Laurent Delaney Lee
Ilang araw na ang lumipas magmula ng makita ko ang mga magulang ko na nagmamakaawa doon sa lalaking nakasuit na iyon. Kong sasamuin ay tila nasa 28-29 years old na ito pero makikita ang kakisigan sa kanya. Hindi ako bulag para hindi makita ang kagwapuhan nito kahit na ilang sandali ko lang nakita ang seryoso at aristokatong mukha niya. He's like a western type of guy pero ang bumabagabag saakin ay kong ano ang sadya niya saamin at kong ano ang pinag usapan nila mama at papa. He's not a usual type of guy na mag aaksya ng oras pumunta sa amin dahil base sa tindig at itsura niya ay mayaman ang lalaking iyon at hindi yung tipong umaapak sa bahay ng kagaya saamin. Hindi naman sa minamaliit ko ang pamumuhay namin pero gulong gulo lang kasi ako kong ano ba talaga ang sadya niya ng araw na iyon. Hindi ko nakausap sina mama at papa at tila ba iniiwasan nilang makausap ako this past few days na bagay na pinagtataka ko. Are they hiding something from me? May kinalaman kaya ito doon sa lalaking iyon?
Nasa malalim akong pag iisip ng bigla akong kalabitin ng kong sino. Bumungad saakin ang mukha ni Rafael habang may ngisi sa labi nito. Nandito kasi ako nakatambay ngayon sa may field at nakaupo ako sa monoblock chair habang inaantay si beshy dahil gusto ko sanang sabay na kaming pumasok sa room but it happened na masyado akong napaaga ng pagpuntang school so instead na sa room ako mag antay ay dito ko nalang siya inantay para sabay na kaming pumasok ng room.
"Lalim ng iniisip natin ah. Kasama ba ako sa iniisip mong yan?" tanong niya kaya naparolled eyes nalang ako dahil da pagiging hambog niya.
Naupo siya sa tabi ko at masyadong malapit kaya medyo umusog ako ng kunti "wooaah grabe ka naman wala naman akong nakakahawang sakit para iwasan mong magkadikit tayo" saad niya at umusog din sa tabi ko.
Tiningnan ko siya ng masama at tila mas natuwa pa ito "alam mo kong maninira ka man lang ng umaga ko pwede ba lubayan mo ako marami akong iniisip please lang" may bahid ng inis na saad ko sa kanya. Siguro kapag narinig o nakita kami ng ibang estudyante ay kanina pa ako napagchismisan o naheadline sa buong school dahil tinatarayan ko lang naman ang pantasya nilang lahat na si Mr. Rafael Libero. Hindi ko alam pero hindi ko mahanap sa sarili ko na magpakafan girl sa kanya kagaya ng iba lalo pa't ganito siya mang asar nakakabanas lang.
"Woooaaah chill lang babe masyadong mainit ang ulo mo ki aga aga eh. So ano ba kasing iniisip mo at hindi mo man lang napansin ang kagwapuhan ko?" tanong niya na kinairap ko nalang ulit hindi niya talaga maiwasang isama sa mga salita niya ang pamumuri sa sarili masyado egocentric ang lalaking ito though totoo naman na gwapo talaga siya pero saakin nalang yon.
"Wala kana don. Tsaka wag mo nga akong tawaging babe dahil hindi ako baboy at wag ako ang bwisetin mo pwede ba" mataray na saad ko sa kanya at napansin kong may napapatingin na saaming mga dumadaang estudyante habang ang iba ay tila kilig na kilig habang nakatitig sa katabi ko. Hayysss ano naman kaya ang nakita nila sa lalaking ito bukod sa pagiging gwapo. I silently tsked dahil sa naisip.
"Ang taray talaga pero yan ang gusto ko sayo eh. Honestly I don't like easy girls I want an interesting one and I think I found that one" saad niya habang nakatitig saakin. I don't know but it gives me goosebumps habang nakatitig siya saakin ng mataman habang tila parang wala lang sa kanya na may dumadaang mga estudyante sa harapan namin.
Habang nasa ganoon kaming tagpo ay bigla kong narinig ang pagtawag saakin ni Tanya "beshy!" tawag nito habang naglalakad papalapit saamin. Napadako ang tingin nito kay Rafael ng makalapit saamin "Hello captain nakakaistorbo ba ako sainyo?" tanong niya at napadako ang tingin niya saakin na tila kilig na kilig at may ibig sabihin ang tingin pinupukol niya saakin.
