Under The Master's Watch

1704 Words
Chapter 7 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third- Person POV- Napahiyaw sa gulat si Jasmine nang biglang may humila sa kanya papasok ng bahay. Hindi niya namukhaan ang lalaking humablot sa kanya. Napasinghap siya ng biglang lumiwanag ang paligid at tumambad sa kanya ang isang matangkad at mabalbong lalaki. Nakasando lamang ito at fitted jeans. Napadako ang tingin niya sa mga paa nito na puno ng buhangin. Bigla siyang napaatras nang lumapit ito sa kanyang pwesto.Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bag sakaling may gagawin itong masama sa kanya. “Who are you?” Simpleng tanong, ngunit parang kinilabutan si Jasmine sa boses nito—malalim, buo, at lalaking-lalaki. Para siyang aatakehin sa t***k ng kanyang puso sa harap ng madilim at matatalim nitong mga matang nakatitig sa kanya.Teka.. “I-ikaw… sino ka? Bakit ka nandito?” Kahit kinakabahan, nagawa pa rin niyang sumagot. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang boses, at aaminin man niya o hindi, sobra siyang natatakot. Ang sabi sa kanya ng amo niya, siya lamang ang tao rito, pero bakit may lalaki sa isla? Umatras siyang muli nang kumunot ang noo nito ng hindi inaalis ang tingin sa kanya. Mas lalong tumalim ang titig nito habang tila sinusuri siya mulo ulo hanggang paa. “Who are you to ask me that when, in fact, ikaw ang trespassing sa lugar ko?” Ano daw? lugar niya? Napatanong siya sa sarili, sabay sabing, “Pinadala ako rito ni Madam Lucille. Hindi ako trespassing.” Halatang nagulat ang lalaki sa sinabi niya at napatigil sa paglapit.Nakatitig pa rin ito sa kanya kaya nagkahalo-halo tuloy ang nararamdaman niyang kaba at ilang. “What?” Hindi alam ni Jasmine ang gagawin. Gusto niyang tumakbo palabas ngunit parang nakapako ang mga paa niya sa kinatatayuan. Nakita niyang patuloy ang titig nito kaya agad niyang iniwas ang tingin.Hindi yata niya kayang tagalan ang klase ng tingin nito. “A-ang sabi po sa akin, ako lang ang tao rito. Ako po ang bagong katulong nina Madam Lucille at Don Armando,” paliwanag niya. Hindi niya alam kung bakit, pero parang pamilyar sa kanya ang lalaki. Kahit balbas-sarado ito, kilala niya ang mga titig na iyon.Tama siya si Lucas Cordova, anak ng kanyang amo. Paano itong lalaki ay nandito sa isla? Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso nang maalala ang unang pagkikita nila sa hacienda ng mga Cordova noon. Teenager pa lamang siya, at sa tantiya niya, nasa twenties na ito noon. Ang huling balita nga niya, nasa ibang bansa na ito kaya hindi na niya gaanong iniisip ang lalaki. Oo, minsan ay inisip niya ito dahil nagkaroon siya ng paghanga rito—na agad din niyang itinanggi at sinaway ang sarili. Pinangako niya noon na hinding-hindi muna siya magkakagusto sa kahit na sinong lalaki, lalo pa’t siya ang inaasahan ng kanyang pamilya.Pero iba si Lucas, matagal bago niya tinanggap sa sarili niya na hindi niya pwedeng magustuhan ito lalo pa at langit lupa ang pagitan nilang dalawa. “And what exactly is your job here, woman?” Napaigtad siya nang muli itong magsalita. Nakatunghay ito sa kanya, nakakunot ang noo, at dahil sa tangkad nito, sa height niyang 5’7 ay hanggang leeg lamang siya ng lalaki. “Are you deaf?” mukhang inis na ito ng muling magsalita. “Huh? Ah… katulong nga po ako rito.” Hindi niya naiwasang iparinig ang inis sa boses niya. Kahit high school lamang ang natapos niya, alam niya ang ibig sabihin ng deaf at tiyak na hindi siya bingi. Medyo umakyat ang init sa batok niya kaya sa unang pagkakataon, parang nagtaray siya. “It’s past two in the morning. Sa likod ng rest house na ito ang kwarto mo. Hindi ka puwedeng manatili dito sa loob ng bahay. Since sabi mo katulong ka, dapat maaga ka bukas para malinis na ang buong paligid. Do you understand?” Hindi nakaimik si Jasmine, pero tumango siya.Hindi man lang siya siguro pagpahingain balak na talaga siyang gawing alila agad-agad. Iniwan na siya ng lalaki, kaya agad siyang tumalikod at lumabas, hinahanap ang tinutukoy nitong tutulugan niya. Nakita niya ang isang hindi kalakihang quarters. Nagpalinga-linga muna siya bago lumapit.Wala naman ibang bahay sa likod ng villa kundi iyon kaya sigurado siya ito ang tinutukoy ng lalaki. Pinihit niya ang seradura at mabuti na lamang ay hindi naka-lock. Pagpasok niya, agad niyang hinanap ang switch ng ilaw. Nang matagpuan ito, binuksan niya at tumambad sa kanya ang maduming loob ng quarters. Nanlumo siya at napaupo sa bakanteng upuan, tinitigan ang paligid. Kumpleto naman ito—may banyo at kusina, at may pintuan sa gilid na sa tantiya niya ay kwarto—ngunit sobrang dumi, puno ng alikabok at ipot ng daga at kung ano pang kahayup-hayopan. Tiningnan niya ang orasan sa dingding; kahit papaano ay umaandar pa ito. Alas-dos y medya na. Kung maglilinis pa siya, wala na siyang tulog, ngunit dahil sa kalagayan ng lugar, wala siyang choice kundi ayusin ito. Nakakita siya ng walis tambo at dustpan, kinuha rin niya ang basahan na nakasampay sa loob ng CR, at nagsimulang maglinis. Ang inaasahan niya kasi pagdating ay matulog na lang siya, dahil sabi ni Madam Lucille ay ayos na raw ang tutulugan niya at sa loob siya ng villa matutulog. Ngunit ngayon, dito siya itinaboy sa maruming lugar ng anak nito. Napahinto siya at nagpahabol ng hininga, habang pinupunasan ang pawis. Biglang sumama ang pakiramdam niya sa inis, lalo na’t hindi sinabi sa kanya na narito ang anak ng amo niya. Kaya tuloy, kampante siyang siya lang mag-isa sa isla. Kung alam lang niya, hindi siya papayag na pumunta rito—bahala na kung bumalik siya sa probinsya. Ngunit naisip niyang kawawa ang pamilya niya kung paiiralin niya ang inis na nararamdaman niya ngayon. Iiwasan na lamang niya ang lalaki hangga’t kaya niya. Hindi naman siguro niya ikamamatay kung mag-iwasan sila, at sigurado naman siyang hindi rin siya mag-eexist sa presensya nito. Pumasok na siya sa silid nang matapos maglinis. Alas-kuwatro na, ngunit tila himala na hindi siya dalawin ng antok. Kaya, imbes na tumunganga, nagsimula siyang ayusin ang kaunti niyang gamit. Kinuha niya ang kanyang mahabang palda at kulay kremang blusa, pati na ang mga gamit panloob. Dala ang tuwalya, pumasok siya sa banyo. Kanina pa siya nanlalagkit kaya naisip niyang maligo na. Malamig at maginaw ang tubig, ngunit para kay Jasmine, nakakaginhawa iyon sa kanyang pakiramdam—lalo pa’t init na init siya sa pawis na dumikit sa kanyang katawan. Nang matapos, agad siyang nagbihis at pinatuyo ang buhok gamit ang tuwalya. Napagdesisyunan niyang huwag nang matulog at maglinis na lamang sa loob ng villa. Baka mamaya, silipin na naman ng lalaking iyon ang trabaho niya. Eksaktong alas-singko, lumakad na siya patungo sa villa. Madilim pa, ngunit kita niya ang front door. Nabigo lamang siyang makapasok nang subukan niyang pihitin ang seradura—naka-lock