Chapter 2

1666 Words
Chapter 2 Juno Juseo 'Junjun' Hermana "May punto ka naman besty. Pinangingilagan naman talaga ang ultimate bias ko na iyon kasi nga 'gang leader', 'tripper', at 'basag ulo' ang gwapong pafa na iyon. Pero iba e, palay na ang lumalapit sa manok besty, hindi mo pa ba tutukain. Kung ako ang may utak na tulad niyan-" sabay turo sa sentido ko. "-alam ng langit kung anong glorya ang gagawin ko!" sabi niya sa akin. Natawa ako ng bahagya dahil sa sinabi niya, "Sira! Matapos ng langit mo, sa impyerno naman ang bagsak mo dahil sa ugali ng lalaking iyon. Baka nga wala pang nangyayari ay sinusunog ka na niya!" biro ko pa na ikinasimangot nito. "At isa pa, hindi si King ang humingi ng pabor sa akin kundi angtatay niya. Malay ko ba kung anong klaseng delubyo ang hatid ng pagpayag ko kung sakali, Walter." dagdag ko pa sa kanya. Hindi lingid sa amin na may ugaling ' homophobic ' itong si King. Maliban sa mainitin ang ulo at kilalang babaero ay mahilig din daw itong mang bugbog ng mga ka pederasyon. Kaya ilag ang mga ito sa hari ng mga gang leader dito sa Centre Pisces High School. "Napaka judgemental naman no'n, Besty!" reklamo nito sabay irap niya sa akin. Nagkibit balikat naman ako, "Hindi masamang kinakitaan na ang mga mangyayari para makaiwas. Hindi iyong alam mo ng mainit ang mantikan, ipang liligo mo pa." Ngumiwi naman ito at maarteng tumili, "Gosh Junjun. That's gross!" sabi niya sa akin na para bang nandidiri. "Touchè!" "Sumbong kita sa kuya ko, sige ka!" pagbabanta niya. Nanlaki naman ang mata ko, "Foul 'yan!" sabi ko sa kanya. Napabungisngis naman ito. "Ewan ko sa'yo, Besty. Si kuya na nga ang kusang loob na nag-offer sa iyo na sa bahay ka na namin tumira kasi alam naman natin na mas matibay pa ang tuhod ng lolo ko sa bahay niyo, ayaw mo pa. Kaming dalawa lang naman ni kuya ang nasa bahay,eh. Si Ate Elisabeth, nakatira sa Paris kasama ang gwapo niyang asawa, si Mama, Papa at ang mga granny ko ay nasa Canada na. Sige na kasi, mag-alsa balutan ka na at gumora sa house namin!" sa maka ilang daang beses na sinabi na nito ang ganitong paksa, ay hindi ko maiwasan na isipin. Bakit nga ba hindi? Kaso napamahal na rin sa akin ang maliit na barong barong ko. Isa pa, kung titira ako sa bahay nila walter at Kuya Marc, syempre mai-spoiled lang ako roon. Ayaw ko naman ng ganoon. Hindi sa ayaw ko ng maluwag at masaganang buhay, sino ba ang hindi, hindi ba? Ang akin lang, gusto ko pa rin na lahat ng kinakain ko ay galing sa mismong pinaghirapan ko. Tumingin ako sa kanya, "Ayos na ako roon. Ano ka ba? Eh, halos tatlong beses naman sa isang linggo ako kung makitulog sa inyo." sabi ko. "Hindi iyang sapat na rason, Besty! Kita mo iyan, ang lakas lakas ng ulan sa labas,eh!" sabay baling namin sa glass window ng Cafeteria. "I am just concerned besty, please!" pakiusap nito sabay puppy eyes. "Ayaw." sabay makulit kong tawa. "Salamat sa concern pero ayos lang naman ako. Sa halos labing walong taon kong paninirahan doon. Sanay na at immune na ako. " Inis naman siyang napa 'hiss', "Nakakainis ka!" Kumagat naman ako sa fries na binili nito. "Alam ko 'yang galawan mo. Magpapaka kupido ka na naman. Kami na naman ng Kuya mo ang pagti-trip-an mo." sabi ko sa kanya. Demonyong ngisi naman ang isinukli nito. Kung tutuusin ay may itsura naman talaga itong si Walter. Marami ng nagkamaling mga babae ng dahil sa kanya. Marami rami at saksi ako sa mga pusong nawasak ng binabae kong kaibigan. Kaya nga minsa ay sinusumpa ni Walter ang mukha niya, bakit hindi raw ito naging kahit slight feminine daw, tulad ng mukha ko. Napakibit balikat naman ako. Aaminin kong wala akong masyadong panga, makinis naman ang mukha ko at may kaputian din, at isa pa, kaya lang naman walang nakakakita sa mukha ko ay dahil na rin sa mahabang bangs ko. Talagang umuurong talaga ang lakas ng loob ko kasi super introvert ako. "Super qualified ka naman kasing maging bayaw ko, 'no. At alam mo naman na boto rin ang parents namin sa iyo. You know that my mother is a certified fujoshi s***h shipper! Kaya no, no, no! Kailangan kayong magkatuluyan ni kuya." pagpupumilit niya. Napahalakhak naman ako, "Ingay mo talaga Walter. Alam mo naman na wala sa isip ko iyang jowa jowa na iyan habang wala pa akong hawak na diploma at pinagtagumpayan na larangan." sabi ko sa kanya. Napasimangot siya, "Whatever. Basta sa bahay ka namin dapat matulog mamaya. Kapag tumanggi ka. Ipapa demolish ko iyang house and lot mo!" sabay asik niya. Mahina na lang akong tumawa, "Oo na nga po, eh!" "Mabuti pa at humayo na tayo. Ano bang next class mo?" tanong nito na ikina-alarma ko. "PE, naku malapit na akong mahuli at mayroon pa pala kaming swimming evaluation ngayon!" Napa ikot mata na lang siya. "O siya, layas na! Go." "Sige, kitakits na lang," sabi ko sa kanya at patakbo na akong pumunta sa susunod kong klase. Mabilis akong napatakbo mula sa mahabang corridor ay lumiko ako papunta sa pinakalikod ng gym kung saan may malawak na silid doon kung saan naroon ang kung tawagin namin ay gym locker. Mabilis akong pumunta sa set 24 sa number 236 at kinuha ang susi ng aking locker mula sa aking bag. Pero halos mapagitla ako ng may kung sino ang marahas na humawak sa aking braso at mapwersa akong itulak sa malamig na metal ng locker. "Are you the one who's making that gossip? Who the hell are you to think that I need a help of a f*****g nerd?! Akala mo ba bobo ako,ha?! Na kailangan ko ng tutor?!" sabay singhal niya sa akin. Kita sa gwapo at manipis ngunit mapulang labi ang galit niyang ekspresyon. "H-Ho?" nauutal kong tanong sa kanya. Hahabagin, si King ba ito? Katapusan ko na nga ba? "Are you deaf!?" malakas niyang tanong sa akin at sinundan pa niyang hinampas ang katabi kong locker at kita ko kung paano mayupi iyon dahilan upang manlambot ako. "Sorry ho.. S-Sorry. Bitawan niyo na po ako," natatakot kong pakiusap sa kanya. Alam kong wala ng mababakas na dugo o kulay man sa aking mukha dahil sa nangyayari ngayon. Idiniin niya ang pagkakahawak sa aking leeg, atsaka niya ako sinakal dahilan upang kapusin ako ng hininga. Ngumisi siya sa akin, "Sakto at bakla ka," atsaka siya tumawa." Pasensya na pero dito na magtatapos ang maliligaya mong sandali!"sabi niya sa akin na may mala demonyo siyang ngiti. Kusang tumulo ang luha sa aking mata at napabaling ang aking ulo