SP 5: Dinner Date

2618 Words
Laurent Delaney Lee Hindi ko alam kong ano ang una kong mararamdaman habang bumabyahe kami nitong lalaking nasa tabi ko habang nagdadrive. I must admit that he look like a greek god kahit na halatang mas matanda siya saakin. "Mr. saan po ba tayo pupunta? Sorry po but I'm not comfortable being with a stranger kaya pwede po bang ibaba ninyo nalang po ako para makauwi na ako" nilakasan ko ang loob ko para masabi sa kanya iyon dahil punong puno ako ng kaba sa mga oras na to. Imagining I am with a person whom I don't barely know kaya sinong hindi kakabahan. He trailed his sight with me for a spit of second saka nagbuntong hininga at nagbunyi ang kalooban ko ng ihinto niya sa may gilid ng kalsada nag kotse niya at agad akong nagpasalamat sa kanya. "Thank yo-" pero hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ko ng binalingan niya ako ng tingin. I have taken aback ng magtama ang mga mata namin. He's giving me chills by his serious face and stare. Hindi ko inaasahan na makakaramdam ako ng ganitong kaba sa isang tao sa pamamagitan lamang ng titig niya. "I am Constantine Atticus Salvatore and I am the one who owns the Salvatore's Empire in and outside the world. I am a business tycoon of the large shipping company local and international" seryosong saad niya na hindi ko alam kong para saan. Hindi ako nakasagot at nanatiling nakatangang nakatitig sa kanya. I didn't utter a word also. "Now you know me and I'm no longer a stranger to you. Mind me if we continue going to our dinner date" saad niya pero nagulat ako sa sinabi niya. D-Dinner d-date? with him? "B-Bakit p-po tayo m-magde-date?" nauutal na tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kong anong trip niya o iniisip niya para sabihin iyon pero hindi ako natutuwa dahil hindi ko nga siya kilala at baka kanina pa ako inaantay sa bahay nina mama at papa baka mag alala na ang mga iyon. "Dahil sa sinabi ko and you're not allowed to take down my invite" saad niya saka muling binuhay ang makina ng kotse at saka muling pinaadar habang hindi na inantay ang response ko. Naiwan naman akong hindi makapaniwala dahil sa sinabi niya. How can I forbidden to refuse kong ayaw ko naman talagang sumama sa kanya lalo pat stranger siya para saakin. How can this man be so bossy gayong hindi naman kami magkakilala. Wala na nga akong nagawa pa dahil hindi naman ako makakatakas sa kanya lalo pat umaandar ang kotse alangan namang tumalon ako dito para lang makatakas edi nadedso naman ako non sa kalsada habang gumulong gulong diba kaya go with the flow nalang ako lalo pa't treat naman niya dahil siya nag invite diba. Marami naman sigurong pagkain doon lalo pa't date daw to kahit hindi ko alam kong bakit niya ako tinatake sa isang date pero I don't consider this as date siya lang. Hininto niya ang kotse sa tapat ng isang malaking building at nabasa ko da itaas na parte nito na isa itong resto and I must say na parang pang bigtime ang resto na ito dahil sa malaking space nito. Pinark muna niya ang kotse sa may allotted parking lot para sa mga customers at saka kami bumaba. Hindi na muling nagsalita pa si Mr. Atticus habang nakasunod lamang ako sa kanya pero hindi ko inaasahan na pupunta siya sa may likuran ko at nang lingunin ko siya ay ganoon parin ang ekspresyon niya seryoso at tila walang mabasang eskpresyon. Pinagbuksan kami ng guard na nakapwesto sa may harapan ng resto at binati naman kami ng staff doon na nasa may b****a rin ng resto. Hindi ko mapigilang mapamangha dahil sa magandang interior ng restuarant na pinasukan namin. Sadyang pang sosyal talaga dito at napadako ang tingin ko sa ilang mga customer din na nagsisikainan sa kanya kanyang table at masasabi kong mga mayayaman nga ito at mga elegante dahil sa paraan ng pagkain nila. Giniya kami ng staff na nag assists saamin patungo sa pinareserve daw na table ni Mr. Atticus pagkasabi niya ng pangalan niya at tungkol sa reservation. Hindi ko parin maialis ang atensyon ko sa buong lugar dahil sa magandang pagkakaarrange nito at sa magandang mga desinyo din dito halatang hindi basta basta ang pagkakagasto dito. "Hey why did you suddenly stop right there?" rinig kong tanong ng baritonong boses ng kasama ko at doon naman ako nakabalik sa ulirat at bahagyang nahiya dahil sa pagkatulala ko. Napayuko naman ako para itago ang nahihiya kong itsura "s-sorry nagandahan lang kasi ako dito sa loob hindi ko alam na napatulala na pala ako" nahihiyang saad ko sa kanya. Hindi ko alam kong ano na ang reaksyon niya pero marahil ay nainis siya dahil sa katangahan ko. "Do you want a resto like this?" tanong niya saakin na kinatingin ko sa kanya pero seryoso parin ang titig niya kaya ngumiti nalang ako ng pilit bago sinagot "hindi naman po Mr. Atticus nagandahan lang ako" saad ko sa kanya pero nangunot ang noo niya kaya napamaang nalang ako dahil hindi ko alam kong bakit naging ganoon ang ekspresyon niya bigla. "What did you call me?" seryosong tanong niya saakin. "Mr. Atticus" simpleng saad ko sa kanya at mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya kaya nabahala ako dahil hindi ko alam kong anong problema sa tinawag ko sa kanya. Ano palang gusto niya. "Don't call me that just me by my name. I don't like you being formal with me, let's go to our table" saad pa niya at aalma pa sana ako ng mauna na itong maglakad habang ako ay giniya na ng staff na nag aassist saamin patungo sa table namin. Nang mailapag na ang mga pagkaing inorder niya ay halos mapaawang bibig ko dahil sa punong puno ang mesa namin ng mga mamahalin at ngayon ko lang nakitang mga pagkain. It looks delicate and at the same time pleasing in the eyes masasabi mong professional nga ang nagluto ng mga pagkaing ito. "Eat now" simpleng saad niya habang nakatitig saakin at inaantay akong kumain. Dahil sa nag alburuto na talaga ang tyan ko ay agad na nawala ang hiya ko at inalis sa isipan na kumakain ako ngayon sa harap ng kakakilala ko palang at higit sa lahat sa taong tila pinaglihi sa seryosong ekspresyon dahil buong durasyon na magkasama kami ay iyon lamang ang mababakas sa mukha niya. Hindi ko alam na napatitig na pala ako sa mukha niya at natauhan lamang ako ng muli siyang magsalita "quit staring at me kid just dig in" saad pa niya at nagsimula ng kumuha ng pagkain na akala ko ay ilalagay niya sa plato niya but instead inilagay niya sa plato ko. "Hmmm ako nalang po kaya ko naman kumuha ng pagkain ko atsaka masyado na pong nakakahiya sainyo" saad ko sa kanya pero tila wala lang itong narinig at patuloy na nilalagyan ng pagkain ang plato ko. Mabuti na lamang at kami lang dalawa ang nandito sa area kong saan kami kumakain. Nang matapos na niyang lagyan ng pagkain ang plato ko na puno na ay saka siya muling tumingin saakin at sinenyasan akong kumain na kaya napangiwi akong ngumiti sa kanya dahil hindi ko alam kong mauubos ko ba ang mga nilagay niyang pagkain ss plato ko pero hindi na lamang ako nagsalita para matapos na to at makauwi na ako. Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay hindi ko inaasahan na magsasalita siya "how's your school?" tanging tanong niya kaya napabaling ako ng tingin sa kanya at agad na pumasok sa isipan ko ang nakita ko ng umuwi ako galing sa school and it maybe the perfect timing para malaman ko ang nangyare at kong bakit nakaluhod noon sina mama at papa sa paanan niya. "Okay naman po" tanging sagot ko at tinatansya ko pa kong paano ko maipapasok ang katanungan na iyon. "quit saying 'po' to me it makes me old. Do I look old to you already?" tanong niya kaya umiling iling nalang ako. "Ha? Hindi po ahm I mean hindi masyado kayong gwapo para magmukhang matanda. I'm just showing respect to you" sagot ko naman sa kanya. "Well I don't like it that you're saying po to me, especially that I will going to be your husband soon" saad pa niya pero napamaang ako dahil hindi ko narinig masyado ang huling sinabi niya dahil tila pabulong nalang ang pagkakasabi niya non. "Ano nga po yon? Sorry hindi ko kasi narinig ng mabuti ang huling sinabi mo eh" saad ko sa kanya. "Don't mind it just keep eating" saad pa niya at nagpatuloy na kami sa pagkain. Pero hindi pa man kami nagtatagal sa pagbalik sa pagkain ng naglakas loob akong itanong sa kanya ang bumabagabag saakin dahil hindi ako matatahimik lalo pat parang may tinatago saakin sina mama at papa dahil iniiwasan nilang mapag usapan ang tungkol sa nangyare including this guy na kasama ko. "By the way can I ask question to you?" tanong ko sa kanya. "You're asking a question kid" saad naman niya habang hinihiwa ang karneng nasa plato niya. "Kilala mo po ba ang mga magulang ko? Remember the last time na nandoon ka sa loob ng bahay namin ano po ba ang pinag usapan ninyo at bakit nakaluhod sila sa harapan mo?" sunod sunod na tanong ko sa kanya. Nakita kong napatigil siya sa paghiwa sa piraso ng karne na nasa plato niya saka inabot ang table napkin at marahang pinunasan ang bibig niya saka binaling ang tingin saakin kaya muli ko na namang napasadahan ang gwapo at aristokatong mukha niya na kahit sino siguro ay mabibighani pero wala doon ang atensyon ko dahil mas mahalaga na malaman ko ang sagot sa bumabagabag saakin. Tila tinatansya muna niya kong dapat ba siyang sumagot o hindi pero muli siyang tumingin saakin saka nagsalita "It's not the right time for you to know what's really going in but soon enough ay malalaman mo din pero for now it's the matter between me and your parents nalang muna. Don't worry I don't have any harmful intention about the last time we're just having a misunderstanding kaya nagkaganon" seryosong saad niya pero ano ba talaga ang nangyayare at ano ang sinasabi niyang bagay na hindi ko pa dapat malaman? Is it a matter that includes me? Pagkatapos naming kumain ay agad na niya akong inayang umuwi dahil mag aalas sais na din pala at sigurado ko rin na kanina pa yun nag aalala sina mama at tama nga ang hinala ko ng hugutin ko mula sa loob ng bag ko ang cellphone ko dahil maraming missed calls galing sa mga magulang ko at maging kay beshy. Mabilis kaming nakarating sa harapan ng bahay kong nasaan nandoon sina mama at papa na tila may inaantay. Agad akong bumaba sa loob ng kotse ni Mr. Atticus at lumapit sa nag aalang mga magulang ko. "Delaney anak ko! saan ka ba galing at ngayon kalang ha? Hindi mo ba alam na halos mamatay na kami ng papa mo sa pag aalala sayong bata ka" saad ni mama saakin na parang high school parin ang pinapagalitan niya but I do get their point dahil nag aalala lang sila. Hindi pa man ako nakakasagot sa tanong nila ng may sumabat na baritonong boses sa may likuran ko at naramdaman ko ang pagkagitla nina mama at papa. Nakalimutan kong kasama ko pala si Mr. Atticus. "He's with me earlier. I just invited him to a dinner" saad ni Mr. Atticus at nakita kong nagkatinginan pa sina mama at papa sa isat isa pero ang mas nagpacurious saakin ay kong bakit kinakabahan sila at tila hindi makapagsalita. "Mama , papa pasensya na po kong hindi ko nasagot ang