Natawa nalang si Rafael at narinig ko naman ang tilian sa gilid namin maging ng iba pang dumadaan na kinailing iling ko nalang.
"Hindi naman actually I am entertaining him habang inaantay ka niya. So una na ako but by the way ano palang oras ng last sub ninyo ngayong umaga?" tanong niya na kinataas ng kilay ko. I didn't bother to answer dahil bakit ko naman sasabihin sa kanya pero taksil talaga itong best friend ko at tila tuwang tuwa pa habang sinagot ang tanong ni Rafael.
"Mga 10:00 am ang labas namin at mamaya pang 2:00 pm ang pasok namin sa hapon" saad ni beshy at napatingin saakin kaya binigyan ko siya ng 'bakit.mo.sinabi.' look pero ang gaga ay tinawanan lang ako kaya nagpupuyos ako sa loob loob ko.
"Great! Isa lang rin ang subject namin ngayong umaga and by 9:30 ay labasan na rin namin. Mind if we can join you to lunch?" tanong niya habang nakatingin saakin. Ayoko ng humaba pa ang usapan kaya dinieretso ko na siya. Sasagot na sana si beshy nang unahan ko siya.
"No. Hindi naman na ninyo kami kailangang hintayin besides mauuna naman kayong maglabasan kaya mas maiging mauna nalang kayong maglunch saka ayaw ko kasing pinagtitinginan habang kumakain kami eh it's kind uncomfortable" prangka kong saad sa kanya. I see a hint of disappointment in his eyes pero agad din naman siyang ngumiti kagaya ng dati. I may sound rude pero ayaw ko talagang pinagtutuunan ng atensyon lalo na kapag kumakain.
"Okay maybe next time. I'll go ahead and have a nice day" saad niya habang tila laglag balikat na naglakad paalis.
Tumabi naman saakin si beshy at siniko pa ako na kinainis ko namang kinalingon sa kanya "grabe ka naman beshy eh makikisabay lang naman daw silang maglunch bakit naman ginanon mo yung tao" pangongonsyensya niya saakin. Nakaramdam naman ako ng guilt pero naisip ko rin na hindi naman kami gaanong close para sabay sabay kaming kumain at sinabi ko na nga na ayaw ko ng masyadong atensyon at siguradong kapag kasama namin sila ay hindi maiiwasan iyon.
"Bakit ano bang masamang ginawa ko? I just turned down his offer besides nakakahiya naman kong mag antay pa sila ng 30 minutes saatin para lang makasabay tayong kumain sa kanila. It will be troublesome to their part. Alam mo namang ayaw ko ng atensyon at ayaw ko ng maulit yung nangyare noong nakaraang araw hanggang ngayon ay pinag uusapan parin sa buong school" saad ko sa kanya at napabuntong hininga naman siya saka kumapit saakin at inaya akong pumasok na ng room.
Pagkapasok namin ay kaagad na nabaling saamin ang tingin ng mga kakalase namin. Nagkatinginan kami dahil tila may kong ano sa mga tingin nila.
"Anong nangyayare bakit ganyan sila makatitig?" pabulong na tanong ko kay beshy kaya ngumuso siya at tila may tinuturo gamit ang nguso niya. Sinundan ko naman iyon at napadako ang tingin ko sa upuan ko na may nakapatong na boquet of flowers at nang tingnan ko si beshy at tinanong gamit ang mata pero nagkibit balikat lang ito.
Agad kong tiningnan ang flowers nang makalapit kami at halo halong flowers ang nandoon sa isang boquet na yun may roses, sunflower at tulips. Kanino naman kaya galing ito?
"Bongga beshy mukhang may secret admirer ka ha. Hanapin mo ang letter baka meron" saad niya habang nakatingin din sa bulaklak na nasa desk ko. Pero ng iangat ko ang flowers ay nakita namin ang tatlong may kalakihang chocolates sa ilalim at base sa tatak nito ay mamahalin ito at galing ibang bansa. Parehas napaawang tingin namin ni beshy sa chocolate at narinig ko rin ang bulungan ng mga kaklase namin.
Hindi ko nasasabi sainyo pero parehas naming paborito ni beshy ang tsokolate at kahinaan namin iyon pero agad kong kinompose ang sarili ko dahil baka pinagtitripan lang ako ng kong sino.
