Laurent Delaney Lee
Sa mga nagdaang araw ay ganoon parin ang nangyare kada pagpasok ko sa loob ng room namin ay may nakalagay na bouquet of flowers saka chocolate na kagaya ng binaggit ni beshy.
"Sa tingin mo kaya beshy sino ang nagpapadala sayo ng mga flowers at chocolates na yan hindi biro ang presyo nyan kasi siguradong big time ang nagpapadala nyan" saad ni beshy habang nilalantakan ang chocolate na kasama ng bouquet ng bulaklak. Wala kaming pasok ngayong unang subject namin dahil nagkaroon daw ng urgent meeting yung subject teacher namin kaya nandito kami sa isa sa mga tambayan sa school at nagpapalipas ng oras.
"Wala akong ideya beshy nung una ay akala ko nangtitrip lang ang nagpadala ng bulaklak at tsokolate pero hindi ko inaasahan na may mga susunod pa pala" saad ko rin sa kanya.
"Grabehan ka kasi beshy ganda natin eh may pa mysterious admirer ka and I bet gwapo yang admirer mo" saad niya na kinatingin ko sa kanya.
"Paano mo naman nalaman na gwapo sya? Bakit nakita mo na ba beshy?" tanong ko sa kanya na kinatawa lang niya.
"Hahaha hindi pa syempre basic instinct ko lang beshy" saad pa niya na kinakibit balikat ko nalang dahil iniisip ko kong sino nga ba ang maaaring nagpapadala saakin ng flowers at chocolates na ganito kamahal. May kaba din sa loob ko dahil baka masamang tao ang gumagawa noon at may iba siyang pakay saakin.
Habang nag uusap kami ni beshy ay may biglang sumingit saamin at base sa kinikilig na itsura ni beshy ay kilala ko na kong sino iyon.
Nang nilingon ko ang may ari ng malalim na boses na iyon ay si Rafael nga habang nakangiti ito na nakatingin saamin.
Silang dalawa lang ni Arys ang magkasama at ang maharot kong beshy ay tila tuluyan na akong nakalimutan at agad na hinila si Arys patabi sa kanya at dinakdak ng dinakdak si Arys.
Tumabi naman saakin si Rafael. Hindi ko naman siya pinasadahan ng tingin dahil baka magfeeling na naman ang isang to malakas pa naman ang hangin sa katawan nito pero siya ang unang kumibo saakin.
"Oy bat hindi mo man lang ako pinapansin" saad niya at sinundot pa ako sa may pisngi na kinatingin ko sa kanya at ang kumag ay may malawak lang na ngiti habang ako ay magkasalubong ang kilay dahil feeling close ang isang to.
"Oh bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya at napanguso nalang ito na mas lalong kinakunot ng noo ko dahil nagmumukha itong pato at ki tangkad tangkad na tao ay nakukuha pang magpout.
"Grabe ka naman sakin porket ba tumabi ako sayo ay hindi na pwedeng makipag usap?" nagpapaawang saad niya saakin kaya napahinga nalang ako ng malalim dahil narealize ko din na masyado siguro akong nagiging rude sa kanya saka hindi naman niya ako sinimulan ng pangbibwiset kaya napagpasyahan kong kausapin nalang ng maayos ito.
"Oh bakit ba kasi?" tanong ko nalang. Hindi ko alam kong wala din silang klase dahil nandito sila at nagliliwaliw sa buong campus.
"I just want to have a conversation with you tsaka gusto din kitang maging kaibigan besides mukhang mas magiging malapit pa tayo sa isat isa dahil mukhang may nabubuong pagkakaunawaan sa mga bestfriends natin" saad niya sabay nguso kuna Arys at Tanya na nagtatawanan at panay pa ang pasimpleng hampas ni beshy sa braso ni Arys na kinataas nalang ng kilay ko dahil hindi man lang nila kami napansin na nakatingin sa kanila.
Wala naman sigurong masama tutal mulhang harmless naman itong lalaking ito kahit mukha rin syang harmful hahaha joke lang pero medyo naiilang padin ako sa kanya dahil sa paraan ng pagtitig niya saakin but I choose to ignore that.
"Okay let's be friends" saad ko sa kanya na kinaporma ng isang ngiti sa labi niya saka kami nagsimula na ng pag uusapan and I must say na hindi naman pala siya always mayabang at may sense of humor din.
Bandang alas tres ng hapon ay dinismissed na kami ng last subject teacher namin dahil medyo maaga ang uwian namin ngayon dahil dalawang subject lang naman ang naka sched saamin ngayon. Isang sub pagka umaga at isang sub sa hapon.
"So beshy una na ako ha" saad ni beshy na sinundo ng dad niya dahil may pupuntahan daw sila. Usually kasi ay sabay kaming nagcocommute dahil hindi na ako nagpapasundo kay papa dahil college na ako at ayaw kong makaabala sa kanya lalo pa't busy din sila sa talyer. Kahit naman may sariling sasakyan sina beshy ay sinasabayan parin ako nito sa pagcommute kahit sinabi kong wag na pero ang gaga masyadong makulit at gustong pagurin ang sarili pero laking pasalamat ko sa kanya dahil atleast hindi ako mag isa kapag uwian.
Maglalakad na sana ako papunta sa sakayan sa may parkingan ng mga trycicle ng may biglang huminto na magarang itim na sasakyan sa harapan ko na kinataka ko.
Lalagpasan ko na sana ito ng biglang bumaba ang bintana ng kotse at bumungad saakin si Mr. Atticus. Hindi ko alam kong bakit pero tumahip ang puso ko nang makita ko ang pagsilip niya sa may bintana ng kotse niya at nakita ko na naman ang itim na itim niyang mga mata.
"Hope in I'll give you a ride" saad niya habang ako ay tinatansya kong sasakay ba o hindi dahil naiisip ko na kahit naman magkakilala na kami ay naiilang padin ako sa kanya at hindi parin gaanong kakomportable na basta basta na lamang sumakay sa kotse niya at isa pa baka nakakaabala pa ako sa kanya. Alam ko naman kong gaano kabusy itong tao dahil base sa sinabi niya sa pagpapakilalaniya saakin ay hindi ito basta bastang klase ng tao.
Siguro nakita niya ang pag aalinlangan sa mukha ko kaya muli itong nagsalita "don't worry I'll just drive you home tsaka hindi abala saakin iyon kong iyon ang iniisip mo, you know that I'll always make time for you mi amorè" saad niya at gaya ng dati ay tila pabulong nalang ang pagsabi niya ng huling salita niya dahilan para hindi ko malinaw na marinig. Iniisip ko nalang na siguro habit na niya ang pagganon kaya napaisip ako na kong sasakay ako sa kanya ay tipid sa pamasahe at mabilis din ako makakauwi pero naisip ko din na parang uneasy sina mama at papa kapag nakikita siya.
Pero ilang minuto din ang lumipas ng napagpasyahan kong sumakay at sumabay na lamang sa kanya dahil naisip kong hindi naman sila siguro magkikita nina mama at papa dahil nasa talyer naman siguro ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang dahilan kong bakit tila bothered sina mama at papa sa presensya ni Mr. Atticus at kong ano ba talaga ang pinag usapan nila noong una ko siyang makita sa bahay.
"Ang lalim naman ata ng iniisip mo baka malunod ka nyan" kuwang saad niya habang nasa byahe kami pauwi sa bahay namin.
"Ahm may naisip lang po ako hehe wag ninyo nalang po akong pansinin" saad ko sa kanya na kinakunot ng noo niya.
"Is there something that's bothering you? or your thinking of another guys?" tanong niya at hindi ko alam kong bakit may hint of anger sa paraan niya ng pagtatanong tungkol doon sa pag iisip ko daw ng ibang lalaki.
"Wala po yun may biglang sumagi lang sa isipan ko saka hindi ko po naiisip ang ibang lalaki" saad ko na lamang sa kanya. Nakatuon parin ang tingin niya sa kalsada pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagsilay ng pagkurba ng labi niya sa isang ngiti na hindi ko alam kong bakit.
"You hungry?" tanong niya ulit saakin.
Umiling nalang ako "hindi naman po" magalang na saad ko sa kanya.
"Diba sabi ko sayo last time don't use 'po' in addressing me nakakatanda. Just call me in my name because I'll like you calling me that better" saad pa niya.
"Sorry nasanay lang kasi ako na nagpo-po sa nakakatanda saakin" pangangatwiran ko.
Nang mapatingin ako sa may unahan sa may kalsada ay nalito ako dahil hindi naman ito ang daan papuntang bahay namin bagkus ay matataas na establisyemento ang nakikita ko.
"Mr. Atticus asan po tayo? Hindi po ito yung daan pauwi saamin eh" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"I'll just fetch something here" simpleng saad niya at pansin ko na konti konti lang ito magsalita. In other words he's a man of few words but I find it kinda cool lalo pat kasing gwapo ni Mr. Atticus ang taong ganon oo aminado ako na napakagwapo nitong si Mr. Atticus at bulag lang ang hindi makakakita non. I wonder kong may girlfriend or asawa na ba itong si Mr. Atticus.
Hindi ko alam na napatitig na pala ako ng matagal sa kanya at kong hindi pa siya nagsalita ay hindi pa ako mababalik sa ulirat "Do you like what you are seeing? Am I handsome?" tanong niya pero nanatiling nasa kalsada ang tingin niya nakita ko pang may maliit na ngisi sa labi nito na mas lalong nagpainit ng mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. He just caught me staring at his gorgeous face. Tahimik kong kinastigo ang sarili ko dahil sa kahihiyan na ginawa ko baka kong ano pang isipin ni Mr. Atticus.
"Hmm pasensya na po tsaka gwapo naman po talaga kayo at bulag lang ang hindi makakakita non" saad ko na lamang stating the very fact at hindi ko alam pero napatingin ako sa kanya at biglang hindi mapakali si Mr. Atticus at kahit gusto ko itong tanungin ay hindi ko nalang tinuloy pero nakita ko ang pamumula ng mga tenga niya habang tila hindi mapakali bigla at tila pilit ring pinipigilan ang pagngiti ng labi niya.
Huminto kami sa isang cake shop at marahil dito ang sinasabi ni Mr. Atticus na dadaanan daw niya. Nang makalabas siya sa cake shop ay may dala siyang dalawang box ang isa ay medyo malaki ang isa naman ay may kaliitin. Inilagay niya iyon sa backseat saka muling pumasok at pumwesto sa driver's seat at nagsimulang imaneho ang kotse. Pinigilan ko namang magtanong sa kanya ang sarili ko dahil baka isipin pa niya na masumyado akong chismosa.
Mabilis kaming nakarating sa bahay at nang makababa na ako at agad akong lumapit sa may gawi ni Mr. Atticus at hindi ko inaasahan na bababa din siya mabuti na lamang at mukhang busy pa sina mama sa talyer.
"Maraming maraming salamat po sa paghatid Mr. Atticus at pasensya na po sa abala" saad ko sa kanya.
"No worries hindi ka abala saakin" saad niya at akala ko ay aalis na pero tumungo siya sa may backseat at tila may kinuha doon at nakita kong bitbit na niya yung dalawang box na dinaanan namin kanina sa cake shop.
"For you" saad niya at binigay saakin ang dalawang box na kinagulat ko "ha? Eh sainyo po yan eh tsaka baka may pagbibigyan po kayo nyan kaya salamat nalang po" pagtanggi ko pero kumunot lang ang tingin niya.
"And kanino mo naman iniisip na ibibigay ko to?" kunot noong tanong niya.
"Baka sa asawa or girlfriend mo po or baka sa pamilya mo" saad ko sa kanya na mas lalong nagpakunot ng noo niya.
"I don't have a girlfriend at oo may asawa na nga ako, at ikaw yun" at nandyan na naman po tayo sa pabulong na saad niya sa huling salita niya.
"Eh sa asawa ninyo nalang po ibigay iyan ginastusan ninyo po iyan kaya dapat sa kanya ninyo nalang po iyan ibigay" saad ko sa kanya pero tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ko dahil tila sumama ang aura ng mukha nito.
"Kukunin mo ba o itatapon ko nalang to" may bahid ng inis sa boses niya kaya agad kong hinawakan ang dalawang box na binibigay niya dahil sa sinabi niya.
"Good kid" saad niya pagkakuha ko ng box sa kanya.
Muling bumalik ang ngiti sa labis niya "maraming salamat po dito kahit hindi na rin naman po kailangan. Ingat po kayo sa pagmamaneho at maraming salamat din po ulit sa pagpapasabay saakin" saad ko sa kanya pero tila may kinuha pa ito sa bulsa niya at may nilagay siya sa ibabaw ng hawak kong box saka siya nagpaalam na "I'll go ahead too, see you again, ti amo il mio amorè " saad niya at sumakay na sa kotse niya.
Pagkaalis na pagkaalis niya at napabaling ang tingin ko doon sa nilagay niya sa ibabaw ng box na hawak ko at nagulat ako sa pamilyar na bagay na iyon.
Nagkataon nga lang ba? Pero bakit naman niya ako bibigyan ng ganito gayong hindi naman basta basta ang ganitong bagay.
Bakit niya ako binigyan ng 'mi amorè' chocolate?