dahilan upang mahawi ang buhok na tumatakip sa aking mga mata. Nagtagpo ang aming paningin at animo'y nanigas ito sa kanyang kinatatayuan. Mukha itong nabigla sa kung ano man na nakita nito. Kita ko rin kung paano gumalaw ang kanyang adam's apple. Nang maalis ang pagkakasakal niya sa akin ay doon ako dumaosdos sa pag-upo at habol hininga na yumuko habang umiiyak ng tahimik. "No fun!" bulong niya sa akin. "See you, tutor!" sabi lang niya sa akin at umalis na siya. Matapos niya akong iwan kasama ang ilan sa kanyang mga kasama na mukhang miyembro ng kanyang gang aysaka ako napatulala sa kawalan. Desidido na akong tanggihan ang offer ng Ama ni King. Mahal ko pa ang buhay ko. Hindi na ako pumasok sa aking mga sumunod na klase ngayong umaga, nagpaalam ako sa aking mga instructor na ako'y nasa clinic dahil sa pagsumpong ng hika ko, which is totoo naman. Matagal na akong may alagang pusa, nasa baga nga lang. Lunch ay pinuntahan ako ng nagkukumahog kong kaibigan. Tinanong niya ako kung ayos ba ako at kung ano ang nangyari. "Si King kasi-" atsaka ko isinalaysay ang mga nangyari. Tulala lang siya at napaiwas ng tingin. "Pasensya na besty, ha? Wala talaga akong magagawa tungkol diyan. Masyadong kinakatakutan si King. Hindi ako makaktagal sa kanya at wala akong lakas ng loob na makipag away ako sa kanya. " Napangiti naman ako atsaka ko ininom ang dala dala niyang mogu mogu, "Ayos lang iyon, ano ka ba! Alam naman natin kung anong kayang gawin ng gang niya, pasalamat na lamang ako at hindi niya ako dinala sa kanyang execution house, sa Damn Slaughter. " Damn Slaughter, pangalan pa lamang ay kinikilabutan na ako at tinatayuan na ng balahibo sa katawan. Doon nababalitaan na isinasagawa ang mga hazing o initiation para makasali sa grupo ng King. Ang tawag ay Dying crown, ang pangalan ng gang. Maliban doon, kung hindi ka miyembro ng Dying Crown at pumasok ka sa Damn House, asahan mong may nawala na sa katawan mo o kaya naman ay nawalan kana ng bait. They have the scariest tortuous master, mala demonyo raw ang kanyang mga alagad. "Mabuti na lang at hindi ka niya masyadong sinaktan,besty." nag-aalala niyang wika. "Mabuti nga Walter. Balak ko pang makapagtapos 'no. Ngayon pa ako magkakaproblema kung kailan malapit na akong magtapos sa Grade twelve." "Huwag naman sana. Bakit ba ganyan ang ugali ng crush ko. Ang sakit niya sa bangs. Nakakapanlaway ang pisikal niyang anyo. He is a piece of meat to die for! Pero hindi mo pa 'man nadidilaan, nagpira-piraso kana sa laman. Hays." sabay padabog niyang kinuha ang nasa isang basket ng Mansanas. "Dala 'to ni kuya. Hindi lang talaga makapasok kasi class hours pa kanina kaya pinahatid sa akin. Naku! Over protective sweet na naman ang Oppa mo Junjun." Napasimagot naman ako. "Junjun ka diyan!" "Para tunog angst. Kunwari barako pero macho naman ang hanap." Sabay sundot niya sa aking tagiliran. Awtomatikong namula ang mukha ko. "Baliw ka." "Mas baliw ka sa kuya ko." "Change topic." "Echusera. Tara na nga, nag text na ang Kuya ko. Uuwi na tayo. Wala ng pasok. May Medical chuchu ang mga Teachers, plus the weather." "Okie."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD