha Grace Rivera na iritang-irita na. Sa tabi naman niya ay si Astrid Larein Park, sila yung nasa Little Miss b***h-y kasama nila Von at Kevin.
Lumingon sila sa akin at kumaway yung tatlo na may kasamang sigaw. Ngumiti nalang ako.
Lumakad pa ulit ako, nakasalubong ko naman si Zac Erox Corpuz, Princess Yuri Cabresa at Kurt Patrick Navarro na nasa Your Angel. Nakilala ko sila dahil sa kaharutan ni Zac, bad-boy image ni Kurt at paging childish ni Yuri ng makita ako.
Derecho lang ang lakad ko at nakita ko ang isang babae na may pakpak ng anghel ang nasa may himpapawid at may kasama siyang lalaki. Si Natsumi Ellaine Gomez at Rain Samson ng Fall inlove with a fairy.
Nag-landing sila sa tapat ko mismo at binate ako. Nginitian ko din sila ta nagpatuloy sa paglalakad.
Hindi lang sila ang nakita ko. Napadaan ako sa cafeteria ng lugar mukha naman kasing School to kaibahan nga lang iba-iba ang suot nilang uniform. Mukha ring Greek building ito.
Nakita ko doon si Kael Robles habang sweet na sweet na sinusubuan ng pagkain si Michelle Angel Forteza, sila yung nasa One-Shot ko na The Battle. Lumingon sila at ngumiti na sinagot ko din ng ngiti.
Nakita ko din doon si Felicity Louise Mariano-Perez at Harry Jay Dizon, nasa kabilang lamesa naman si Ferity Louren Perez at Themis Lloyd Enriquez. NAGTAKA naman ako