Hestia 4

599 Words
Phases Bumaba kami sa burol at tinungo ang building. Muli naming nadaanan ang mga character ko sa kwento. 4 storey ang building na ito. Una naming pinuntahan yung ground floor. "Sa loob ng bawat rooms na yan nakalagay ang memories mo. Mula sa pinaka recent hanggang sa kahuli-hulihan. Simula sa room na ito hanggang sa dulo. Madilim na ang pinakadulo ng hallway kasi nandoon yung mga memories na masyado nang matagal at nakalimutan mo na. Medyo madumi doon kaya hindi tayo pupunta doon" paliwanag niya. Tumango ako at tiningnan ang dulo ng hallway. Medyo creepy nga kaya ayoko na din pumunta. Inaakyat lang naming yung floor's dito sa building habang hawak niya yung kamay ko. Yung first floor doon daw nakalagay yung mga stories ko. "Teka sila Felicity, hindi ko pa sila nag agawan ng kwento pero bakit nandito sila?" tanong ko. "Binigyan mo sila ng pangalan at meron an din silang plot kaya nabuhay na sila dito" sagot niya. Nagpatuloy lang kami sa pag-iikot sa building. Yung second floor naman nandoon daw yung mga dreams and ambition ko. Kada floor naiiba ang aura ng lugar. Nasa third floor na kami at hawak niya parin yung kamay ko. Kakaiba yung lugar na to kasi meron lang siyang tatlong pintuan na sumasakop sa boong space. "Ito ang floor kung nasaan ang faces mo" sabi niya na. "Huh? Mukha ko? Isa lang mukha ko kaya!" sabi ko na naguguluhan. "Haha! Hindi yun ang ibig kong sabihin" sagot niya. "Eh ano ba ang ibig mong sabihin?" "Itong floor na ito nagko-contain ng iba't-ibang faces mo. Kaya tatlo lang yan kasi tatlo lang naman ang tinatago mong PERSONALITIES at lahat sila may nakalagay na name" Lumakad kaming dalawa at hawak niya pa rin yung kamay ko. Bakit ganun? I feel safe sa tabi niya? Most Sumilip kami sa parang salamin ng building. Sa unang pinto nakita ko ang sarili ko nung bata pa ako, makulay ang loob at maraming laruan. "Siya si Yanyan, ang batang ikaw. Makulit, mabait at curious din. Haha!" sabi niya sakin. "Alam mo ba ang ganda mo panoorin pag ganyan ka? Mukha ka kasing inosente pero ang totoo marami ka nang alam sa mga bagay-bagay. Inilalabas mo lahat ng emosyon mo" makahulugang sabi niya. Wala akong nasagot kaya tumungo kami sa susunod na pinto. Sa loob ng kwarto na to naka-upo ako puro itim ang nakikita ko, madilim, gabi. "Si Rhian, ang isang katauhan na itinatago ang lahat sa kanya. Nasasakupan siya ng kadiliman." "Mahirap panoorin ka ng ganyan. Tinatago ang lahat ng emosyon mo at hindi ito ipinapakita. Hindi nagsasalita at blanko ang mukha. Hindi lumalabas sa pinagtataguan mo" paliwanag niya sakin. Ganto ako oo. Pero masakit pala na ikaw mismo ang makakakita sa sarili mo nasa ganung estado. Wala naman akong magagawa sitwasyon ang nagdadala sa akin diyan. Lumakad kami patungo sa pangatlo at panghuling pinto. Nandoon ako nakangiti, masaya at tumatawa. "Ito ang pinaka magandang panoorin sa lahat. Si Ian, ang nagmamahal na ikaw" "Sa lahat ng katauhan mo siya ang pinakagusto ko. Walang iniindang problema. Laging nakangiti at tumatawa. Ang cute mo tignan kapag nagde-day dream ka" sabi niya sa akin. Nagblush naman ako sa sinabi niya kaya napayuko ako. Natawa naman siya nung makita niya yung naging reaction ko. "Hahaha! Ang cute mo mag blush! I can say your one beautiful creation" sabi niya sakin. "Teka hindi mo pa nasasagot yung tanong ko. Anong parte mo dito? Sinoka sa buhay ko?" Nginitian niya lang ako at hinalikan ang kamay ko. "I will always in your HEART" bulong niya sakin nagpatayo ng balahibo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD