Klien 3

686 Words
Same roof "Iha ito yung magiging kwarto mo. Wag kang mag-alala may ibang kwarto si Klien" sabi sakin ni Tito Kris habang papasok kami sa bago kong kwarto. "Rhianne, you don't need to push yourself into this" sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. "No Tito. Sayang naman kung napunta sa wala yung pinaghirapan ni Papa" sagot ko sa kanya. "But hindi naman masasayang—" pinutol ko yung sasabihin niya pa. "I want to do this Tito" sabi ko sabay yakap sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. "Okay just call me if you need anything. Alis na ako pupuntahan ko pa ang Mama mo" sabi niya pagka-kalas sa yakap. Mabait si Tito Kris, matapos basahin yung will sinabi niya hindi ko kailangang gawin yun. Siya ang nag su sustento samin. Pero ayoko kasi na magkaroon ng utang na loob sa kanya eh, sapat na ituring niya kaming pamilya niya. "Anong gusto mong kainin?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Klien sa harap ko kaya hindi ako nakasagot agad. "Tss! You're spacing out. Pupunta ako kila Erato. Umorder ka nalang ng pagkaing gusto mo. May laman din naman na yung ref" sabi niya tapos umalis na hindi man lang nag-babye. Napabuntong hininga nalang ulit ako. Hindi pa kami ikakasal, pero engaged na kami kaya nasa iisang bahay na kami. Safe naman daw ako kasi magkahiwalay kami ng kwarto ni Klien. Mukha rin namang walang pakialam sakin yun eh. Naguguluhan talaga ako sa kanya. Nung nakita ko siya nginitian niya ako, nakangiti siya. Pero ngayon nag-iba siya. Ito ba ang totoong Klien? Siguro nga ito na, kasi mukha namang hindi siya palabiro. Humiga ako sa higaan ko. Mamaya na ako kakain tutal maaga pa naman din. Naalala ko ang Hestia, naalala ko si Knight. Ang saya lang sa lugar nayun. Makakarating pa kaya ulit ako doon? Sabi ni Klien oo daw tsaka lagi siyang nasa tabi ko. Akala ko siya si Knight pero hindi pala? Panaginip lang ba ang HESTIA? Sino siya? Sino si KNIGHT? Nung nakita niya kami nauna na siya maglakad. Pero hindi nakaligtas sakin yung dalawa niyang HIKAW sa tenga. She "No! Hikari wag! Get away from her! Wag niyo siyang hahawakan!!" narinig kong sigaw ni Klien mula sa kabilang kwarto. Magkatabi lang kasi kami ng kwarto at hindi siya soundproof. Dali-dali akong bumangon at pumunta sa kwarto niya. Hindi na ako kumatok at binuksan ko agad, kinakabahan kasi ako sa tono ng pagsasalita niya. "No!! Don't you ever lay a finger on her! I'll kill you~~!!" nakita ko siyang nagpa pabaling-baling ng ulo niya habang nakapikit. Binabangungot siya! "Klien! Wake up!" tinawag ko siya, hindi kasi ako makalapit sa kanya kasi para siyang sinasaniban habang nakapikit. "Hikariii!!!" this time hinihingal na siya at hindi mapakali. Naglakas loob na akong lumapit sa kanya. "Klien!" tawag ko habang pilit hinahawakan yung kamao niyang naka ball fist. Nanlalamig siya at parang nagre-resist siya sa kung ano. Mas lalo naman akong natakot sa nangyayari sa kanya. Nagising siya na hingal na hingal, napakunot yung noo niya nung makita ako. Kung kanina natatakot ako sa nangyayari sa kanya, ngayon natatakot ako sa kanya. "What the f**k are you doing here!?" bulyaw niya kaya napaatras ako. "A-ano k-kasi..." nauutal kong sabi. Hindi ko na alam pa ang idudugtong. "GET OUT" may diin niyang sabi. "O-okay ka na ba?" tanong ko. "A-ano k-kasi para ka k-kasing binabangungot k-kya pinuntahan kita" sabi ko sa kanya pero nakayuko lang siya at nakatulala. "Klien?" tanong ko. Tumingin siya sakin ulit. Siguro kung nakakamatay lang yung tingin na burol na ako kanina pa. "I SAID GET OUT!!" sigaw niya na nakapagpigil ulit sakin. Tumayo siya sa kinatatayuan ko at kinaladkad ako palabas ng kwarto niya habang hindi pa rin ako nakaimik. Pinalabas niya ako at pinagdabugan ng pintuan. Doon lang ako natauhan. As if on cue lumabas yung mga luha ko. Halo-halo na yung nararamdaman ko. Takot, bigla, lungkot at pagkalito. Ano bang ginawa ko para ituring niya akong ganun? Napatakbo ako sa kwarto ko. Buti nalang hindi kalayuan kasi nanlalabo na yung mata ko dahil sa luha. Dumiretso ako sa higaan at UMIYAK.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD