Chapter 5
R-18+
MATURE CONTENT
READ AT YOUR OWN RISK❗
Third Person POV-
Naalimpungatang nagmulat ng mata si Jasmine nang gisingin siya ni Mang Kiko. Saka lamang niya naalalang nasa biyahe pala sila at nakatulugan niya ito. Bumaba na si Mang Kiko kaya't agad niyang isinukbit ang kanyang dalang bag sa balikat at sumunod sa lalaki.Agad na napansin niya ang mataas na gate at isang malaki at mataas na bahay na kita mula sa kanyang kinatatayuan.
Agad naman silang sinalubong ng isang may-edad na babaeng naka-uniporme sa gate at pinagbuksan sila. Magalang itong binati ni Mang Kiko.
"Halika sa loob, Jasmine. Naghihintay na si Madam sa iyo," aya sa kanya ng lalaki.
Tumango si Jasmine at nginitian ang naka-unipormeng babae bago ito nilagpasan. Pagkapasok niya sa malawak na sala, agad na yumakap sa kanyang balat ang malamig na hangin—hula niya ay mula iyon sa aircon. Wala silang ganoon sa kanila, kaya't hindi niya napigilang mamangha sa karangyaan ng mansyon ng mga Cordova.
Kumikinang sa linis at ganda ang buong bahay. Pati sahig ay tila ayaw niyang apakan dahil sa kintab ng mga tiles. Sobrang bango rin sa loob. Ang sala ay halos kasing laki ng basketball court sa barangay nila. Kung ilalagay ang buong bahay nila sa loob nito, hindi pa aabutin ng kalahati.Parang kay lambot ng magarang kutson ng mahahabang upuan at kakaiba ang mga disenyo sa ding-ding.
“Madam Lucille, nandito na ho ang bagong kasambahay,” anunsyo ni Mang Kiko.
Mula sa itaas, narinig ni Jasmine ang yabag ng takong pababa ng hagdan. Napatingin siya sa pinanggagalingan ng tunog at doon niya nasilayan si Madam Lucille—isang kagalang-galang at sopistikadang babae, ang may-ari ng Hacienda Cordova sa Albay. Agad yumuko si Jasmine bilang paggalang at magalang na bumati.Nahiya siyang bigla sa nakitang awra nito na kahit nasa bahay lamang ay kumikinang pa rin ang kasuotan sa karangyaan.
“Magandang hapon po, Madam Lucille.”
Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago ibinaling ang tingin sa kanyang mukha.
"Ikaw na ba ang anak ni Pacita?" walang emosyon ang mukha na tanong nito sa kanya.
“Oho, Madam Lucille.”
Hindi na ito muling nagsalita, ngunit mariin siyang tinitigan.
Ilang saglit pa ay pumasok naman ang isang matangkad na lalaki, may edad na rin, na kilalang-kilala rin ni Jasmine walang iba kundi si Don Armando Cordova. Nakasuot ito ng Tshirt na green at short na itim saka white na rubber shoes at kasunod ang kanyang assistant at driver na may bitbit na mga gamit.
"Oh honey, nandito ka na pala. Nandito na ang anak ni Pacita," Anunsyo ni Lucille sa asawa.
Saka lamang nito napansin si Jasmine na nakatayo sa tabi ni Mang Kiko.
"Magandang hapon po, Don Armando," magalang na bati ni Jasmine.
Saglit na tumitig sa kanya ang lalaki bago ito ngumiti.
"Parang kailan lang ay musmos ka pa na naglalaro sa hacienda namin. Nasabi na ni Nelia ang tungkol sa kalagayan ninyo, kaya ka narito. Huwag kang mag-alala, ineng. Nakapagpadala na ako ng pera kay Nelia para ipaabot sa iyong ina—pambili ng gamot at iba pang kailangan ninyo."
Lubos ang tuwa ni Jasmine sa narinig, kaya’t buong pusong nagpasalamat siya sa kanyang bagong amo.Hindi niya akalain na hindi pa nga siya nagtatrabaho ay nauna na magpadala ang mga ito.
"Maraming salamat po, Don Armando. Kahit hindi niyo na po ako suwelduhan, basta’t matiyak kong nasa maayos na kalagayan sina Inay, ayos lang po ako."
Marahang tumawa si Don Armando at lumapit sa kanyang asawa, saka ito umakbay.
"Pagpahingahin na muna natin si Jasmine, Hon. Tiyak na pagod pa iyan sa biyahe. Saka na natin siya kausapin tungkol sa mga dapat niyang maging trabaho habang nandito siya sa bahay."
Tumango si Madam Lucille.
"Samahan mo muna siya, Kiko, sa maids' quarters para makapagpahinga."
“Sige ho, Ma’am.”
Tahimik na sinundan ni Jasmine si Mang Kiko palabas ng sala, tinahak nila ang isang mahabang pasilyo sa gilid ng mansyon patungo sa maids' quarters. Sa bawat hakbang, dama niya ang kaba at pagkailang. Hindi niya alam kung anong klase ng mga kasamahan ang sasalubong sa kanya.Sana kagaya ng amo nila mababait din ito para hindi siya mahirapan makisama lalo na sa kanyang ugaling mahiyain.
Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang simpleng kwarto na may tatlong double-deck na kama, mga aparador, at isang hindi naman kalakihang bentilador na nakasabit sa dingding. Ngunit ang agad na nakakuha ng atensyon ni Jasmine ay ang tatlong babaeng nakaupo sa gilid ng kama—halatang mga kasambahay rin dahil sa mga unipormeng suot nito.
Lumingon ang mga ito nang makita siyang pumasok.
"Mga iha, ito na si Jasmine, ang bagong kasambahay. Galing siya sa probinsya ng albay, Anak siya ni Pacita na dati rin katulong sa mansyon," pakilala ni Mang Kiko." Sige kayo na lang muna magsabi kay Jasmine ng mga iba pang kailangan niyang gawin, at iiwan ko na muna kayo".
" Maraming Salamat po Mang Kiko" ani Jasmine
Hindi pa man siya tuluyang nakapasok ay naramdaman na niyang tila sinusukat siya ng mga tingin ng mga babae sa loob.Mahinang sinara niya ang pintuan saka pumasok.
"Ah... ikaw pala 'yon," maiksing bati ng isang babae na medyo mataray ang tingin. "Ako nga pala si Leny. Diyan ka sa itaas ng kama ko. Baka bagsakan kita kung sa ibaba ka matulog," sabay turo sa bunk bed.
"Salamat po," mahinang sagot ni Jasmine, pilit na ngumiti.Saka niya inilagay ang kanyang bag sa ibabaw ng kama nito.
Hindi naman siya binati ng iba at nagsimula nang magbulungan ang tatlong babae.
"Tamang-tama naghahanap si Madam ng magiging Care taker sa Isla Del Cielo" bulong ni Leny sa dalawa.
"Oo nga," sagot naman ng isa." Ayaw ko malayo sa bebe ko no, kaya makikiusap talaga ako kay Madam na huwag ako ipadala doon"
Hindi man alam ni Jasmine kung ano ang pinag-uusapan ng tatlong kasama niya, hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-aalinlangan. Pakiramdam niya'y may bumabalot na tensyon sa hangin, kaya pinili na lamang niyang huwag pansinin ang mga ito at tahimik na umakyat sa kanyang bunk bed.Ayaw niya maging negatibo dahil may pangarap siya para sa kanyang ina at mga kapatid na naiwan sa Bicol.
Maingat niyang inayos ang kanyang mga gamit sa gilid ng higaan. Mabuti na lang at may foam, kumot, at unan na, dahil sa totoo lang, nahihiya siya na ilabas pa ang kupas at manipis na malong na matagal na niyang ginagamit bilang kumot.
“Magpahinga ka na muna, Jasmine. Sigurado ako, bukas madaming ipag-uutos sa ’yo si Madam,” wika ni Leny.
Hindi niya tiyak kung mabait ba ito o sadyang ganoon lang ang tono ng boses nito—may kasamang taray at awtoridad. Kaya’t tumango na lang si Jasmine at pinilit ngumiti bilang tugon.Ngumiti rin siya sa iba ngunit nakatingin lang ang mga ito sa kanya,kaya iniwas na lamang niya ang tingin sa mga bagong kasama.
Mamaya na lamang siya bababa para maghilamos at magsepilyo. Matutulog na muna siya. Sa totoo lang, pagod na pagod na rin ang kanyang katawan dahil sa magdamagang biyahe niya kagabi at medyo nakakaramdam nga din siya ng gutom kaya inabot niya ang binili niyang mineral water sa bulsa nang kanyang bag at ininom ito.
Habang nakahiga at pinipikit ang mga mata, biglang sumagi sa isip ni Jasmine ang Isla del Cielo—isang lugar na nabanggit kanina nina Leny sa bulungan. Hindi man niya narinig nang buo ang pinag-uusapan, nakuha niya ang tono ng pagtutol ng mga ito na mapunta roon.
"Bakit kaya ayaw nila sa lugar na ’yon?" tanong niya sa sarili.
"Baka malungkot... o baka malayo."
Iyon lang ang naiisip niyang dahilan, saka bakit naman nila aayawan ang isang trabaho kung sasahod naman sila.Nakatitig lamang siya sa kisame habang unti-unting tinatangay ng antok ang kanyang diwa.Ngunit bago siya tuluyang makatulog taimtim muna siyang nanalangin.
-Itutuloy...