Knight
Hindi lang mga bida ng mga ginawa kong story ang nakita ko. Nakita ko din yung mga extra at mga kontrabida.
Nandito sila Courtney Suarez at yung alipores niya, si King Leo at Queen Zira, si Liane Mae Torres at Lee Jay Perez. Nandito din yung makulit na kambal na si Kristel at Coleen Reyes, isama mo pa ang tropa ni Kurt na sina Mike Andrew Gonzales, Francis Xavier Olveda at Kent Harvey Fletcher.
Pinagmamasdan ko sila. Kung ano ko sila pinakilala sa kwento ko ganun din sila ngayon pero kakikitaan mo ng peace ang lugar na to dahil walang digmaan na nagaganap.
Napahinto ako sa paglalakad. Nasa may bandang gitna na ako ng lugar, nakaramdam ako ng pares na mata na nakatingin sa akin.
Lumingon ako sa may bandang kanan ko at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa Corinthian column doon. Matangkad siya, nakangiti na nagpapalabas sa malalim niyan dimple at nagtatago sa mga mata niyang singkit.
Lumapit ako sa kanya. Hindi ko siya kilala. Wala akong ginawang character na may trait na ganun kaya nacurious ako.
"Hime-San" sabi niya habang nakangiti pa din. Alam niya Screen Name ko?
"Anong? Sino ka? Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito?" sunod-sunod kong tanong na nagpapatawa sa kanya.
"Isa-isa lang Hime. Masyado kang curious sa mga bagay-bagay. Sige ka hindi ka makakatulog mamaya" sabi niya ng pabiro.
"Anon?" yun lang ang lumabas sa bibig ko. Naguguluhan na ako!
"Ako ang nagdala dito sa yo. Nagustuhan mo ba ang lugar?" sabi niya na akala mo ay alam niya ang itatanong ko.
"Ikinagagalak kitang makilala Hime! I'm Knight" sabi niya tapos nag-courtesy siya.
"Knight? Knight in shining armor?" tanong ko. Nag-chuckle naman siya.
"No. I'm Knight. Knight Christopher Clarkson" sabi niya.
"Now let me TOUR you to the place" dagdag niya at hinawakan ang kamay ko.
HESTIA
Nagsimula na siyang maglakad habang hawak niya yung kamay ko. Wala na akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanya kung saan niya ako dadalhin.
Ang tahimik lang nung naglalakad kami. Makikita na busy ang lahat sa kanya-kanya nilang gawain.
"Nasaan nga pala ako?" tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot pero dinala niya ako doon sa pinagmulan ko kanina pero this time doon kami sa part kung saan medyo elevated siya.
"Welcome to HESTIA!" sabi niya habang nakatayo kami sa parang bundok.
Nakita ko ang buong lugar. Para nga kaming nasa Greece sa itsura ng building, Greek na Greek ang dating niya. Ang ganda.
"Hestia is the goddess of heart. This, this is your heart" bulong niya sa tenga ko na nakapag-patayo ng balahibo ko.
"Heart? Puso ko? Hindi ba dapat isip ko? Kasi product sila ng imagination and knowledge ko" takang sabi ko sa kanya. Totoo naman eh.
"Yes they are product of your brain. But you created them using your heart. Lahat ng ginagawa mo ay isinasa-puso mo hindi lang sa isip, maliit man o malaki. At kasama sila doon" paliwanag niya.
"Kung ganun nga naintindihan ko na nandoon sila pero ikaw? Bakit ka nandito?" tanong ko ulit.
"Nasa puso mo ako Hime. Lahat ng bagay dito ay nagmula sayo at ikaw ang may gawa. Yung building na yun, ako ang nagtayo niyan mula sa retaso ng kaalaman na galing sayo. Itong place na to nandito na to pinangangalagaan ko lang. Ako? Nandito lang ako" sabi niya habang tinuturo ang dibdib ko sa part ng puso ko.
"Hindi ko maintindihan" sabi ko sa kanya. Hindi ko siya ginawa, wala akong ginawang kagaya niya ni isa sa istorya ko.
"Wala ako sa istorya mo. Hindi lang tauhan sa kwento ang narito. Lahat ng nasayo at lahat ng NAGMULA sayo" sabi niya sakin.
Hindi ko pa rin siya maintindihan. Hindi niya sinagot kung saan siya nagmula.