tawag ninyo kanina. Sinama po kasi ako ni Mr. Atticus at nilibre ng dinner. Namukhaan ko din naman po kasi siya dahil nakita ko siyang kausap ninyo noong isang linggo kaya sumama na din po ako. Sana po ay hindi kayo galit saakin" mapagkumbabang saad ko kina mama at papa. Ngumiti naman silang dalawa ng pilit pero halata parin sa mukha nila na kinakabahan sila kaya mag nagiging eager ako na malaman kong ano ba ang hindi nila sinasabi saakin. Hindi ako mapapanatag hanggang hindi ko iyon nalalaman. "O-Okay lang anak w-wag mo n-nalang u-uulitin ha" nautal na saad ni mama habang nakatingin parin kay Mr. Atticus habang ganoon din si papa. Binalingan naman ako ng tingin ni Mr. Atticus kaya isang simpleng ngiti nalang ang binigay ko sa kanya. "I'll get going na din. Thanks for this day kid. See you again, mi amorè" saad niya pero muli ay hindi ko na naman narinig ang huling sinabi niya dahil nakalayo na siya at nakapasok na sa loob ng sasakyan niya as he bud goodbye to me and to my parents na hanggang ngayon ay gitlang gitla parin but I choose to remain silent dahil pasasaan bat malalaman ko din ang totoong nangyayare. Pero habang nakahiga ako sa loob ng kwarto ko ay bumalik saakin ang mukha ni Mr. Atticus kong saan natitigan ko ang mukha niyang parang perpekto ang pagkakagawa lalong lalo na ang natural niyang mapaupungay na itim na itim na mga mata. Hindi ko alam pero may kong ano sa loob ko na gustong kumawala habang tumatakbo sa isipan ko ang imahe niya at nang kanyang gwapong mukha pero agad kong pinalis yun sa isipan ko at winaksi ang nararamdaman kong kakaiba dahil hindi pwede. Constantine Atticus Salvatore Nang nakauwi ako sa mansyon ay bumungad saakin si dad habang prenteng nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magasin. Hindi ko alam na ngayon pala ang balik niya mula sa business trip niya sa Thailand with some possible investors and business partners. "Oh you're back son. How was the company going?" tanong niya saakin ng makalapit ako sa kanya pero nanatiling may maliit na ngiti sa labi ko as soon as I leave at their house. Tiningnan ako ni dad at marahil nahalata niya ang light aura ko "what's with the slight smile Constantine?" tanong niya saakin na tila interesadong malaman kong ano ang dahilan ng pagkaplaster ng maliit na ngiti sa labi ko. Maybe he's wondering dahil kahit isang pagkakataon ay hindi pa niya ako nakikitang ngumiti ng ganito at tanging seryosong ekspresyon lang ang laging mababanaag sa mukha ko kagaya niya. "I just can't help it dad. I just have my dinner date with my wife kani kanina lang and I can't deny that it's so f*****g good dad having him with me eating together I didn't feel this good in my entire life just this time. I don't think I maybe able to wait for the f*****g right time to claim him but as I had said I won't broke the agreement but I won't promise that I will not see him again habang nag aantay" saad ko sa kanya habang siya ay tila amused na amused na nakatitig saakin. Pinat niya ang balikat ko at saka nagsalita "I'm happy that you feel happy right now son, I'm always supporting you for what you want and if it's him that can make you happy then go for it besides napakaganda nga ng napili mong mapapangasawa at alam kong kaya ka niyang bigyan ng anak kaya alam kong wala kayong magiging problema" saad niya na kinatango ko na lamang. Yes hindi lingid saamin ang tungkol sa kondisyon niya. Walang balita tungkol sa kanya ang hindi ko alam including that matter kaya masayang masaya ako ng malaman ko ang tungkol doon and I can't wait to be finally be with him to be with my mi amorè.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD