Chapter 6
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third-Person POV-
Maagang nagising si Jasmine. Alas-singko pa lamang ng umaga ay handa na siya para sa mga gawain sa loob ng mansyon. Unang araw niya bilang katulong ng mga Cordova kaya’t ayaw niyang mapagsabihan agad.Takot siyang magkamali at baka mapauwi siya sa kanilang probinsya. Tahimik pa ang buong maid’s quarters; mahimbing pa ang tulog ng kanyang mga kasama kaya’t maingat siya sa bawat kilos.
Pinusod niya ang kanyang mahabang buhok at isinuot ang unipormeng ibinigay sa kanya kagabi ni Leny ng matapos ang kanilang hapunan—isang terno na light blue na blouse at lower pans. Medyo maluwag ito sa kanya, pero sakto naman ang haba kaya’t ayos na rin.
Lumabas siya ng kwarto at dumaan sa likod na daan papunta sa kusina—gaya ng itinuro sa kanya ni Mang Kiko nang ihatid siya rito kahapon. Paglapit niya sa kusina, kumatok siya sa pinto. May isang babaeng kaedad na rin ni Mang Kiko ang abalang nagluluto sa loob. Halatang nagulat ito sa pagkatok niya pero agad din siyang pinagbuksan.
"Magandang umaga ho. Ako po pala si Jasmine, ’yung bago pong katulong dito," marespeto niyang pagpapakilala.
"Ah, oo. Nakita kita kahapon. Ako si Gloria, tawagin mo na lang akong Aling Gloria. Ako ang mayordoma dito sa mansyon," wika ng babae na mukhang mabait ang awra.
"Sige po, Aling Gloria," magalang na tugon ni Jasmine.
"O siya, dahil nandito ka na rin, may ipapagawa na ako sa’yo. Gayatin mo ang mga ’yan, ako na ang bahala sa pagluluto. Gusto kasi ni Madam na ako ang naghahanda ng agahan. Sa tanghalian, ibang kasambahay naman ang naka-assign. Bihira kasing kumain dito si Madam Lucille at si Don Armando at pati sa hapunan.Bihira lang sila nagkakasama." sabi nito kay Jasmine.
Tumango si Jasmine at agad tinungo ang mahabang mesa para sundin ang utos. Para sa kanya, madali lang ang mga ganitong gawain—paggayat ng mga rekado at ilang gulay gaya ng carrots at repolyo.
"Ilang taon ka na ba, Jasmine?" maya-maya pa ay tanong ni Aling Gloria mula sa kanyang likuran.
Lumingon si Jasmine at ngumiti sa babae.
"Twenty-two po, Aling Gloria."
"Naku, dapat nag-aaral ka pa sa ganyang edad. Pero minsan, kapag may mga kailangang unahin, naisasantabi talaga ang mga pangarap para sa pamilya."
Tumango si Jasmine bilang pagsang-ayon.Kahit naman siya ay gustong-gusto rin mag-aral pero sa katulad nilang kapos sa buhay hanggang pangarap na lang talaga muna ang magagawa.
" Pag nakapag-ipon-ipon na ho ako, Aling Gloria, gusto ko pa rin ho talagang tapusin ang pag-aaral ko."
" Maganda iyan,may pangarap ka sa buhay".
Iniwan ni Aling Gloria ang hinahalo sa kaldero at saka umupo sa harap ni Jasmine. Tinulungan siya nitong maggayat ng mga rekado.
"Ipagpatuloy mo lang ang kasipagan mo. Tingin ko naman sa’yo ay mabait kang bata. Saka napakaganda mo kaya huwag ka muna mag-aasawa ng maaga".
Napatingin si Jasmine sa matandang babae. Sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa mansyon, nabawasan ang kanyang kaba. Mukhang mabait si Aling Gloria at bihira lang ang mga taong kaya kang pangaralan ng maganda at tunay na may malasakit.
"Salamat po, Aling Gloria, sa pagpapalakas ng loob ko,"
Ngumiti lang si Aling Gloria at saka tahimik na bumalik sa niluluto niya sa kalan.
" Tapusin mo na iyan at maaga nag-aalmusal ang ating amo"
7:00 am na ng umaga. Katatapos lang mag-ayos ng mesa nina Jasmine at Aling Gloria nang bumaba ang mag-asawang Don Armando at Madam Lucille mula sa itaas at dumiretso agad sa hapag-kainan. Nakatayo lang si Jasmine sa gilid, ayon na rin sa bilin sa kanya ni Aling Gloria — huwag siyang aalis sa tabi ng mesa at hintaying baka may ipag-utos ang mga ito. Ang iba pa nilang kasamahan ay abala na rin sa kani-kanilang mga gawain.
“Magandang umaga po, Madam Lucille, Don Armando,” magalang na bati ni Jasmine sa mag-asawa.
“Magandang umaga rin sa’yo, Jasmine. Tamang-tama at gusto ka naming makausap ng asawa ko tungkol sa trabaho mo rito sa mansyon,” agad na sagot ni Lucille habang umuupo sa tabi ng kanyang asawa. Inabot nito ang basong may umuusok pang tsaa na tinimpla ni Aling Gloria, humigop muna ng kaunti bago nagsandok ng sopas sa kanyang bowl.
“What do you think, hon? Kung si Jasmine na lang ang ipadala natin sa isla? Mukha namang masipag at mapagkakatiwalaan ang anak ni Pacita,” wika ni Lucille, sabay sulyap kay Jasmine.
Napahinto si Don Armando mula sa hinihigop niyang black coffee at tiningnan ang kanyang asawa.Inilapag nito sa mesa ang tasa.
“Hon, malayo ang Isla Del Cielo. Hindi yata tama na babae ang ipadala natin doon. We talked about this before, didn’t we?”
Ibinaba ni Lucille ang hawak niyang kutsara at mahinahong nagpunas ng table napkin sa gilid ng kanyang labi.
“Kailangan natin ng caretaker, hon. Kung walang tao doon, baka hindi pumayag ang may-ari na tuluyang ibenta sa atin ang isla. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa kanila ang lugar na iyon at mahal ko rin ang islang ’yon. Ayokong magbago ang isip nila at bawiin ang isla dahil lang walang nakatira.Wala pa tayong mahanap na pwedeng ipapadala doon na lalaki, ”
Hindi kumibo si Don Armando pero tumingin siya sa direksyon ni Jasmine. Agad namang yumuko ang dalaga. Wala man siyang alam tungkol sa isla, pero malinaw sa kanya na siya ang gustong ipadala roon. Ni hindi nga niya alam kung nasaan o ano ang itsura ng lugar.Ilang segundo ang lumipas bago nagsalita ulit si Don Armando.
“Buweno, hija, maghanda ka ng gamit mo.Pansamantala ikaw muna ang ipapadala namin. Mamayang gabi ipapahatid kita sa isla. Huwag kang mag-alala, ang gagawin mo lang naman doon ay bantayan at panatilihing malinis ang lugar. Weekly ang dating ng supply kaya hindi mo kailangan mag-alala sa mga gagamitin mo”.
Napatingin si Jasmine sa gulat, at pati si Aling Gloria ay napatigil sa pag-aabot ng baso sa mag-asawa.Bago tumingin kay Jasmine.
“Mawalang galang na ho, Don Armando at Madam Lucille,” sabat ni Aling Gloria. “Hindi ho ba delikado ang isla para kay Jasmine, lalo pa’t babae siya at mag-isa lang doon?”
“Ah, don’t worry, Gloria. Safe ang isla at private island ’yon. Walang makakapasok na kahit sino. So, ano, Jasmine? Pumapayag ka ba?” tanong ni Madam Lucille, sabay taas ng kilay habang hinihintay ang sagot ng dalaga.Hindi mawari ni Jasmine kung tunay bang mabait itong si Madam Lucille dahil sa awra nito.Hindi siya makasagot sa tanong nito.
“Dagdagan ko ang sahod mo at ako na rin ang bahala sa pampagamot ng nanay mo sa probinsya.” sabi ni Madam Lucille na tila ba ayaw siyang bigyan ng pagkakataon nitong tumanggi.
Kaya heto, gabing-gabi na nang bumiyahe si Jasmine. Tahimik siyang nakaupo sa likod ng itim na SUV habang binabaybay nila ang daan patungong private airstrip ng mga Cordova. Wala ring imik si Mang Kiko, na seryosong nagmamaneho sa dilim ng gabi.
Pagkarating nila sa isang mataas na rooftop ng isang matayog na building agad siyang inihatid ni Mang Kiko kasama ang tatlong lalaking naka-itim. Sa gitna nito, naroon ang isang puting private chopper na may nakapintang Cordova Estate sa gilid. Ang mga propeller ay tila naghihintay na lamang ng hudyat upang umarangkada.Hindi nga niya mabilang kanina kung ilang beses sila sumakay ni Mang Kiko sa elevator bago makarating dito sa rooftop.
Lumapit si Jasmine, hawak ang bag na para bang mas mabigat kaysa sa dati—dala ng kaba, lungkot, at bigat ng desisyong hindi niya lubos na nauunawaan. Sinalubong siya ng isang piloto.
“Good evening, Miss Jasmine. Please, this way,” ani ng piloto habang tinuturo ang hagdang bakal paakyat sa helicopter.
Nahihiyang sumunod si Jasmine at kumaway kay Mang Kiko, na tahimik ding gumanti ng kaway bago siya iniwan.
Naupo siya sa tabi ng bintana, marahang inilapag ang bag sa kanyang paanan. Sa labas, kita niya ang paggalaw ng ilang crew sa helipad. Ilang sandali pa’y umangat na ang chopper. Pumikit siya, saka taimtim na nanalangin para sa gabay ng Poong Maykapal.Bago ito sa kanya at nahihiya naman siyang sabihin sa mga katabi niya na natatakot siya.
Habang palayo sila sa siyudad, dumungaw si Jasmine sa bintana. Unti-unting lumiit ang mga ilaw sa ibaba, kasabay ng paglobo ng damdaming hindi niya maipaliwanag—halo ng kaba, takot, at pag-asa.
“Isla Del Cielo,” mahina niyang bulong sa sarili. “Ano kaya ang naghihintay sa akin doon?”
Hindi pa man lumilipas ang isang oras ay naramdaman na niyang bumababa ang chopper. Nang tuluyang tumigil ito, bumaba siya at sinalubong agad ng malamig na hangin na may halimuyak ng dagat.Sukbit pa rin ang lumang bag sa balikat.
Iginiya siya ng isa sa mga kasamang lalaki papunta sa isang mataas na bakal na gate, sa dulo ng sementadong daan. Wala siyang makita na bahay mula sa labas, maliban sa bahagyang ilaw na sumisinag mula sa loob.
“Miss Jasmine, ito po ang susi ng villa. Pagkapasok ninyo, huwag kalimutang i-lock ang gate. Mag-iingat po kayo rito,” paalala ng lalaking matangkad, sabay abot ng susi.
“Salamat,” tanging nasabi niya, habang pinagmamasdan ang pag alis ulit ng helicopter. Madilim ang paligid, maliban sa mga ilaw na nagmumula sa loob ng villa. Sa di kalayuan, dinig niya ang pagaspas ng alon sa dalampasigan.
Naramdaman niyang giniginaw siya kaya agad niyang binuksan ang gate, isinara ito, at marahang lumakad papasok sa loob ng mahabang daan patungo sa papuntang villa kung tawagin ng lalaki kanina.
Tahimik. Malamig. At sa kabila ng dilim, ramdam niyang puno ng karangyaan ang lugar.
Ngunit bago pa siya tuluyang makapasok, isang kamay mula sa dilim ang biglang humila sa kanya—isang mahigpit, malamig, at biglaang hawak na nagpahinto sa kanyang paghinga.
“A-Ano 'to?!” halos mapasigaw siya sa gulat ng isang matangkad na bulto ang nakita niya.
-Itutuloy...