His Rules, Her Silence

1155 Words
Chapter 8 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Lucas’ POV- I smirked when I saw the girl hiding behind the long white curtain. Alam kong nakatunghay siya sa akin, pero agad din siyang nagtago nang magtama ang mga mata namin. Honestly, I’m not in the mood right now. Kagabi lang din ako dumating sa isla—ang islang pagmamay-ari ko. I still can’t imagine why Mom had to assign someone here, eh alam naman niyang ayaw na ayaw ko ng ibang tao rito—maliban sa akin. I bought this place two years ago, right after I won an international competition in Germany. I’m an artist. I paint, I design, and I love anything related to design. Marami akong produktong gawa ko na sumikat sa iba’t ibang parte ng mundo. I started pursuing my passion when I was sixteen, at sa edad na iyon, milyon-milyon na ang kinikita ko. Kaya nga ayaw ko nang hawakan ang negosyo ni Dad. Ipinapaubaya ko na iyon sa ate ko dahil kaya ko namang mabuhay kahit wala ang kumpanya. In fact, isang product ko lang ay sapat na para mabuhay ako ng marangya habang nagpapakasasa sa pera ko. But things don’t always go as easily as I thought. Nandito ako ngayon sa isla para magtago. I came back from Macau because I really wanted to rest. I’m tired of traveling. Pakiramdam ko, I need to take a break. Umuwi ako nang hindi alam nina Mom and Dad, dahil sigurado akong kapag nalaman nilang nandito ako sa Pilipinas, kukulitin na naman nila akong pamahalaan ang negosyo, o ‘di kaya ay bumalik sa Bicol at pumasok sa pulitika. Politics—the thing I hate the most. Ayoko na ako ang pinangungunahan. I’m used to being the one in control. That’s why I want my path to be different. Ang islang ito ay akin, pero pinipilit pa ring pakialaman ni Mom. A thing I’ve always disagreed with. Siguro dahil akala nilang wala ako sa bansa, kaya sila nagpadala ng caretaker dito. Especially now na may nagke-claim na dapat ibalik sa kanila ang isla kung walang nangyayaring improvement dito. I sighed and looked at the door, pero wala na ang babae roon. Whoever she is, bahala na siya sa gusto niyang gawin habang nandito siya. Hindi ko naman siya pinapasahod, kaya hindi ko siya papakialaman. But I still need to talk to her—baka kasi isumbong niya sa parents ko na nandito ako ngayon. I looked around, but when I entered the house, she was gone. So I went straight to the kitchen. Nakita ko siyang nakatalikod, abala sa pagpupunas ng basang sahig. Nagulat pa siya nang mapansin akong nakatingin, at agad siyang tumayo. JASMINE’S POV- Napatalon ako sa gulat nang makita ko siyang nakatayo sa may pintuan ng kusina. Hindi ko inaasahan na nandoon na pala siya. Mula nang tumakbo ako papasok dito, hindi ko na ulit sinubukang lumabas dahil sobra akong kinabahan. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin halatang hindi siya natuwa na nandito ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa kaya bigla akong nakaramdam ng hiya, lalo na’t wala akong suot na tsinelas.Kung kailan naman kasi nasira ang tsinelas ko dahil sa paghatak niya sa akin kagabi. Agad akong tumayo, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o lalabas na lang. Tahimik lang siyang nakatingin, kaya ako na ang unang nagsalita. “Magandang umaga po…” mahina kong bati habang iniiwas ang tingin kay Lucas na ngayon ay nasa harapan ko na. Pakiramdam ko, lalo pang nanikip ang dibdib ko. Ngayon ko lang siya ulit nakita nang malapitan. Dati pa man, gwapo na siya sa paningin ko, pero ngayon, dahil balbas-sarado siya, mas lalo siyang nagmukhang lalaking-lalaki. Hindi siya agad sumagot. Naglakad lang siya papasok at diretsong umupo sa isang upuan, sumandal na parang pagod na pagod. “What’s your name?” tanong niya, malamig ang boses.Walang gana. “J-Jasmine po,” sagot ko agad. “Ako po ‘yung pinadala ni Ma’am bilang temporary caretaker dito sa villa habang wala pa po kayo.” Dinig ko ang mahinang pag-ismid niya. “Bakit nandito naman ako, ah…” mahina niyang sagot, pero ramdam ang inis sa tono. Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag o umalis na lang. Hindi ko rin naman kasalanan na andito ako. Pinadala lang ako rito. Ang alam ko, walang tao sa isla. Kaya ganoon na lang ang gulat ko kagabi nang biglang may humila sa akin mula sa dilim. “Sino’ng nagsabi sa’yo na pumasok sa villa?” tanong niya ulit, ngayon mas seryoso na. “May susi po akong hawak… at sabi po ni Ma’am, alagaan ko raw ang lugar. Hindi ko po alam na nandito na kayo.” Napabuntong-hininga siya. Tumingin sa bintana na para bang ayaw na niya akong kausapin. Pero ramdam kong may gusto pa siyang itanong. “Ano’ng alam mo tungkol sa lugar na ’to?” tanong niya bigla. Nag-isip ako sandali bago sumagot. “Wala po masyado. Ang sabi lang po, private property po ito at pagmamay-ari ni Ma’am.” Napangisi siya. Hindi ko alam kung inis ba ’yon o naaaliw siya sa sagot ko. “Well, good answer,” sabi niya, sabay tayo at lakad papunta sa pinto. “Kung gusto mong manatili rito, sumunod ka lang sa rules ko. Ayoko ng tanong. Ayoko ng istorbo. At pinakaayaw ko, ’yung gagawin mong sabihin sa magulang ko na may kasama ka rito.Nag-iisa ka lang dito, naiintindihan mo ba ako?” Tumango lang ako, kahit ramdam ko ang kaba sa dibdib. Hindi ko alam kung ano’ng ibig sabihin ng “rules” niya, pero isa lang ang malinaw sa akin—hindi siya masaya na andito ako at gusto niyang itago ko na nandito siya sa Isla. Napaatras ako nang bigla siyang bumangon at, nang walang sabi-sabi, lumabas ng kusina. Nagpakawala na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko pinagpag ang aking palad at dali-daling nilabhan sa CR ang basang basahan. Pagbalik ko, kinuha ko ang tuyong basahan sa likuran saka pinunasan ang lababo at mahabang mesa. “Ayaw ko ng tanong. Ayaw ko ng istorbo.” Parang nag-e-echo pa rin sa tenga ko ang malamig niyang boses. Paano na ngayon? Magkukunwari na lang ba kami na parang hindi kami magkasama sa bahay na ito? Kung tutuusin, mas mabuti na rin siguro. Titiisin ko na lang kaysa mapagalitan. Mukha pa naman siyang matapang. Lumabas ako ng sala at biglang napabitaw sa hawak ko nang magtama ang mata namin ni Lucas—na ngayon ay nakatapis lang ng tuwalya sa ibaba. Halos mabilaukan ako ng sariling hininga nang mapansin ko ang hulma ng katawan niya… at lalo akong namula nang dumako ang tingin ko sa umbok na malinaw na bakat sa harapan niya. Agad kong iniiwas ang paningin, pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa kaba at hiya. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD