News
Nakauwi na ako sa bahay. Hindi na ako sumabay kila Erato kasi inaya ako nila Erin na sabay-sabay umuwi.
Pagpasok ko sa bahay ang tahimik. Naabutan ko si Mamang nasa sala at umiiyak ng todo.
"Ma! Anong nangyari!?" tanong ko sa kanya at umupo ako sa tabi niya at niyakap siya.
Hindi kami showy ni Mama. Pero kapag nasa sitwasyong ganito nagdadamayan kami.
"Rhi-rhianne a-ang p-papa m-mo! A-ang p-papa m-mo w-wala n-na!!" sabi niya tapos hagulgol ng iyak.
Hindi ko pa nasasabi sa inyo na nasa ibang bansa si Papa at doon nagtatrabaho. May restaurant siyang minamanage doon pero hindi sa kanya yung. Sa matalik niyang kaibigan, kasosyo kung baga.
Every year umuuwi si Papa. Kakabalik niya palang nung January kaya nakakagulat tong balita sakin ni Mama.
"Paano mo nalaman?" tanong ko sa kanya.
Medyo tumahan na siya sa pag-iyak. Inayos na niya yung mukha niya bago nagsalita.
"Tumawag si Kris, yung bestfriend ng Papa mo na may-ari nung minamage niyang kompanya. Sabi niya may iniinda dawn a sakit ang Papa mo pero hindi pinaalam satin. Nung pagkarating niya dun nalaman" paliwanag niya.
"Ano daw sakit niya?" tanong ko. Malakas si Papa bago siya umalis kaya paanong magkakasakit siya?
"Lung Cancer. Matagal na daw iyon pero pinabayaan ng Papa mo. Simula pagkabata may ganun na siya kaya hindi na naagapan pa yung pagdami ng cancer cells" sabi niya.
Bigla naman akong nanlumo sa sinabi niya sakin. Bakit sa lahat ng tao ang Papa ko pa? Bakit siya pa? Mabait ang Papa ko pero bakit parang ang lupit ng tadhana sa kanya? Bakit ganun?
*ding* *dong*
Naputol ang pag-uusap nang dahil sa tao sa labas. Pinagbuksan siya ni Mama ng pintuan at pinapasok.
"Aya! Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Rin" sabi nung bisita naming.
"Wala na tayong magagawa Kris. Nangyari na" sagot naman ni Mama.
Siya pala si Kris na kaibigan ni Papa. Napatingin siya sa gawi ko at napangiti ng malungkot.
"After ilang days nandito na ang bangkay niya. Tutulong ako sa inyo" sabi niya.
Wala na kaming sagot ni Mama. Ang lungkot ko, SOBRANG LUNGKOT.
Will
Ilang araw na rin simula nung nabalitaan naming ang pagkamatay ni Papa. Ngayon nandito na yung bangkay niya at libing na niya.
"Rhianne" narinig kong bulong sakin ni Erin.
Nandito rin sila ngayon. Hindi ako pumasok ng isang buong week dahil hindi ko maiwan si Mama. Kahit na nandito pa si Tito Kris humidi parin ako.
"Nandito na sila Erato" sabi niya nung hindi ako sumagot.
"Rhianne" sabi ni Erato at bigla akong niyakap.
Napahagulgol naman ako sa higpit ng yakap niya habang siya inaalo lang ako. Nung tumahan na ako kumalas na ako sa yakap at dun ko lang napansin yung tatlong babaeng kasama nila, nandoon din si Klien.
"Tahan ka na. Masaya na ang Papa mo kung nasaan man siya" sabi niya. Tumango naman ako bilang sagot saka bumaling ng tingin sa tatlong babae.
"Rhianne, sila nga pala si Angel, Fiona at Louise. Mga kaibigan din naming ni Joan so kaibigan mo na din" paliwanag ni Erin.
Nagbatian naman kami. Nadagdagan na naman ang kaibigan ko dito. Naputol lang ang kwentuhan naming ng biglang dumating si Tito Kris.
"Rhianne papasukin mo na sa loob ang mga kaibigan mo. Hinahanap ka din ng Mama mo. Klien sumama ka sa kanya" sabi ni Tito.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ipinaliwanag niya na anak niya pala si Klien at sinabi niya din na babasahin na ang Last Will and Testament ni Papa.
Pumasok na kami Klien sa loob ng Library namin sa bahay. Naabutan naming doon si Mama at Tito Kris na kasama yung abogado ni Papa na si Mr. Garcia.
Binasa niya lang yung Will ni Papa habang nakikinig kaming apat sa kanila. Parang wala lang pala ang pinaghirapan niya sa restaurant na pinapatakbo niya dahil wala pang 6 years at hindi pa napapa sa kanya yun.
"Dahil na rin legal at may contract sila ni Mr. Cortez, hindi mapapasa kanya yung restaurant at hindi kayo makikinabang doon. But may isa pang way para migrant yung restaurant, yun ay ang MARRIAGE ni Ms. Rhianne and Mr. Klien Carl" sabi niya.
Napatulala naman kaming lahat sa kanya. Ano daw kasal? Kay Klien? Pero kapag hindi ko ginawa yun masayang ang pinaghirapan ni Papa.
Anong gagawin ko? Maloloka ako nito eh!!!