Klien
Nagising na naman ako sa balikat ng isang lalaki but this time nasa gazebo na ako ng school. Panaginip, panaginip lang ang lahat.
"Gising ka na?" sabi nung lalaking sinasandalan ko.
Lumingon ako sa kanya at nakangiti siya. Kilala ko yung ngiti niya, parang kilala ko siya.
"Knight!" bulong ko na narinig niya kaya tumawa siya ng mahina.
"I'm Klien. Klien Carl Cortez" sabi niya sa akin habang ina-abot yung kamay niya.
KCC. Tinanggap ko naman yun tapos nagpakilala na din. Pero hindi mawala sa isip ko yung panaginip ko.
"Paanong nasa balikat mo ako?" pagsisimula ko ng tanong sa kanya.
"Nakita kasi kita kaya pinuntahan kita. Tapos nakita kong natutulog kaya aalis na dapat ako eh biglang babagsak yung ulo mo kaya sinalo ko. Umupo na lang ako then nag-stay ako total wala pa naming class tsaka alam ko classmate tayo kaya ayun" mahabang paliwanag niya.
"Ah okay. Salamat ha. Naistorbo pa kita. Teka diba kasama mo si Erato Joshua? Erato saan ko nga yun nabasa?" sabi ko.
"Erato is love-poetry in Greek Mythology. Tsaka naghiwalay kami after naming kumain" sabi niya.
Tama Erato is love-poetry. Greek, na-alala ko naman si Knight. Makakabalik kaya ako ng Hestia?
Ang gulo naman kasi niya eh. Hindi niya sinagot yung tanong ko ng maayos.
"Halika na baka malate tayo" sabi ni Klien sakin na nakatayo na pala ang nakalahad ang kamay.
Hinawakan ko iyon. Pamilyar yung pakiramdam. Ang gaan sa loob.
"Nasa puso mo lang kami makakapunta ka doon kahit kailan mo gusto" sabi bigla ni Klien kaya napatingin ako sa kanya.
"Hime. I will always in your heart but this time I will also be at your side FOREVER"