Chapter 21 R-18+ MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK❗ Third- Person POV- Padilim na nang makarating si Lucas sa pier matapos niyang ihatid ang kapatid sa airport. Alam niyang pinagduduhan siya nito tungkol kay Jasmine kaya napapailing na lang siya. Naisip niya tuloy ang babae, ni hindi pala nito alam na umalis siya kanina ng tanghali. Sinadya niya talagang huwag magpaalam, para makapunta sa kanyang mga magulang para lang ipakita ang presensya niya. Kilala niya kasi ang mommy niya; baka mamaya gumawa na naman ito ng eksena at madamay na naman silang magkakapatid. Sumakay siya sa sarili niyang yate at pinaandar ito nang mabilis papunta sa kalagitnaan ng dagat. Mahigit-kumulang 40–50 minutes pa ang byahe bago siya makarating sa private island. Hindi rin kasi kalayuan mula sa Metro Mani