ito. Napabagsak ang balikat niya at bumalik sa quarters. Humiga na lamang siya sa kama, at hindi na namalayang unti-unti na siyang nakatulog. Nagmulat si Jasmine nang mapansin ang liwanag sa paligid mula sa bintana. Agad siyang napabangon at nilapitan ito, at hinawi ang manipis na kurtina. Natigilan siya, sabay napabuka ang kanyang bibig sa ganda ng nakita niyang tanawin—lawak ng dagat na kumikislap sa ilalim ng araw. Tuluyan niyang binuksan ang bintana, at mula sa kanyang kinatatayuan ay humaplos sa balat niya ang mainit-init na hangin mula sa dagat. Hindi siya makapaniwala. Kagabi, madilim ang buong paligid, at pagkababa niya ng chopper ay inihatid lang siya ng tauhan ng mga Cordova hanggang gate ng villa. Hindi niya namalayang medyo mataas pala ang pwesto ng bahay kaya tanaw mula rito ang maputing buhangin sa ibaba.Sinara niya ito ulit ng biglang naisip ang villa. Mabilis siyang tumakbo sa banyo at nagsepilyo. “Anong oras na ba?” bulong niya sa sarili. Pagtingin niya sa orasan—alas-diyes na ng umaga. Bigla siyang kinabahan. Paano kung pagalitan siya ng lalaki? Kaya kahit magulo pa ang buhok, agad niyang tinakbo ang villa. Kinakabahan niyang binuksan ang pinto—at sa pagkakataong ito, hindi na naka-lock. Ibig sabihin, gising na ang lalaki. Dahan-dahan siyang pumasok at tumambad sa kanya ang eleganteng sala. Kagabi, dahil sa nangyari, hindi na niya napansin ang ganda nito; ang nasa isip niya noon ay maglaho na lamang sa harapan ni Lucas. Hindi niya alam kung ano ang uunahin, kaya habang wala pa ang lalaki sa paligid, mabilis siyang pumasok sa kusina at kinuha ang walis. Maglilinis na lang muna siya. Ngayon lang niya napansin na madumi rin pala ang paligid. Kahit maganda, maraming alikabok at mga bahay ng gagamba sa sulok. Parang ilang taon nang walang nakatira rito sa kapal ng alikabok sa mga muwebles. Ano ba’ng ginagawa ng lalaking ‘yon dito kung hindi man lang nalilinisan ang lugar? Inuna niyang walisan ang buong paligid. Mabuti na lang at hindi ito two-story house, kundi isang malawak na villa na kung tawagin ng mayayaman ay bungalow daw. Alam niya iyon dahil dati’y dinadala siya ng kanyang ina para maglinis sa mga bahay-bahay ng mayayaman upang may pambili sila ng pagkain. Tagaktak ang pawis niya nang matapos niyang walisan ang loob. May malaki itong pintuang salamin na nakaharap sa dagat. Binuksan niya iyon at lumakad papunta sa balkonahe. Napakaganda ng lugar—sobrang tahimik at halos ang alon lamang mula sa asul na dagat ang maririnig sa paligid.Pumikit siya at sinamyo ang presko at amoy dagat na hangin.Dumilat siya muli. Mula sa kanyang kinatatayuan, may napansin siyang pigura na papalapit. Napakurap-kurap siya nang mamukhaan kung sino ito—si Lucas. Walang suot na pang-itaas at may suot lamang na swimming shorts. Hindi ito gaanong maputi kaya bumagay sa kanya ang kulay ng balat. Medyo mahaba ang nakapusod nitong buhok, at lalo siyang napalunok nang dumako ang tingin niya sa matitigas na abs nito. Para itong eksena sa slow motion sa paningin niya.Lalaking lalaki itong tingnan at parang sa pelikula lang niya nakikita ang ganitong eksena. “What!” “H-huh!?” Agad siyang tumalikod nang sigawan siya nito mula sa hindi kalayuan. Namula ang pisngi niya sa hiya kaya mabilis siyang tumakbo papasok, hawak ang dibdib na tila ayaw kumalma. Jasmine nakakahiya ka,nahuli ka niya! pagalit niya sa sarili. -Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD