Chapter 4: Trouble in first day

1433 Words
    "Ano ba! Umalis nga kayo diyan." Tinulak ng ikaapat ang tatlo at ipinatong ang isang paa sa desk ni Girl.     "Bakit ka nanunulak ha?" Kinuwelyuhan nong ikatlo ang ang ikaapat na lalaking umaaligid kay Girl.     "Ako nga ang date niya." Angal nong ikaapat.     "Ako kaya? Di ba Maxine?" Sagot ng ikatlo na tiningnan si Girl nang may nagbabantang mga tingin.     Si Girl naman yumuko lang at mahahalata mong namumutla siya as takot. Nanginginig din ang mga kamay niyang nakahawak na ngayon sa kanyang bag.     At dahil walang gustong magpatalo sa apat, ayun nagsuntukan na. Syempre may nadadamay lalo na kung sino ang aawat sinasapak. Hanggang sa magrambolan na sila. Yung iba nanonood lang, habang yung iba naman nakicheer pa. At syempre isa na ako don.    "Guys! Itigil nyo na yan!" Sigaw ng isang sexing babaing bagong dating. Napatigil naman agad ang lahat sa mga ginagawa marinig lang ang boses ng girl na to. Laglag naman ang panga ko sa kanyang ganda at kaseksihan. Mamords! Ang dami palang mga model type of body na unggoy dito. Ay hindi, bibe pala to kasi nakataas ang p***t kung maglakad. Napasipol naman ang iba habang yung iba naman halatang nabighani sa kanyang magandang katawan. May humanga at yung iba naman kung makatingin mukhang may halong kamanyakan.     Ang seksi kasi ni girl na nakamini-skirt lang. Nakahigh-heeled shoes at hapit sa katawan ang uniporme niyang white na kitang-kita ang cleavage at kunting silip lang makikita muna rin ang tuktok ng dalawang bulkan.   "Syet! Ayumi ang hot mo talaga!"   "Ayumi akin ka nalang."    "Ang ganda mo talaga. Pakasal na tayo."   "Akin ka nalang Ayumi." Iyan ang mga boses na maririnig mo.    Naririndi na ako sa boses ng mga lalaking unggoy na to. Parang mga naka-megaphone. Tinakpan ko nalang ang aking tainga. Pansin ko lang, bakit ang kunti yata ng mga babae rito? May anim na mukhang mga alalay yung Ayumi daw tapos yung tatlong babaing binabastos nila kanina at ako. Samantalang mga nasa forty plus ang bilang ng mga lalake.    Nagulat ako ng dumako ang tingin nitong Ayumi sa akin. Kumunot ang kanyang noo at tumaas din ang kanyang kilay. Hays, natuon na naman ang atensyon sa beauty ko.    "And who are you witch?" Mataray niyang tanong. Nananahimik na nga ako dito napansin ba naman ang beauty ko.    Hinanap ko naman si witch na tinutukoy niya. Hindi nga kasi ako witch di ba? Kaya malamang iba ang tinutukoy niya. Pero dahil don, nagsitawanan ang mga estudyante.    "Hahaha! Hinanap pa niya ang witch. Akala siguro niya Dyosa siya." A guy said sabay tawanan nila nang malakas.    "Obvious naman sigurong ikaw ang witch dito di ba? Sabagay, baka naghahanap ka ng kasama. But sad to say, ikaw lang ang nag-iisang mangkukulam na naligaw rito." Nakapamaywang niyang sabi at naglakad palapit sa akin.   "Bakit naligaw ang isang witch na katulad mo dito?" Makawitch naman to. Dahil ba ganito ang ayos ko witch na agad?     Napahawak ako sa tigang kong wig. Saka ko naalala na ang panget ko nga pala talaga sa ayos kong to.   "I'm asking you!" Sigaw niya sabay hampas ng isang palad sa desk ko.   Hindi ko nga kasi siya pinansin. Ang mga hayop di dapat kinakausap ng mga taong katulad ko para di masira ang image ng beauty ko.   "Waah! Mama!" Ang naisigaw ko sa sobrang gulat na napalundag pa mula sa kinauupuan. Umani iyun ng tawanan sa buong klasrom.   "Paano ka ba nakapasok dito?" Sigaw na naman yan. Uso ba talaga ang sigaw dito? Di naman ako bingi a.   "Wala naman kasing nakalagay na No beauty, no entry." No ID, no entry lang naman ang nabasa ko sa may gate.   "Get. Out. Rght. Now." Sabi nong Ayumi at tinaas ang mapuputing legs para sipain ako palabas. Agad akong umatras para makaiwas na lalong ikinanilim ng mukha niya.   "Throw her out!" Sabi niya at tinuro pa ako.     Agad akong nagtago sa likuran ng lalaking tahimik na mukhang hindi naaapektuhan sa kaguluhan sa paligid. Pansin ko din kasi na mukhang takot na lumapit sa kanya ang mga estudyante rito.    "Hey! Don't touch me witch!" Sigaw nitong lalakeng pinagtaguan ko.     (Personal info: Taejin Kei Matsunara Yoji kilala sa tawag na Kenjie. 17 years old. 5' 8 ang height. Black hair, long curly eyelashes, pointed nose, heart shaped red lips. Tahimik at arogante. Lider ng Dark Angels g**g at anak ng may-ari ng Yoji Academy. Isa sa tatlong male leads.)    Medyo cute siya kunti at may pataas hairstyle pang nalalaman. Nagmukha tuloy siyang si Gon Freecs ng hunter X hunter.    Napahawak pala ako sa likuran niya kaya agad akong bumitaw. Nilingon ako't sinamaan ng tingin.    "Lagot na siya. Dinisturbo niya si Kenjie."    "Sa palagay mo, ilang oras lang ang makakaya niyang manatili rito?"    "Depende sa kung ilang oras siya gustong pahirapan ni Kenjie."    Kenjie pala ang tawag sa mala-Gon Freecs na ito? At ako? Papahirapan? Sinong magpapahirap sa akin? Itong Kenjie nila na manipis ang katawan? O baka magaling din itong makikipaglaban. Yayain ko kaya siyang mag-sparing kami.    Nabalik ako sa ulirat mapansin ang masamang tingin nitong Kenjie.   "Sorry naman. Natatakot kasi ako sa kanya." At tinuro yung Ayumi.   "Mukha siyang dyosa pero bruha pala." Ang akala ko lalong magagalit ang mga lalaking may gusto kay Ayumi dahil tinawag kong bruha ang idol nila. Pero nagulat na lamang ako nang magsitawanan sila.   "Hahaha! Bruha! Hahaha!"   "Bruha ka na pala Ayumi! Infairness, bagay sayo."    Panay tawa nila habang tinatawag si Ayumi ng bruha kaya lalong sumama ang tingin ng Ayumi sa akin. Muli tuloy akong napahawak sa damit nitong lalaking pinagtaguan ko.   Tinanggal ni Kenjie ang aking mga kamay tapos naglakad na siya patungo sa upuang malapit sa may bintana. Naglakad naman palapit sa akin si Ayumi na parang gigil na gigil. Ako naman naglakad paatras.   Nakakuyom ang nanginginig na kamao ni Ayumi at para na akong kakainin sa sobrang sama ng titig. First day na first mukhang mapapalaban na agad ako nito.    Ito kasing bibig ko, nakakairita. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sasabunutan ako kaya agad akong umatras. Hinila ko agad ang tumatawang lalaking pinakamalapit sa akin at tinulak patungo sa kanya.   Medyo napalakas yata ang pagtulak ko kasi sabay silang natumba at nadaganan nong guy si Ayumi. Ang masaklap dahil nalislis ang miniskirt nito kaya ayan, kita ang panty ni Ayumi.   Ngumise naman ang lalake sabay sabi ng "do you like it bhabe?" Ang mas masaklap ay pinisil pa nong guy ang dibdib ni girl kaya ayan nasampal. Ang lutong ng sampal na yun.   Ako tuloy ang napangiwi sa sakit. Samantalang umalingawngaw parin ang tawanan sa buong klasrom.   "Oooh!!"   "Nice one bro."   "Bwahahaha! Panty."     Mga babae lang ang tahimik. Yung mga lalake kasi pinagtatawanan lamang si Ayumi. Tinulak ni Ayumi yung lalake na nakangise lang kahit dumugo na ang ilong pero napangiwi ng mapagtantong may tumulong dugo sa kanyang pisngi at pumutok pa ang labi.     "Syet! Ang gwapo kong mukha!" Sigaw niya. Yung Ayumi naman padabog na umalis ng klasrom. At mukhang nahiya.    "You!" Sigaw ng guy na tinulak ko kay Ayumi kanina at tinuro pa ako.    Naglakad siya palapit sa akin kaya naman napasiksik ako sa isang sulok. Ayaw kong masaktan no. Sayang ang precious skin ko. Ayaw kong magasgasan. Saka ayaw ko pang makipag-away kasi first day ko pa nga lang.    Aatras pa sana ako kaso napasandal na ako sa pader. Tinaas nong guy ang binti niya para sipain ako. Kaya naman napapikit ako sa sobrang takot. Hindi sa takot akong masaktan. Nag-alala akong baka mabalian siya kapag tumama sa pader ang paa niya.   "Kimura. Tama na." Napadilat ako sa pamilyar na boses lalake na iyun. Nilingon ko hung Kenjie saw.   Ngayon ko napagmasdang mabuti ang kanyang hitsura at ang gwapo pala ng Kenjie na to.   "Pero—" magsasalita pa sana ang Kimura nang may isa pang nagsalita.   "Babae parin siya." Sabi rin ng lalaking nasa pinakadulo. Oh my! Ang cute din ng guy na to.   (Personal info: Taejun Keith Matsunara. Pinsan ni Kenjie at lider ng black flame g**g. 18 years old. 5'9 ang height. Maginoo.)   "Haist! Pasalamat ka ayaw nina Kenjie at Keith na patulan kita." Sinamaan na lamang ako ng tingin ng Kimura at tinalikuran na ako. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.   "Hay, salamat lord at di ako natadyakan ng mukhang bakulaw." Sambit ko at napadausdos paupo sa sinasandalan kong pader.   "Ano!" Sigaw ni Kimura at humarap uli sa akin.    Patay! Narinig pala ang bulong ko.   "Hehehe! Sabi ko kalabaw!" Bawi ko sabay peace sign.    Uwaaah! Naglakad siya pabalik patungo sa akin na umuusok ang ilong. Hyemie, your going to die. Huhuhu! Next time izipper ko na talaga ang bibig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD