Chapter 3
Juno Juseo 'Junjun' Hermana
"Tara muna sa Mall. Bili muna tayo ng Shawarma bago tayo pumunta sa parking Lot," aya niya na ikina simangot ko naman.
Magmula kanina ay paranoid na talaga ako. Kung saan saan ako nakatingin na parang may nakamasid sa akin. Ano ba kasing nakain ng King na 'yon at ako ang pinagtripa-an? Bukas talaga ora-mismo ay aayawan ko na si Mr. Kilbarchan tungkol sa offer niya.
'Ikaw si Junjun, ako meron bisnis pupowsal fow yu.'
Ayaw ko. Tapos buhay pala ang kapalit sa kamay ng gwapo at pinagpalang si King, doon magtatapos ang bangungot sa isla ng mga pangarap ang buhay ko. Hindi pa ako handa at ayaw ko!
"Hoy, bakit parang matatae ka na diyan a? Anyare?" biglang tanong ni Walter upang manumbalik ako sa realidad.
"Walter, ikaw na lang. Gusto ko na talagang umuwi, at isa pa ay wala akong pambili. Parang awa mo na. Gusto ko ng magpahinga," sabi ko sa kanya.
Nagtataray nama akong tiningnan nito, "Ay, aping api ka? Hoy! If I know, gusto mo lang mauna sa parking lot para masubaybayan mo ang bawat makisig na pagkilos ng kuya ko. Galawan mo rin e ano? Ang sabihin mo, excited ka lang na makita si Kuya. Sus!" sabay hawi niya pa sa hangin na parang maliit na bagay lang ang sinabi niya.
"Nakakahiya..."
"Nakakahiya-" pabebe ang tono niya na parang sarkastiko.
"Hoy, lahat ng pabebe sa mundo, pinapatay na. Tigilan mo ako,Junjun!" okray nito atsaka niya ako hinila.
"Walter naman." napakagat na lamang ako sa labi.
"Samahan mo na ako. Nagpapabili rin ng foods si Kuya e. Para may malapa tayo sa bahay mamaya. Wala pa naman si manang.
"Oo na." pagsuko ko.
Nagsimula ng magsalita nang magsalita si Walter. Mula sa mga bagay na tungkol kay King at sa mga gusto at ayaw nito. Mga naging ex niya at kung ano ano pa tulad ng brand ng pangloob ng binatang gangster. Ako?
Aaminin ko na mayroon akong isang malupit na sikreto. Wala akong photographic memory, pero mayroon akong talento na sa tuwing may isang bagay akong nadirinig ay parang nare record na ito ng awtomatiko sa aking isip. It was like a photographic memory but it is more into music and listening skills.
"Avid fan ka talaga ni King ano,Walter? Hindi ka ba natatakot sa kanya?" wala sa sarili kong tanong habang nakasakay sa escalator.
"Kung mahal mo, bakit ka matatakot sa kanya? Hindi ba't dapat na mas matakot tayo na mawala sila?"
Napatawa ako ng wala sa oras sa banat nito, "Maisingit lang talaga ang kadramahan Walter. Tara daanan na natin muna ang Grocery Store." utos niya sa akin na sinunod ko naman.
Ang ginawa namin ay naghiwalay kami. Si Walter ang bahala sa mga de latang pagkain, mga junkfood, sweets at iba pa habang ako ang bahala sa meat at vegetable station.
Habang itinutulak ko ang aking lalagyanan ay narinig ko ang isang pamilyar na boses. Parang nanigas ang paa ko, salamat na lamang at umatras ako at nagtago sa shelf na puno ng mga naka karton na cereals.
"He have a pair of gray eyes," narinig ko na sabi nitong si King, his tone was mixture of amazement and frustration.
"So crush mo na siya pre?" nanga-asar na wika ng boses ng isang lalaki. He have that playful manly tone.
"I am not even a gay. And I don't like gays. Not that, I will be kind to him. I have a greater plan for this game Ridge," sagot naman ni King.
Magpapatuloy pa sana ako sa pakikinig ng may masagi akong isang box ng cereal nagpa-panic akong umalis at narinig ko pang may sinabi ang pangatlong boses.
"Game over..."
Para ko tuloy hinahabol ang aking paghinga ng dahil sa labis na pagtakbo pero mabuti na lang at nailigaw ko sila at napadpad na ako sa meat section. Tumingala muna ako at saka ko ikinuha ang mga karne, itlog at iba pang mga kailangan sa pagluluto ng isang putahe.
Pumunta na ako sa counter kung saan naroon si Walter na tila naiinip na naghihintay.
"Akala ko ay in-abduct ka na ng mga Alien na mahilig sa baka Junjun," asar na wika niya, napapalatak pa nga ito habang nakakunot ang kilay niya.
"Nakita ko si King," nauutal kong sambit sa kanya.
"Ano?! I mean... Totoo ba iyan? Legit. Saan'g banda?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
"Kanina, malapit sa may mga shelf ng cereal," bigla naman siyang tumakbo. Ako nga nilalayuan ko si King habang ito lapit nang lapit.
Wala pag ten minutes ay nakabalik na ito na animo'y lumilipad sa saya.
"Nakita ko ang Bachelor Three. Omo!" sabay gesture pa niya na parang Korean na kinikilig.
