Chapter 1: Ang mga anak na pasaway
Nakanguso ang dalaga habang binubungangaan ng kanyang ina. Kumikibot-kibot pa ang bibig nito dahil sa panggagaya sa boses ng ina. Panay ikot din ng mata at minsan nama'y napapangiwi na dahil sa hapdi ng hampas ng isang piraso ng walis tingting sa kanyang binti.
"Di ba sabi ko wag ka ng gumawa ng g**o sa paaralan nyo? Ano na naman ba itong ginawa mo? Sinipa mo daw ang anak ng principal?" Sabay hampas ng isang piraso ng walis tingting na hawak sa binti ng dalaga na ikinangiwi nito sa sakit.
"Mama naman. Kasalanan ko ba kasing nagmana ako sa inyo ni papa?" Sagot naman niya.
"Hindi ako kasing pasaway mo." Sagot ng ina at muling hinampas ng walis tingting ang anak.
"Kung hindi pa, bakit lahat kami pasaway?" Sagot na naman niya. "Alangan namang sa kapitbahay kami nagmana di ba? Awww! Sakeeet!!!" Hinampas kasing muli ang kanyang binti nang mas malakas pa. Muntik na tuloy siyang mapaupo.
Pasaway kasi silang lahat na magkakapatid. Kaya palaging sumasakit ang ulo ng kanilang ina, lalo pa't kinukunsenti sila palage ng ama. Anim silang magkakapatid. Tatlong lalake, dalawang babaeng kambal at siya.
"At ito pa. Ano yung narinig kong nakipaghalikan ka daw sa hallway." Tanong muli ng ina habang pinandidilatan siya ng mata.
"Ako lang ang humalik ma." Dahil don ay muli na naman siyang nahampas. "Para sinabi ko lang ang totoo, bakit siya nagagalit? Gusto ba niya magsinungaling ako?" Nakanguso niyang bulong sa sarili habang kinakamot ang bandang nangati sa hapdi.
Saka di naman niya idinikit ang kanyang labi dahil kunwari lang naman yon.
"Proud na proud ka pang langya ka." Galit na sagot ng ina na ngayon ay umuusok na ang ilong at lalong namula ang mukha.
"Ginawa ko lang yun para tigilan na ako ng mga nanggugulo sa akin. At nagkataong siya ang pinakamalapit sa akin." Parang batang sagot naman ng dalaga. "Alam niyo namang maraming naghahabol sa anak niyong to." Nakasimangot niyang dagdag pero pabulong lang.
"At dahil don binugbog siya ng mga lalake sa school niyo."
"Kaya nga binugbog ko narin sila." Hindi na siya hinampas, sinapok na sa ulo.
"Sa dinami-rami ng dapat mong bugbugin ang anak pa ng kongresman?" Sigaw ng ina.
"Siya yung numero unong mang-aapi sa school. Saka ang yabang-yabang. Di naman marunong manuntok. Puro lang dada." Napasabunot na lamang ang ina sa buhok.
"Ewan ko sayong bata ka." Sambit na lamang ng ina, at iniwan na ang anak, saka kumuha ng malamig na tubig at uminom. Sumasakit na talaga ang kanyang ulo sa pinakapasaway niyang anak. Dagdagan pa ng mga pasaway nitong mga kapatid at nangungunsenting ama.
Hindi na niya alam kung ano ipaparusa sa anak na ito para tumino naman sana kahit papano.
Matapos parusahan ang anak na dalaga, dumating naman ang nakababata niyang kapatid na lalake na tinawag sa pangalang Hyerie. Kasunod nitong dumating ang kanilang ama.
"Ano na naman iyang pasa mo? Nakipagbugbugan ka na naman?" Napahawak na lamang ang ina sa sentido na halos gusto ng sumabog sa galit. Huminga na lamang ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Nagkamot lamang ng ulo si Hyerie samantalang inakbayan lamang ito ng ama na lalong ikinaningkit ng mga mata ng ginang
"Sinong nanalo sa laban niyo?" Tanong pa ng ama sa bunsong anak na lalake.
"Syempre ako po pa." Proud namang sagot ni Hyerie at tinapik pa ang dibdib.
"That's my son!" Sabi ng ama at ginulo ang buhok ng anak habang nakangiti.
"Ang sarap niyo talagang pag-untuging mag-aama." Sambit ng ina at napahawak na lamang ng ulo. At isinandal ang likuran sa posteng kahoy.
Napatingin naman ang ama kay Hyemie, (pangalan ng babaing anak) na hinihilot ang binti habang nakaupo sa sahig.
"Ikaw talaga bhabe, pinalo mo na naman si Hyemie ano? Hyemie, ano na naman ba kasing ginawa mo? Parang kahapon lang may sinapak ka daw." Mahinahon nitong sabi.
"Di ko naman siya sinapak. Di lang talaga siya marunong umiwas ng kamao." Nakangusong sagot ng dalaga na hinihipan pa ang namumulang linya sa kanyang binti.
"Napatumbamo ba?" Tanong pa ng ama.
"Hindi lang tumba. Natanggalan pa ng ngipin. Kaya ayan, may warning na nga kahapon, may sinipa na naman ngayon. Kaya expelled na naman iyang anak mo." Sagot ng ina at umupo na lamang sa sofang gawa sa pinakintab na kawayan habang pinapakalma parin ang sarili.
"May naisip na akong paaralan na malilipatan niya. At kinausap ko narin ang may-ari. Don na muna si Hyemie at 'tong Hyerie naman ipapadala kina Hyesan at Hyejung. Para mabantayan ng dalawa ang isang to." Maya-maya'y paliwanag ng ina nang medyo kumalma na.
"Bakit di nalang si Ate Hyemie ang ipunta kina kuya?" Reklamo niya.
"Una para mabantayan ka at magulpi ng mga kuya mo pag may gagawin kang kalokohan. Pangalawa, hindi ko kayo pwedeng pagsamahing dalawa ni Hyemie dahil magkavibes kayo. Pangatlo may magbabantay na sa kanya don. Higit sa lahat, lalo lang gagawa ng kalokohan ang isang yan dahil ini-spoiled yan ng mga Kuya at ate niya." Sagot ng ina.
Si Hyemie naman ay nakasimangot na rin. Kasi balak pa niyang resbakan ang mga manyak niyang mga kaklase. Isa pa lang kasi ang nasipa niya sa mga iyun. Naiinis kasi siya dahil hinaharang siya ng mga ito at may nanghipo pa sa kanya.
Inaamin niyang pasaway siya, pero di naman siya basta-basta lang nananakit ng iba. Pwera nalang kung may kasalanan ka sa kanya. Kaso siya palage ang ginagawang mali at pinapakasalanan kaya naiinis siya. Kasalanan ba kasing ipagtanggol ang sarili?
Sa gabing yun, pinag-empake siya ng mga gamit dahil luluwas na sila ng Maynila. Kahit pasaway siya, di naman maiiwasang kabahan, dahil sa ito ang unang beses niyang mag-aral ulit sa syudad pagkatapos sa aksidente noong 12 years old pa siya. Matagal na yun pero malinaw pa sa isip niya ang nangyari, kaya hindi niya maiwasang kabahan. Maraming mga bagay na nangyari na ayaw niyang maalala pa at ayaw niya ring maulit pa.
Kaya naisip niyang iyon ang rason kung bakit sa ibang paaralan siya ipapasok kaysa ang ibalik siya sa paaralang iyon. Iniisip niya kung paano kung may maraming mga bad guys doon? Paano kung mas marami ang mga bully? Pero nang maisip ang mga bagay na iyun ay bigla siyang napangiti.
"Eh di mas masaya dahil may thrill. Sila ang mga bully na taga-syudad vs. sa bully galing probinsya. Sinong mananalo? Eh, di ang pinakamatigas ang ulo." Sambit pa niya at mabilis na nag-empake. Halata ang biglaang pagka-excited na lumipat...
"Kaya lang baka marami akong makakalaban don. Matakutin pa naman ako. Takot kaya akong magasgasan tong balat ko." Sabi niya pang muli.
( Hyerin Alliamieh Olivar. 16 years old. Pang limang anak at ikatlo sa mga anak na babae ng mag-asawang Olivar. 5'5 ang height. Kulay dilaw ang buhok na may highlight na silver. Blue ang mga mata. Makulit, pasaway at lapitin ng g**o. Ang main protagonist ng kwentong ito.)
(Hyezin Allian Olivar. Bunsong anak ng mag-asawang Olivar. 14 years old. Kulay itim ang buhok. 5'4 ang height at lapitin din ng g**o tulad ng ate Hyemie niya.)
(Hera McCartney Olivar. 39 years old pero mukha paring nasa mid-twenties. Mapagmahal na ina.)
(Zhairo Brill Olivar 40 years old pero mukha paring nasa early thirties. Masayahing ama at mapagmahal sa pamilya.)