End of Season 1 Stand Alone MPREG May mga mahihiling pa ba ako? Halos wala na? Tila binigyan ako ng panibagong pagkakataon na maranasan ang ibigin ng taong mahal ko rin. Na mabigyan ako ng pagkakataon na makabuo ng pamilya kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko naranasan magkaroon ng isang buong pamilya, dahil naulila ako ng maaga at hindi ko man lang nakilala ang mga magulang ko. Isa sa mga pangamba ko noon bilang isang binabae, ay ang pakikipagrelasyon sa isang lalaki, at hindi ko ito mabigyan ng kaukulang pangangailangan tulad ng pagbibigay ng supling. Ngunit tila isang himala nga naman na magkaroon ako ng kakayahan na magdalang tao. Pinaghalong kaba at saya ang nadarama ko. Alam ko na maraming mangmamata sa amin, sa relasyon at sa pamilyang hindi normal sa mata ng lipunan.

