Chapter 12 R-18+ Mature Content READ AT YOUR OWN RISK❗ Third-Person POV Maagang nagising si Jasmine kinabukasan. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ni Lucas dahil nahihiya pa rin siya sa nangyari. Ngayon lalo pang nagsi-sink in sa isip niya ang matinding kahihiyan, dahil muntik nang may mangyari sa kanila. Mabuti na lang at hindi siya nadala sa maiinit nitong haplos at bulong—dahil baka pagsisihan niya iyon nang sobra. Nagsimula siyang maglinis at magluto ng agahan. Ganoon naman palagi ang kanilang set-up: lulutuan lamang niya ito, at bahala na kung kakain ba o hindi. Hindi rin niya alam kung bakit nandito pa sa isla ang lalaki. Kailan kaya ito aalis para maging normal na ulit ang buhay niya—nang wala siyang iniisip sa maghapon? Napapagod na rin siyang umiwas nang umiwas dito. Napati

