Calm
"Ano!? Sinigawan ka niya!?" tili ni Joan pagkatapos kong ikwento ang nangyari kahapon sa bahay.
Nandito kami sa room at breaktime naming kaya libre pa makipagchikahan. Nandito din sila Angel kasi lumipat sila ng section kaya buo kami.
"Sshh! Ang ingay mo naman eh. Oo sinigawan niya ako, well kasi naman ako eh bigla-biglang pumapasok sa kwarto niya" pagdadahilan ko.
"Kahit na ano ka ba? Nagmamalasakit ka nga diba?" sabi naman ni Fiona.
"Hay nako! Kayo nga magsitigil kayo" sabi ko.
"Naku! Kung ako yun? Baka nasampal ko na siya! Argh!" comment naman ni Erin.
"Bakit?" bigla naming narinig si Erato na papasok palang sa room at may dalang mga pagkain.
"Girls para sa inyo. Tinext ako ni Angel eh" sabi niya sabay abot ng mg pagkain samin.
"Salamat Erato" sabi ko kasi mukhang walang balak magpasalamat yung limaat diretso lantak sa pagkain.
"Ano nga pala pinag-uusapan niyo kanina?" sabi ni Erato habang kumukuha ng upuan at sumama sa bilog naming.
"Eh kasi si Klien binabangungot kahapon kaya itong si Rhianne pumasok sa kwarto niya at ginising. Pero ang gagu nagawa pang sigawan si Rhianne" pagkukwento ni Angel with matching hand gesture pa.
Alam nap ala nilang lahat yung about sa engagement at sa last will ni Papa. Paano paglabas palang naming ng Library nakaabang na sila sa sala at inaantay na magkwento ako.
"Sinigawan ka!?" gulat na tanong ni Erato.
Tumango tango naman ako ng alanganin sa kanya. Seriously? Bakit parang ang big deal sa kanila na sinigawan ako ni Klien.
"Sinaktan ka ba niya?" seryosong tanong niya.
Napatitig naman ang lahat sakin na parang it's a matter of life and death ang sasabihin ko. Napabuntong hininga naman ako sa inaasal nilang lahat.
"Hindi noh. Ano ba naman kayo, hindi naman ata ako kayang saktan ni Klien eh. Di ba?" sabi ko.
Inalis na nila yung mga titig nila sakin. Siguro iniisip nila na tama ako. Eh tama naman talaga ako eh.
"KAYA NIYA, hindi lang saktan ka kundi ang patayin ka pa" may binulong si Erato pero hindi ko maintindihan.
Nightmare (Narration)
"No! Wag mong sasaktan si Hikari!" sigaw ni Klien sa lalaking nasa harap niya.
"Wag niyo siyang sasaktan! Papatayin kita!!" sigaw niya ulit.
Nasa harap niya ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang babaeng mahal niya, ang babaeng parte ng nakaraan niya.
"Don't touch her!!" hindi na siya magkandamayaw sa kasisigaw dahil unti-unting lumalapit ang isang bulto ng lalaki sa nakahigang katawan ni Hikari. Nilingon siya ng lalaki at walang mababakas na emosyon sa mata nito.
"Knight! No!!" pagmamakaawa niya habang nakatingin sa kanya si Knight.
Hindi siya pinansin ni Knight at nagpatuloy siya sa paglakad patungo sa katawan ni Hikari. Binuhat niya iyon, wala namang ibang magawa si Klien dahil nakagapos sa kanyang magkabilang braso ang malaking kadena.
Ito ang kadenang ginagamit para sa halimaw at mga malalakas na nilalang. Nababalot ito ng kapangyarihan, walang ibang makakatakas sa kadena mula sa katawan ng biktima kundi ang Magic Key.
Umalis ang binata sa harap niya, sinundan niya ito ng tingin. May isang bulto ng katawan ang makikita sa pintuan na patutunguhan ni Knight. Mas lalo siyang nagalit ng maaninag ang mukha ng babae, si Himekura Rhianne.
Napabalikwas ng bangon si Klien. Panaginip lang, hindi panaginip kundi isang bangungot. Ilang beses niya itong nangyayari sa kanya.
Lagi siyang ginagambala nito simula ng magsama sila ni Rhianne sa iisang bubong. Ayaw man maghinala ng binata pero panaginip na niya ang nagsasabi.
Tumayo sila mula sa pagkakaupo mula sa puno ng gazebo, ang mahiwagang puno. Ito rin ang puno kung saan nakilala ni Rhianne si Knight.
Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa classroom niya. Hindi niya pinansin ang mga babaeng nagtitili at kinikilig na nadadaanan niya. Wala siyang pakialam dito.
Hanggang ngayon ay hinahanap niya parin si Hikari. Alam niyang sa lugar na to niya makikita ang hinahanap niya.
Pumasok na siya sa room at unang bumungad sa kanya ang grupo nila Erato na nakabilog ang upuan at nangke-kwentuhan. Nagkatitigan sila ni Rhianne, pero una ring nagbawi ng tingin ang dalaga.
Tinitigan ng masama ni Klien si Rhianne. "Bakit parang natatakot ka sakin? May TINATAGO ka bang ikagagalit ko ha Rhianne? Sino ka ba talaga?" ani niya sa sarili niya habang hindi parin maalis ang pagkakatitig sa dalaga.