Akmang magsasalita pa lang sana ako ng daklutin ni beshy ang isang bar ng chocolate habang nagniningning ang mga mata kala mo naman hindi kayang bumili ng ganyang chocolate eh ang yaman yaman nito eh.
"Waahhh beshy akin nalang tong isa ha kilala ko ang brand na to and sinasabi ko sayo beshy hindi biro ang price nito" saad niya na kinataka ko naman. May ganon ba kamahal na chocolate ano yun ginto?
"Bakit magkano ba ang ganyang chocolate?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Almost half a million ang price ng isang bar ng chocolate na to beshy and it's called mi amorè chocolate from a well knowned and elite brand mula pa sa Italya" saad niya habang tila nalaglag sa sahig ang panga ko.
Agad na napabaling ang tingin ko sa tsokolate na nasa ibabaw ng desk ko. What the! seryoso ba to? Itong ganitong tsokolate ay halos ganon kamahal?
Sino naman kaya ang nagpadala ng bulaklak na ito at mga ganito kamahal na tsokolate saakin at bakit?
Constantine Atticus Salvatore
"Did you already put the flower and chocolates on his desk?" tanong ko sa source ko.
"Yes boss" saad niya at pinadalhan niya ako ng pictures kong saan nakalagay nga ang bulaklak at tatlong bar ng chocolate sa ibabaw ng table nito.
I silently smiled at iniisip kong ano ba ang magiging reaksyon nito. Excited? confused? I know he likes chocolates kaya nga nagtayo ako ng chocolate factory sa Italy at meron na rin akong branch dito sa Pilipinas. Siya ang dahilan kong bakit naitayo ko iyon and I named it 'mi amorè' means my love dahil para iyon sa kanya. Hindi basta basta ang ingredients at pagkakagawa ng chocolates na iyon because I want the best of it dahil kapag balang araw na tuluyan ko na syang makuha at maging asawa ay makita niya iyon. The factory is growing and growing at marami ang tumatangkilik ng produkto namin mostly Elite persons dahil hindi rin basta basta ang presyo nito.
Tinawagan ko ang sekretarya ko para malaman ang sched ko ngayong araw. Nang makapasok siya ay agad ko itong tinanong habang nakasandig sa swivel chair ko at prenteg nakaupo.
"What's my schedule for today?" tanong ko sa kanya using my usual tone at hindi man lang ito binalingan ng tingin.
I know they are intimidated by my presence. Lahat ng mga empleyado ng company ay alam kong anong klaseng ugali meron ako kaya bibihira lang ang may mag approach saakin towards their personal matters.
"You have a scheduled meeting with Mr. Tagaya this 8:00 am sir, after that you have a lunch meeting with Mrs. Alejo at the Zeco Fine Dinning at 11:30 am and this afterno-" hindi ko na siya pinatapos ng sasabihin ng putulin ko ang sinasabi niya.
"Cancel all of my afternoon schedule and reschedule it" simpleng saad ko sa kanya.
"But sir you have a very im-" muli siyang napatigil ng tingnan ko siya.
"I said reschedule it, I hate repeating myself so just do it" mariing saad ko sa kanya na kinatango nalang niya at pinalabas ko na siya.
I attend the meeting with Mr. Tagaya and lunch meeting with Mrs. Alejo at pagkatapos ay agad akong dumiretso sa resto ni David.
"Wassup bro, naligaw ka ata dito? Ang pagkakaalala ko ay subsob ka sa work" may pang aasar na saad niya ng makapasok ako sa opisina niya. I sat myself at the sofa present inside his office. Umupo naman siya sa kaharap kong sofa.
He is David Forster my friend at parehas kami ng pinag aralang University since our College days. He maybe lunatic but he knows about Delaney kaya alam niya ang dahilan kong bakit never akong nag entertain ng mga babae magmula pa ng HS ako at hanggang sa maging College and up to now lalo pat malapit na ang legal age niya at konting pag iintay nalang at mapapasaakin na siya ng tuluyan.
"I want you to reserved me the VIP area of your resto doon sa may Alfresco mamayang 5:00pm" saad ko sa kanya. Bihira lang ako humingi ng favor sa kanya.
"Wooaaahh are you for real bro? Sino ba ang kadate mo at ikaw pa mismo ang sumadya saakin dito para sabihin ang favor na yan" saad niya saakin at tila nang aasar pa. Alam naman niyang never pa akong naenvolve sa isang date pero hindi ako ignorante pagdating doon. I know many things that should do during a date and I don't want to be left behind lalo na kong si Delaney ang magiging kadate ko dahil gusto ko perfect ang date namin and at the same time magugusuhan niya.
"I will take Delaney this afternoon for a date scumbag" normal na saad ko sa kanya habang siya ay tila nagulat. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanya ang pagbisita ko ng hindi inaasahan sa bahay ng mga Lee.
"Seriously bro? Nagpakita kana sa kanya?" tanong niya at tila naging interesado sa sinabi ko.
"Yeah pero it's just a spit of time dahil biglaan ang nangyare at sakto pang naabutan niya na nakaluhod at nagmamakaawa saakin ang mag asawa so I know na bad impression agad ang unang pagkikita namin so I want to make it up to him" saad ko sa kanya.
"So sasabihin mo na ang tungkol sa agreement?" tanong niya.
"Nope. I won't broke the agreement unless sila ang sumira sa usapan dahil ibang bagay na iyon" saad ko sa kanya.
Tumango tango lang ito "okay ipahahanda ko na agad ang Alfresco para sa date mo brotha'. Tsaka bawas bawasan mo yang expressionless attitude mo dahil baka hindi ka magustuhan ng mapapangasawa mo. Ang ganda pa naman non" saad pa niya na kinasalubong ng mga kilay ko habang siya ay natawa sa naging reaksyon ko.
"What did you say? May gusto ka ba sa asawa ko?" may inis at diin sa tanong ko sa kanya.
Mas lalo naman itong napahalakhak at itinaas pa ang dalawang kamay na tila sumusuko na.
"Chill lang bro binibiro lang kita hindi ko aagawin ang asawa mo sayo takot ko lang sayo no. Tsaka I have my own apple of my eyes." saad niya kaya kumalma naman ako.
"Okay then. I'll just send the payment to your bank account" saad ko sa kanya pero umiling iling lang ito saka tumabi saakin at inakbayan ako.
"No need bro. Ambag ko na ito sa kasiyahan mo besides ilang taon mo na ring inantay ang pagkakataong ganito this is my way on supporting you for your lovelife" saad niya na kinangiwi ko.
"Lovelife my ass, you asshole" saad ko sa kanya at kinatawa nalang niya.
Bandang alas singko ay nandito na ako sa labas ng gate ng school nina Delaney waiting for him to come out the campus pero kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko ng makitang may asungot na nakabuntot sa kanya and I kinda remembered the face of that asshole kaya wala na akong sinayang na oras pa at bumaba na ng kotse at walang pasabing lumapit sa kanila.
Marami ang napapatingin saaking mga nagsisilabasan ding mga estudyante at kanya kanya silang tilian but I don't care dahil may isang lumalangaw sa dapat saakin.
"Let me give you a ride" pag iinsist ng gago.
"H-Hindi na nga kasi Rafael kaya kong umuwi mag isa tsaka ayaw kong mapagchismisan na naman no kaya hindi" saad nito sa lalaki. At agad akong napangisi saglit dahil sa sinabi nito pero bumalik ang pagkaseryoso ng mukha ko.
"Per-" hindi ko siya pinatapos at agad na sumabat na sa kanilang dalawa.
"Ako na ang maghahatid sa kanya. Let's go" saad ko sa kanila at agad na hinila ang kamay ni Delaney. Ramdam ko ang lambot nito at it fits perfectly well with my hands.
Hindi naman ito nakakibo at tila gulat na gulat na ginawa ko namang advantage para maipasok siya sa loob at doon lang siya natauhan ng makapasok na ako sa driver's seat. Hindi ako nagpadrive ngayon dahil personal ko itong lakad and besides ayoko ng ibang tao sa date namin.
Sinubukan niyang bukan ang pinto but I already locked it "Mr. ano po bang kailangan ninyo? Hindi ko po kayo kilala para makisabay sa inyo. Let me out here Mr." saad niya pero isang ngisi lang ang binigay ko sa kanya bago buhayin ang makina ng kotse na kinakapit niya ng mahigpit sa seatbelt niya.
"Maybe you don't know me now but later on you will be, because I am the one who owns you"