Klien 1

665 Words
Friends "Rhianne!! Malalate ka na naman!!" sigaw ni Mama sa baba. Nagmamadali akong kumilos. Nilagay ko sa bag lahat ng dadalhin, naligo, nagbihis at inayos yung bag. Buti nalang nagawa ko na yung assignment ko kagabi bago ako nag type. Pagkababa ko handa na yung almusal naming kaya kumain na ako. Pagbukas ko ng gate nagulat ako sa nakita ko. Nakatayo sila Erato at Klien sa labas, alam na nila ang bahay ko since hanggang gate namin nila ako hinatid kahapon. "Good morning Rhianne! Sabay na tayo!" bati ni Erato. Napa-shh sign naman ako. Hindi kasi alam ni Mama na mga lalaking naghatid sakin kahapon dahil panigurado ang dami na naming dakdak nun. "Sorry~" bulong niya nung makalabas ako ng gate. Tumango naman ako bilang sagot. Naglakad na ako pero bigla akong pinigilan ni Erato at hinila sa tapat ng sasakyan. Pinapasok niya ako sa backseat at sa passenger seat naman si Klien. "Iyo to?" tanong ko. "Oo akin to. Iniwan ko kasi siya kahapon kaya napa-commute tayo" sabi niya habang binabagtas naming yung way papuntang School. Nang makarating kami nauna na kaming umakyat ni Erato kasi ipapark niya pa yung kotse. Habang naglalakad kami ni Klien nandiyan na naman yung masamang tingin. Napabuntong hininga nalang ako at hindi sila pinansin. Pagpasok ko sa room may dalawang kamay ang biglang humila sakin. "Uy! Close kayo ni Cortez?" tanong nung isa. "Oo nga be! Usap-usapan kayo eh sa buong Campus" sabi naman nung isa pa. "Huh?" yun lang nasabi ko. "Ay sorry haha! Ako nga pala si Erin siya naman si Joan" sabi nung unang nagtanong sakin. "O dali! Ikaw si Rhianne diba? Kwento na!!" sabi naman nung Joan daw sabay hila sakin paupo. Wala na akong nagawa kundi magkwento na. Mukha pa naming hindi ako titigilan ng mga to eh. Nakikinig naman sila ng maayos sa kwento ko. Nung matapos ako mag kwento saktong dating ng prof. Napalingon ako sa gawi ni Klien kasi parang may NAKATITIG. At ayun nga nahuli ko siya. Wrong (Narration) "Klien anong nasa isip mo?" tanong ni Erato kay Klien. Nasa gazebo sila. Ito yung gazebo na pinuntahan ni Rhianne, sa mismong puno at sa mismong kinauupuan niya. "Wala. Hahanapin ko siya" sagot ng binata sa kaibigan. "Pero inaakala mo na siya yun hindi ba?" tanong ulit ni Erato. Wala siyang nakuhang sagot. Nakatitig lang ng diretso si Klien sa kawalan. "Bakit mo sinabi yun?" buntong hiningang tanong ni Erato. "Kasi yun yung gusto niyang sabihin" sagot ni Klien sabay tayo at naglakad paalis. "Itigil mo yang ginagawa mo sa kanya. Wag mong basahin ang nasa utak niya" pabahol ni Erato sa kaibigan. "I thought nakita na kita. Nasaan ka ba? Hindi ikaw siya, pero sino siya? Bakit kamukha mo siya? Bakit iisa kayo ng mukha at katawan? Nasaan ka na ba Hikari Rhienne?" nasa isip ni Klien habang naglalakad siya papalayo sa lugar kung saan nakita niya si Rhianne. Ang lugar kung saan nakatakdang makikita niya ang hinahanap niya. Ang lugar kung saan inakala niyang si Rhianne ang hinahanap niya. "Huwag ka sanang lamunin ng paghahanap mo Klien. Gamitin mo sana sa tama iyang kapangyarihan mo. Wag mo sanang sasaktan si Rhianne dahil doon." sabi ni Erato sa isip niya habang pinagmamasdan ang likod ng kaibigan habangpapalayo. May alam siya panigurado. May alam siya pero nililihim niya sa kaibigan niya. Itinatago niya ang kaalamang iyon para sa ikabubuti ng lahat. Walang makakapigil sa pagpapatuloy ng sumpa, at kailangang tanggapin nila iyon. "Joshua!!!" maririnig na tawag mula sa di kalayuan. Sila Angel, Louise at Fiona. "Bakit?" tanong ng binata ng makalapit sila na hinihingal. "Si Rhianne. Siya na ba? Siya ba si Hikari?" tanong ni Angel. "Hindi. Nagkamali si Klien. Nakita na niya si Himekura Rhianne" malungkot na sagot ni Erato. "Alam niya di ba? Totoong hindi mapipigilan ang sumpa. PAANO napunta si Himekura dito?" tanong ni Fiona sa lahat. Wala namang makasagot sa kanila. Napunta sila sa malalim na pag-iisip at hindi na napansin ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD