bc

Juntis (MPREG)

book_age18+
1.1K
FOLLOW
5.9K
READ
others
drama
twisted
sweet
LGBT+ Writing Contest
mystery
like
intro-logo
Blurb

Stand Alone:

Blooded Universe...

Buntis si Junjun- ang kaliwa at kanan na mga bulungan sa iskwater. Hindi pangakaraniwang kaso kung saan ang lalaki ay nagdadalang tao. Paano nangyari ang lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Alisto kong kinuha ang isang palanggana upang ilagay sa sahig kung saan may tumutulong tubig mula sa butas-butas na bubong. Nasa isang barong barong lang ako kung saan isang medyo malakas na ihip lang ng hangin ay pwede ng mawasak ang tinutuluyan ko. Sa ganito umiikot ang aking buhay, mahirap at kung minsan ay napag tatanto ko na para akong nag lalakad sa isang madilim na kalye, walang kahit na anong tanglaw maliban sa malamlam na liwanag ng buwan. Walang kinalakihang mga magulang at nabuhay ng mag-isa sa lansangan, natutong mag-aral ng mag-isa kahit iniinda ang gutom.Ngayon na ako ay nasa edad na labing walo at nag-aaral ng senior high school. Kahit na kapus-palad at mahirap, nakakuha ako ng full time scholarship sa isang pribadong All Boys School. Hindi lingid sa akin ang katotohanang hindi ako isang tunay na lalaki, mula sa aking kilos at sa aking pananalita. Nakakaramdam ako ng atraksyon sa kapwa ko lalaki, pero gayon pa man ay hindi na ako umaasa pa na darating ang panahon na may tatanggap pa sa akin. Kung sa sarili ko nga ay wala akong maipakain. Mabuti at may mag-asawang tumulong sa akin at bilang ganti, nagtatrabaho ako sa kanila sa isang karinderya.Kaya naman kahit papaano ay nairaraos ko ang sarili ko na may laman ang sikmura. "Mahuhuli na pala ako," sabi ko sa aking sarili nang makita ko ang oras sa wall clock na nakasabit sa kahoy na dingding. Mabilis kong isinuot ang dark blaze na uniform at black pants ko. Kinuha ko ang aking I.D at bag na nasa aking kama na halos hindi mo na maitsuran sa sobrang luma dahil mula pa ito sa namayapang anak ng mag-asawang Gokongwei na parehong boss ko. Kumuha ako ng karton mula sa sulok atsaka ako tumingin sa salamin. Patpatin ang aking katawan at sa tangkad ko ay madalas pagkamalan na minor de edad pa ako, may mahaba akong bangs na tinatakpan ang aking kulay abong mga mata na sinasabi nilang ito ang pinaka asset ko sa aking sarili. Mabilis kong ipinwesto ang karton sa ulo ko at sinalubong ang ulan. Nasa ganoong paglalakad ako nang makita ko ang isang lalaking nagpapabilis ng t***k ng aking puso. "Kuya Marc!" sigaw kong pagtawag sa isang lalaki. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Siya si Kuya Marc, ang kuya-kuyahan ko na kapatid ng aking bestfriend. Lumapit ako sa kanya na nakangiti dahil kapag nakikita ko ang kanyang mukha ay kusa akong napapangiti. "O, Junjun, tara sakay ka na sa kotse ko, sabay na kayo nitong si Walter," anyaya niya sa akin. Hindi ko maiwasan ang mag-init ng mukha dahil sa kanyang sinabi. Idagdag mo pa ang kanyang nakakalusaw na ngiti at ang kanyang taglay na kakisigan! Sino kaya ang hindi panghihinaan ng tuhod kung ganitong nilalang ang nasa harap mo? "Sige po, salamat po!" medyo nauutal kong sagot sa kanya at pumasok na sa kanyang sasakyan. Pagpasok ko sa back seat ay agad akong hinampas ng kaibigan kong si Walter, binabae rin siya pero mas magaslaw siyang kumilos kaysa sa akin, laking mayaman ito at nagkakilala lamang kami sa isang club sa Centre Pisces High, all boys school. "Basang basa ka! " reklamo nito sa