He is not what you think he is.
You are not the only one.
They are twins, but they are not.
Two babies born on the same day, same hour and same minute
One born as Dark and one as Light.
Destiny bought them together.
Can they reverse the curse?
Moreover, make their own path?
Love, hatred, confusion and breakdown.
How can you handle them?
(Light)
Erato
"Hime. I will always in your heart but this time I will also be at your side forever" narinig kong bulong.
"Huh? May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya kasi paglingon ko nakatingin lang siya sa nilalakaran niya.
"Wala. Baka guni-guni mo lang" seryoso niyang sabi.
What's with him? Parang kanina lang nakangiti pa siya sakin pero ngayon parang papunta sa baba ang hangin.
Naglakad lang kami pabalik ng room. This time marami nang tao sa corridor.
"Who is she? Flirt!" yan yung narinig kong bulong nung babaeng nadaanan namin.
Hindi lang siya marami pa, at marami pa silang sinasabi. Hindi ko nalang pinansin, mukhang wala lang din kay Klien na nasa tabi ko.
Malapit na kami sa room at nakita ko na nasa pinto na parang may hinihintay. Napatingin siya sa gawi naming kaya napatayo siya at ngumiti.
"Kanina pa kita hinahanap. Kasama mo pala si Rhianne" bungad samin ni Erato.
"Tss! Di kita Nanay" sabi ni Klien sabay pasok sa loob.
"Anong nangyari doon? Kanina nakangiti tapos ang sungit bigla" taking tanong ko.
"Hahahaha! Ganun talaga yun. Pero nginitian ka niya?" hagalpak na sabi niya.
"Oo. Tsaka may sinabi pa siyang hindi ko maintindihan ng maayos" sabi ko sa kanya.
"Pasok na tayo malapit na next subject. Wag mo nalang pansinin yun" sabi niya at nagpatiuna na sa pagpasok sa loob.
Naiwan naman akong naguguluhan sa labas. Nung nakita kong malapit na yung prof pumasok na din ako sa loob.
Last class na naming to para sa araw na to. Papalapit sa pwesto ko si Erato, nagkahiwalay kami ng upuan kasi nagbago ng arrangement sa subject na yun.
"Rhianne, sabay ka na samin pauwi. Ihahatid kita" sabi niya.
Tumango naman ako kaya sabay kami lumabas. Doon naabutan namin si Klien na naghihintay.
Nung nakita niya kami nauna na siya maglakad. Pero hindi nakaligtas sakin yung dalawa niyang HIKAW sa tenga.