"Ha?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Mga leader ng pinakamalaking gang sa school natin. Si Ridge Syjuco, half Chinese at mayroong sariling kompanya sa bata nitong edad, at mayroon kinatatakutang grupo na kung tawagin ay Parasari Gang. Si Hein Gabriel Hernandez, isang American Spanish business minded guy na may namana at pinapalagong isang Internasyonal na Kompanya at mga crew ship na sikat na sikat talaga. He leads a gang, ang Sohomolo Gang. And of course, si King, my King na isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong Asya maski sa mga bansa sa Europa! Ang may hawak sa dalawang gang na nasabi ko na, at ang gang na Lostè Infernosá na dati ay tinatawag na Dying Crown. "
"N-Nasaan na sila?" medyo nauutal pa ako.
"Wala na. Nahagip lang ng mata ko. Pero sapat na iyon upang labasan ako." at saka siya humagikgik. Baliw.
"Mabuti kung gano'n." mahina kong sambit.
Binayaran muna namin lahat ng pinamili namin bago kami lumabas sa pamilihan. Nang malapit na kami sa exit ng Mall ay at saka naman napahinto ito.
"Iyong Shawarma ko!" eksaherada niyang sigaw. Wala talaga itong hiya. Naku.
"Sa bahay na lang." sabi ko sa kanya.
"Gusto ko sa Food Court. Mauna ka na roon Junjun. Please?" sabay bigay sa akin ng lahat ng pinamili namin. Ang bigat pa naman. Wala na akong magagawa kung hindi ang tingnan siyang umalis, habang ako ay tinungo na ang parking lot kung saan naroroon si Kuya Marc.
Pero hindi ko siya nadatnan dito. May mangilan-ngilang sasakyan pero wala talaga ang sasakyan ni Kuya Marc. Ngayon lang ito na late.
Pero nabitiwan ko lahat ng hawak ko ng marahas akong hinila sa kamay ng isang bisig. Agad na sinakop ng takot ang pakiramdam ko.
"King... "
Nasilayan ko ang mapanganib na ngisi nito sa gwapo niyang mukha. Naaamoy ko pa nga ang mabango niyang pabango at halos manlambot ako ng isandal niya ako sa isang sasakyan.
"Eavesdropping isn't a funny thing to do." atsaka siya ngumiti. Ngiting hindi natutuwa.
"B-Bitawan mo ako!" matapang kong sagot kahit nauutal na ako.
"Brave!" ginalaw niya ang kanyang kamay. Napapikit ako sa paga-akalang sasaktan niya ako ngunit naramdaman ko na lang na hinawi niya ang aking makapal na bangs.
Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nagkatitigan kaming dalawa at dahil doon ay hindi nakatakas sa akin ang pagkabigla sa kayang mga mata.
"How can a pair of eyes, looks so beautiful." mahina lang niyang sinabi ito, pero lahat ng iwinika niya ay natatandaan ko pa.
"Anong sinasabi mo n-niyan?" mukha naman siyang natauhan ngunit ibinalik din niya ang kanyang maangas na postura.
"I want you to grab my Father's offer. Try to decline it and you will suffer on the Slaughter Damn." pagbabanta niya sa akin na nagpagalaw sa aking tuhod dahil sa takot.
Slaughter Damn o ang torture house ng Lostè Infernosá.
Nanindig ang aking balahibo ng haplusin niya ang aking batok gamit ang magaspang niyang kamay.
"Touching you isn't that bad!" sabi pa niya at saka na ito lumisan bitbit ang isang pirasong mansanas mula sa pinamili ko na natapon sa sahig.
Sa loob ng sampong minuto ay nakatulala lamang ako. Nang nabalik na ako sa huwisyo ay agad kong pinulot ang mga pagkain sa sahig at saka na ako lumabas. Doon ko nakasalubong si Walter.
"Oy besty. Nasa kabilang Parking Space pala si Kuya. Nakalimutan kong sabihin." sabi niya sa akin.
Gusto ko sanang sabihin na. 'Tapos na Walter. Naharangan na ako ng kaisa isang taong iniiwasa ko.'
Pero napapitlag ako ng may pumatak na naman sa mukha ko.
"Omo! Umuulan na. Run baby run, Junjun!" sabi niya at tumakbo na kami patungo sa parking space na hindi pa naman kami masyadong basa.
"Sorry talaga besty at hindi kita nasabihan." sinsero na humingi ng tawad si Walter.
"Okay na," sabay ngiti ko. Kahit na sa loob ko ay halos hindi na magkamayaw ang puso ko sa pagdagungdong. Bakit?! Bakit nga ba kailangan kong masadlak sa ganitong sitwasyon?
"Pagkauwi natin ay agad kayong maligong dalawa. Baka magkasakit pa kayo," wika ni Kuya Marc. Napaka manly pa naman ng boses nito. Hindi ko maiwasang gumawa ng mga ilusyunadong mga bagay sa aking kaisipan. Tulad ng...
Concern ba siya sa akin?
Pero siyempre malayo iyon sa mga bagay bagay na alam niyo na, na pwedeng mangyari. Hindi sa dini-degrade ko ang sarili ko. Mas gusto ko lang sigurong maging mas makatotohanan.
"Okay po." sabi ko na lang sa kanya.