akin. Napayuko ako. "Pasensya na, nababasa ka ba? Nangangamoy ba ako, sige ayos lang naman na sa labas…" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang pigilan niya ako. Iniharap niya ang kanyang kanang kamay sa aking harapan, "Hep! Hindi ano, mabango ka kaya, ang akin lang, kung sana pumayag ka na maski payong lang ay bilhan kita, sana hindi ka basa besty! Alam mo naman na mahirap magkasakit ngayon, eh!" sabi niya sa akin. Napangiti naman ako sa kabaitan ng kabigan ko. Ang swerte ko rin talaga na may kaibigan akong katulad niya. "Huwag na, Besty. Sanay na ako." Sabi ko na lang sa kanya. Napailing siya dahil sa aking sinabi, "Parang iyong feelings mo sa kuya ko?" pabulong niyang tudyo atsaka ako sinundot sa aking tagiliran kung saan ako may kiliti. Sinimangotan ko siya, "Huwag kang maingay!Baka marinig ka ng kuya mo! Ano pa ang isipin niya sa akin, eh!" bulong ko naman sa kanya at pagkatapos ay napatingin ako kay Kuya Marc na abalang nagda-drive. Inilabas naman niya ang kanyang latest model na kanyang cellphone. "Heto naman ang crush ko!" sabay pakita niya ng isang larawan. Hinawi ko muna ang aking bangs atsaka tiningnan ito. Nakaupo ito sa isang stool, bukas ang dalawang butones ng itim nitong polo, may hawak na baso na nakadikit sa pulang labi, may mapang-akit na kulay tsokolateng mata at talagang pang modelo ang mukha at tindig. Hindi ako nagkakamali, ang notorious na gang leader sa Centre Pisces, si King Rionne Kilbarchan. Ilang minuto pa kami nagbyahe nang tuluyan kaming makarating dito sa aming paaralan. "Nandito na tayo. Huwag kayong papabasa sa ulan, ah! Kapag nagkaroon ng emergency, tumawag lang kayo sa akin," sabi ni Kuya Marc sa amin. Siniko naman ako ng mahina ni Walter, "Sumagot ka!" may diing bulong niya sa akin. "Ah, opo, kuya Marc!" nauutal kong sagot kay Kuya Marc. Ngumiti si Kuya Marc sa akin. Inabot naman ng kuya Marc ang aking ulo atsaka marahan hinaplos ang aking buhok at hindi lingid sa katabi ko na halos magtalunan ang mga bituka ko sa loob ng aking tiyan. "Good, keep safe Walter! " atsaka bumaling ang mga mata ni kuya Marc sa'kin. "Junjun!" atsaka na kami nagpaalam at bumaba na sa sasakyan. Hanggang sa makaalis ang sasakyan ng kuya ni Walter ay nakabuntot pa rin ang mata ko sa gate ng school. Mapang-asar namang tumawa itong si besty, "Patay na patay ka talaga sa kuya ko ano?" tanong niya sa akin atsaka ako sinundot na naman sa tagiliran, ugali niya talaga iyan, mapanakit,sadista, pero mabait! "Paghanga lang naman Walter. Huwag mo akong Isusumbong,ha!" sagot ko sa kanya pero parang may kakaiba sa kanyang pagngisi. Sumilay ang hindi katiwa-tiwalang ngiti sa labi niya."Naka record na nga rito, eh!" sabi niya sa akin sabay pakita ng kanyang cellphone na nasa recorder at pinindot niya ang play button. 'Patay na patay ka talaga sa kuya ko ano?’ ‘Paghanga lang naman Walter. Huwag mo akong Isusumbong, ha!' Halos umakyat patungong sentido ko ang lahat ng dugo sa aking katawan nang marinig at makita ko ang recorder. Sumimangot ako sa kanya at sinubukang kunin ang kanyang cellphone pero mabilis niya itong inilayo sa akin. "Burahin mo iyan, Walter!" utos ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng pagtawa. "Nope never. Mala-late na tayo. See yah!" atsaka na siya umalis para pumasok sa block section niya, iba kasi ang mga section ng mga scholars. Kasama kasi ako sa kung tawagin nila ay ‘Special Science Section’. Hindi man ako gaanong nabiyayaan na mag construct ng isang malinis na English sentence ay bumabawi naman ako sa mga asignatura tulad ng Math at Science. Dahil nga late na ako ay tinakbo ko na ang papunta sa building namin. Hingal na hingal akong nakarating sa block section namin kaya naman matalim akong tinitigan ng teacher namin. "You are late!” sabi ng teacher namin habang nakatingin sa kanyang relo. “Exactly two minutes and thirty seconds. Go to the principal office later!" matigas niyang sambit sa akin na kinagulat ko. "But sir…" hindi ko natuloy ang aking sasabihin nang magsalita siya ulit. “No buts, Mr!” matalim akong tinitignan ng guro. "Do I make my self clear?" "Yes, sir," mahina at nakayuko kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako. Ngayon lang naman ako na late, eh. Nakakainis naman. Atsaka, hindi naman basta basta nagpapadala ng estudyante si Sir Edone sa Principal office. Matapos kong masagutan ang mga derivatives ay iniayos ko na ang aking mga gamit. Tips para maging tipid sa papel. Every notebook, lagyan niyo lang ng isang piraso sa pad paper para walang humingi. Share ko lang. Nang matapos ang aming klase, tinawag ako ng aming guro, "Follow me Mr. Hermana!" utos niya sa akin na kinayuko ko. Sinundan koang aming guro patungo sa magarbong silid na pinalamutian ng chandelier sa ibabaw, mamahaling mga furnitures at nasa loob nga ang lalaking principal namin, si Sir Pisces. May lalaking nakaupo naman sa harap ng table ni Sir. Mukhang mayaman ito base na rin sa aking obserbasyon. "Heto na po si Mr. Hermana Mr. P." sabi ng aming guro na pinagtaka ko. "Thank you Sir. Edone. You may leave." pasasalamat niya kay Mr. Edone atsaka ngumiti ang matanda na halos puti na ang lahat ng buhok. “ Please come closer, Mr. Hermana,“ utos niya sa akin na agad ko namang ginawa. "This is my visitor, Mr. Hermana, this is Mr. Kilbarchan." pakilala niya sa lalaking nakaupo sa kanyang harapan. Nanlaki naman ang mata ko,"Kilbarchan po?" pang-uulit ko. Ngumiti ang matanda at tumayo upang makipag kamay sa akin, may kulay abo rin siyang mata at may kakaibang ngiti sa labi. "I am the father of King Rionne, and I want you to do a favor with me," sabi ng lalaking nasa harapan ng aming principal. Kung ganoon, hindi sa pagiging late ko ang dahilan kung bakit ako pinadala dito ni Mr. Edorne kundi dahil sa lalaking ito! Bigla akong napakamot at namula ang aking pisngi, "Ano pong klaseng pabor?" nauutal kong tanong sa kanya. Napailing si Ginoong Kilbarchan. "You see, my son is very inactive and rarely learn on his Math and science subject. I do heard that you are good at these. I need your help." nagulat siya sa akin dahil sa kanyang sinabi. A-Ano?! Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Parang nagpatiwakal na rin ako kung gagawin ko iyon. Kilalang notorious na bully at talagang nang bubugbog sa tuwing may napagtripan. Nakakatakot kaya. "Bakit po ako? Marami naman pong iba diyan, eh." tanong ko sa kanya dahil sa pagkakakilala ko sa anak niya, hindi ako papayag na magkaroon kami ng contact na dalawa. "Bakit hindi ikaw,iho?" tanong naman na pabalik ng Principal. ‘Kasimahal ko pa po kasi ang buhay ko!’ sabi ko sa aking sarili. "Please do this favor on me. I am willing to give you a monthly allowance and a full time scholarship for your College." parang malalaglag ang aking mata dahil sa kanyang sinabi. "Talaga ho?" nauutal kong pagkumpirma kung ano ang sinabi niya. Ngumiti siya sa akin, "Yes. I am giving you until tomorrow for your decision Mr. Hermana." sagot niya sa tanong ko. "You may leave, Mr. Hermana. Thank you for your time!" sabi ni Principal sa akin. "Wala pong anuman Mr. P, Sir. Kilbarchan," sabi ko bago ako tumalikod sa kanila at lumabas ng Principal’s Office. Naglakad ako papunta sa aming classroom at nang makarating ako ay humingi ako ng pasensya sa aming guro at umupo na sa aking upuan. HIndi ako nakapag-concentrate sa klase dahil sa naging pag-uusap namin kanina. Hindi ko alam kung bakit ako pa ang kukunin nila kung marami pa namang iba diyan! Pagpatak naman ng recess ay pinuntahan agad ako ni Walter at nakihati na lang ako sa kanyang baon na lasangna. Ang sarap talaga ng luto ng kuya niyang chef, si kuya Marc. "So, anong nangyari. Napatawag ka raw sa Principal Office?" pangi-isyoso nito. "Ang bilis namang kumalat ng balita!" napanguso ako bago sumubo ng isang kutsara ng pagkain. Ang sarap! Napangisi naman siya. "Nagtaka ka pa? Mas higit na chismoso ang mga lalake kaysa sa mga babae. Trust me." Nagkibit balikat naman ako. "Sabagay," sabay inom ko ng tubig na nasa tumbler ko. "Tungkol sa pagpapatawag sa akin sa office. Nakausap ko ang tatay ni King Rionne. Gusto raw akong maging tutor ng anak niya kapalit ng Monthly allowace atsaka full year scholarship sa college." sagot ko sa kanyang tanong. Halos panawan naman ng ulirat ang bakla. "What?! Magiging tutor ka ni King Rionne!?" hindi makapaniwalang sigaw na tanong ni Walter dahilanpara mapabaling sa amin ang atensyon ng lahat ng mga estudyante rito sa cafeteria. "Ang ingay mo Walter!" pagsuway ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nag peace sign, "Sorry!" "Burahin mo muna iyong voice record ko sa phone mo bago ko tanggapin ang ‘sorry’ mo!" utos ko sa kanya. "Binura ko na. Promise!" sagot niya na nakataas pa ang kanang kamay pero hindi pa rin ako naniniwala. "Patingin." Iniabot naman niya ang cellphone niya. Wala na nga pero may nagpop out na message mula sa messanger. Si kuya Marc! 'Legit ba iyang voice record na iyan?' may smile emoticon pa. Para akong nabuhusan ng isang timbang malamig na tubig sa nabasa ko!Binura nga niya ang recorder pero nai-send na niya ang recorder sa kuya niya! " Oh my- Walter?!" sigaw ko sa kanya nang mabasa ko ang message ng kanyang kuya sa kanya. Napangisi naman siya ng nakakaloko, "Bagay talaga kasi kayo ni kuya, eh kaya Mina-match make ko lang kayo!" sabi niya sa akin sabay cross arms niya. "Pero ang swerte mo. Palagi mong makakasama ang crush ko!" dagdag pa niya. Napahinga ako ng malalim,"Baka nga hindi ko tanggapin ang offer,eh.” sabi ko sa kanya. "Bakit naman?" nagtataka niyang tanong sa akin. “Baka kasi, maging impyerno ang buhay ko." sagot ko sa kanya. “ Hindi naman siguro, Besty! Para din naman sa iyo iyon, eh! Isipin mo, ha, may monthly allowance ka at may full scholarship ka pa! Saan ka pa makakakita ng ganoong offer, hindi ba?” sabi naman niya sa akin. Napabuntong hininga ako, “ Pag-iisipan ko, Besty kasi kilala naman natin si King, hindi ba?” “Pag-isipan mo ng mabuti! Malaking tulong iyan sa iyo, Besty!” Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos kami ay bumalik na rin kaming dalawa sa kanya-kanya naming klase.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
169.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

NINONG II

read
618.2K
bc

NINONG III

read
362.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook