Chapter 19 Yes Juno Juseo 'Junjun' Hermana "Mahapdi..." reklamo niya. Mas lalo kong diniinan ang sugat niya habang para akong batang sobrang sakit kung umiiyak. Hindi ko talaga mapigilan. "Please, stop crying..." pagsusumamo niya pero sinabunutan ko lang siya na ikina-aray niya, may sugat pala siya ng kaunti sa ulo. "Pa-Paano kung namatay ka?! Ha! Akala mo ba hindi ko habang buhay na dadalhin ito hanggang sa hukay ko! Nakakainis ka naman King e! Huwag mo ng gagawin iyon a? Papansinin na kita lagi, pramis." Tumatawa lang siya na hinihimas ang buhok ko. "Deal iyan a?" Ewan ko pero parang gusto kong lagi niya akong tinatrato na parang bata. May pag-aaruga at kalinga. Totoong tumalon siya. Pero tulad ng alam natin... Ang masamang damo ay mahirap mamatay. Suwerte itong nakakapit

