Chapter 11 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUT OWN RISK❗ Third- Person POV Pagkatapos ng insidenteng iyon, mas lalo nang naging mailap si Jasmine kay Lucas. Ayaw na niyang makita ang lalaki dahil pakiramdam niya ay unti-unting bumabalik ang matagal na niyang pinipigilang paghanga para dito. Kaya tuwing nasa loob ng villa si Lucas, mas pinipili niyang pumunta sa dagat upang aliwin ang sarili.Alam niyang ramdam nito ang ilap niya kagaya ng lagi niya itong nahuhuling nakasunod lagi ang tingin sa kanya ng lalaki.Hindi naman siya iniiimikan at kahit pagsilbihan ay hindi na rin niya ginagawa.Lagi lang siya nag fofocus sa mga gawain na binilin sa kanya ni Madam Lucille. Kagaya ngayon—nasa tagong bahagi siya ng isla at malayang lumalangoy sa kulay asul na dagat. Hapon na at maalinsangan, kaya

