SP 1: Delaney and Atticus

2220 Words
Laurent Delaney Lee Kaagad na napamulat ang mga mata ko ng tumama ang sikat ng araw sa pisngi ko. Nakita kong maliwanag na sa labas mula sa nakabukas kong bintana. Minsan kasi nakabukas lang ang bintana ko kapag natutulog lalo na kapag malamig ang panahon at ino-off ko nalang ang aircon ng kwarto ko para makatipid kami sa pagbabayad ng kuryente. "Hmmmmmm" saad ko ng bumangon ako paupo sa kama saka nag inat inat. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nagigising tuwing umaga. Parang ang gaan gaan ng lahat at fresh na fresh ang feeling mo kahit hindi kapag nakakapaghilamos at nakakapagmumog. Ako nga pala si Laurent Delaney Lee isa na akong 3rd year College student ng kursong Business Management student sa Solomon University dito sa lugar namin. May talyer si papa at magkasama nilang minamanage iyon ni mama kaya masasabi kong hindi naman kami gaanong salat sa pamumuhay dahil may nakukuha naman sina papa at mama sa talyer pero kahit na ganoon ay mahilig akong mag ipon para kong saka sakaling may gusto akong bilhin at kailangang bilhin ay hindi na ako manghihingi sa kanila dahil alam kong marami din kaming pinaggagastusan sa bahay at iba pang bayarin. Nang matapos akong maghilamos ay bumaba na ako suot parin ang PJ's ko na kulay pink. Oo paborito ko ang pink na kulay at oo tama rin ang inisiip ninyo na isa akong binabae dahil sa may pusong mamon ako. Natuklasan ito nina mama noon palang na bata palang ako at tanggap na tanggap nila ako lalong lalo na si papa na masyado akong tinuturing na prinsesa. Hindi rin naman ako yung tipo ng binabae na mahilig magsuot ng mga pangbabaeng damit o gamit or in other words nagcocrossdress dahil mas prefer ko parin ang mga damit na normal na panglalaki pero kahit na ganoon pa man ay palagi akong napagkakamalang tibo lalo na sa school at marami rin ang nagtatangkang ligawan ako sa school na mga lalaki saamin lalo na sa mga kaklase ko pero wala pa iyon sa isipan ko at sa plano ko dahil nakasentro ngayon sa pag aaral at pagnanais na makapagtapos sa pag aaral ang attention ko at prayoridad ko kaya wala akong inentertain na kahit na sino man sa kanila. Kaagad kong naabutan si papa na nasa sala habang seryosong nakatingin sa hawak niyang magasin kaya agad ko siyang binati "good morning papa" saad ko sa kanya habang siya ay parang nagulat at halata ang pagkabalisa habang walang sabing sinara ang magasin na binabasa niya at gulat na napatingin saakin kaya nagtaka ako sa naging reskayon niya at kong bakit tila kinakabahan siya. "B-Bakit papa may p-problema p-po ba?" nag aalala at nagtataka kong tanong sa kanya. Agad niyang inilagay sa lagayan sa baba ng center table namin saka tumayo at humalik sa pinsgi ko. "Wala naman anak nagulat lang ako. Good morning din" saad niya kaya inalis ko nalang sa isipan ko ang nakita ko kanina dahil baka nga nagulat lang siya. Napabaling ang tingin namin ni papa ng bumungad sa may bukana ng kusina si mama na nakaapron pa. Agad akong lumapit sa kanya at binati rin siya saka hinalikan sa pisngi. "Hali na kayo handa na ang almusal. Dalian mo ng kumain Delaney anak baka malate kapa sa school mo" paalala saakin ni mama kaya agad na akong naupo sa upuan at kumain. Pagkatapos naming mag almusal ay nagpaalam na ako sa kanila na maliligo na at mag aayos para makapasok na sa school habang si papa ay maliligo na din dahil ihahatid niya pa ako at maaga siyang papasok sa talyer pagkahatid saakin habang si mama ay susunod nalang dahil nasa tabi lang naman ng bahay namin ang talyer namin. Ayon nga naligo na ako at ginawa ang mga ritwal ko para matapos nang makaligo at makapag ayos na. Nang matapos akong makapag ayos at maisuot ang uniform ko ay nagsapatos na ako at nag ayos ng buhok at naglagay lang ng pulbo at pabango ko na talagang paboritong paborito ko ang amoy nitong parang candy. Nang matapos na akong magayos ay kinuha ko na ang bag ko at phone ko sa bedside table saka lumabas ng kwarto at saktong palabas na din si papa para puntahan sana ang sasakyan na nakaparada sa labas ng bahay at doon nalang mag antay. Agad akong pumasok sa loob ng kusina at lumapit kay mama na ngayon ay naghuhugas na ng mga pinagkainan namin saka humalik sa pinsgi niya at nagpaalam. "Una na kami mama" saad ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. "Ingat ka sa school nak" saad niya kaya tumango nalang ako at sumunod na kay papa na nag aantay na ngayon sa loob ng kotse namin. Pagkasakay ko at pagkakabit ng seatbelt ay agad nang pinaadar ni papa ang sasakyan. Ilang minuto lang ang tinagal namin sa byahe at agad kaming nakarating sa tapat ng University namin. Inalis ko na ang seatbelt ko saka bumaling kay papa at humalik sa pisngi niya at nagpaalam. "Pasok na ako papa. Ingat sa pagmamaneho pabalik" saad ko sa kanya kaya hinalikan niya din ako sa noo kagaya ng lagi niyang ginagawa kapag hinahatid niya ako. "Sige nak. At lagi mong tatandaan ang paalala namin sayo ng mama mo na-" saad niya at napatingin saakin kaya napangiti nalang ako dahil halos araw araw naman niya itong pinapaalala saakin. "Na wag lalapit masyado sa mga lalaki at wag sasama sa kong kaninong lalaki ng walang kasama o dahilan para sumama ako sa kanila" pagpapatuloy ko sa sinasabi ni papa na nagpangiti sa kanya. Alam ko naman kong bakit araw araw niyang pinapaalala saakin iyon pero iniisip ko nalang na para sa kapakanan ko din naman iyon at marahil ay iyon ang iniisip nila kaya pinapaalalahanan nila ako at dahil na rin sa kakaibang kondisyon ko na hindi ko alam kong kanino ko namana maging sila ay hindi rin alam kong paano ako nagkaroon ng ganoong kondisyon pero as much as I can ay kaming tatlo lang ang nakakaalam ng ganoong kondisyon ko at yung doctor ko din pala na siyang doctor ko na mula pa noong una akong dalhin nina mama at papa sa hospital dahil sa pananakit ng puson ko at nang bumangon ako ay nagulat ako ng makitang may mantsa ng dugo sa bedsheet. Hindi ko alam ang nangyayare at agad akong dinala nina mama at papa sa hospital at pinasuri sa doctor kong ano ba ang nangyayare saakin kong bakit dinidugo ako. That time ay nasa 15 years old palang ako at that time ay nalaman namin na may second reproductive organ pa daw ako na healthy and functioning actively behind my other reproductive organ. Nangyayare daw na yung nangyare saakin ay isang sign daw na naguundergo na daw ng puberty stage din ang ikalawa kong organ na kagaya ng sa mga babae na nagkakaroon na din ako ng menstruation period. Kahit gulong gulo ako kong paano ako nagkaroon ng ganoong kondisyon maging sina mama at papa ay labis din ang pagkagulat pero sinabi saakin ng doctor ko na isa daw iyong reproductive imbalance sa reproductive organ ko kong saan rare ang mga cases na kagaya ng saakin kaya kailangan kong tutukan daw ito dahil hindi daw alam kong kailan ako dadatnan ulit ng regla dahil hindi kagaya ng mga babae na nagtutugma ang petsa kong kailan sila dadatnan habang ako ay hindi. May time na mararamdaman ko nalang na dadatnan na ako sa hindi inaasahang pagkakataon kaya palagi akong may bagong napkin para laging handa. Magmula noon ay palagi na akong pinapatingnan nina mama at papa sa doctor ko kada ikatatlong buwan para mamonitor ang kalagayan ko kasi baka magkaroon ako ng complication kapag hindi namin pinapatingnan ang kalagayan ko. Sinabi rin saamin ng doctor ko ang mga maaaring mangyare saakin dahil sa pagkakaroon ko ng ganoong kondisyon at isa na doon ang malaking chance na maaari akong mabuntis pagnagkataon kaya pinag iingat ako nito maging nina mama at papa. Nang makarating ako sa loob ng classroom ay agad na napabaling saakin ang mga tingin ng mga kaklasd ko at marami ding bumati saakin kadalasan ay mga kaklase kong mga lalaki na grabe kong makatingin pero hindi ko nalang yun pinansin dahil sanay na ako na tingnan nila ng ganoon at ang ibang kababaihan naman sa mga kaklase ko ay nakataas ang kilay saakin at ang iba ay walang pakialam. Binati ko nalang sila pabalik dahil kahit ganoon pa man ay napakawalang modo ko naman kong hindi ko sila babatiin pabalik. "Beshy" tawag saakin ni Tanya na nakaupo sa katabing upuan ko. Nilingon ko siya ng makaupo na ako at always nakangiti ito habang tila may ichichika na naman dahil base sa kinikilig at eksayted na ekspresyon nito. "Oh bakit tila high na high kana naman ki aga aga beshy ha" saad ko sa kanya ng nakangiti. Marahan naman niya akong pinalo sa braso habang nakangiti parin. "Eh kasi naman beshy eh ikaw ba namang pansinin at batiin ng crush ko habang papasok ako sa campus. Tell me sino ba namang hindi magiging high doon" saad niya na kilig na kilig pa kaya napangiti nalang rin ako at napapailing pa. "Oh edi ikaw na pinagpala beshy sa lahat ng pinagpala" natatawang saad ko sa kanya. By the way she is Tanya Robles my beshywap since high school kaya halos magsingdikit na kami nito at hindi mapaghiwalay dahil para ko na itong kapatid at syempre best of the bestfriend. Kita kong mas lalo pa itong kinilig hindi ko naman kasi siya masisisi dahil talagang crush na crush niya iyong si Arys Santos na kasali sa varsity team ng University namin. Gwapo naman si Arys at masasabi kong bagay na bagay sila nitong si beshy dahil maganda naman itong si beshy. "At saka nga pala beshy hindi ko rin inaasahan na babatiin ako ng captain nila na si Rafael Libero na madalang magsalita and guess what he said to me?" saad niya na kinataka ko at kinakunot ng noo. Ano nga ba ang sasabihin sa kanya ni Rafael. "Ahm 'Hi' " pagkuwang saad ko dahil ano pa bang sasabihin kapag binabati ang isang tao diba. Napafrown naman ang mukha niya dahil sa naging sagot ko. Eh bakit ano bang sinabi sa kanya non eh hindi naman siguro masyadong big deal iyon para magpaguessing game pa siya no. "seryoso beshy? yan lang naisip mo?" nagkalamukos na mukhang tanong niya saakin habang ako napakibit balikat nalang. "Eh ano ba kasing sinabi sayo at nagpapahula kapa. Manghuhula ba ako beshy?" nakabusangot din na tanong ko sa kanya. "Eh hinanap kalang naman niya saakin" saad niya na tila nagbalik ang pagkakwela habang ako ay napatango tango nalang. "Okay" tanging saad ko ignoring her na kilig na kilig na hindi ko alam kong dahil kanino o kong saan. "grabe ka naman beshy. Hindi ka man lang kinilig na isang Rafael Libero ay hinahanap ka saakin? Seryoso ka beshy?" tanong niya. Mabuti nalang ay mahina lang ang boses ng pag uusap namin kaya walang nakakarinig na kaklase namin dahil baka kanina pa kami dito nabuska dahil pinag uusapan namin ang kinababaliwan nilang si Rafael Libero na kapitan ng basketball team. Gwapo ito oo pero hindi ko alam kong bakit hindi ako nababaliw sa kanya kagaya ng halos lahat ng estudyanteng babae at binabae dito sa buong University at pinapangarap na mapansin niya at maging boyfriend siya. Siguro dahil sa tanging pag aaral lang ang nasa isipan ko at hindi naman mauubos ang mga lalaking iyan at kong may magmamahal man saakin kapag handa na ako mabuti. "Bakit niya naman daw ako hinahanap dahil sa pagkakaalam ko ay hindi naman kami magkakilala para hanapin niya ako" tanging nasaad ko nalang habang si beshy ay napailing iling nalang din. "Iba kadin talaga beshy nagagawa mong ipagkibit balikat nalang ang isang Rafael Libero. Ikaw na talaga beshy ikaw na ang reyna." parang ewang tingin niya kaya tinawanan ko na lamang siya dahil para nga siyang ewan na tila may kinukuhang imaginable na korona sa ulo niya saka niya saakin pinasa. Nagtawanan nalang kami dahil sa kalokohan niya at habang nasa ganoon kaming tagpo ay hindi sinasadyang napadako sa may bintana ng room namin ang tingin ko at hindi ko alam kong guni guni ko lang ba o nagkakamali lang ako dahil tila ba may kumukuha saamin ng litrato kanina pero nang tingnan ko ulit ang tiningnan ko kanina ay wala namang tao doon kaya ipinagsawalang bahala ko nalang ang kuro kuro at nagpatuloy sa pagtawa dahil sa kakulitan ni beshy. Constantine Atticus Salvatore Agad na naagaw ang pansin ko ng may nagpop out na notification sa laptop ko na nagsasabing may nagpadala ng mensahe sa email ko kaya agad kong tinungo ang email ko at tiningnan kong sino ang nagpadala ng mensahe. Agad na gumuhit ang isang ngisi sa labi ko at agad na tinigil ang pagpipirma ng mga dokumento sa ibabaw ng mesa ko at pinagtuunan ang mga litratong pinadala saakin ng source ko. Agad kong zinoom ang isang litrato ng isang binata na nakangiti. Hindi ito mukhang binata dahil sa magandang mukha nito at walang bahid ng pagiging lalaki kahit pa nakabihis ito ng uniform na panglalaki at gupit na panglalaki ay hindi maipagkakailang masyado itong maganda para maging isang lalaki. "Looks like my wife is growing more and more beautiful"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD