Laurent Delaney Lee
Nang mga sumunod na araw ay ganoon parin ang takbo ng school days namin and as usual marami na agad pinapagawa saamin sa loob ng isang week. Nakakastress pero kaya naman.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng room ay agad na bumungad saakin si Tanya na hindi ko alam kong nasobrahan ba sa enervon o ano dahil parang bulating nangingisay. Mabuti nalang konti palang kami sa loob ng room and as usual binati nila ako ng magandang umaga kaya binati ko nalang sila pabalik at nginitian na din. Kanya kanya namang kanstyawan ang mga kalalakihan naming kaklase na naririto na ng ngitian ko sila at hindi na rin bago iyon saakin bagkus ay nilapitan ko nalang ang nangingisay kong beshy dahil baka papunta na siya sa epilepsy pag nagkataon. Nakatingin ito sa phone niya habang kilig na kilig at tila ewan na tila ba isang kayamanan ang phone niya at hinahaplos haplos pa ito.
"Good morning beshy anong nangyare at ang aga aga para kang binudburan ng asin dyan. Kulang nalang maglupasay kana sa sahig dahil sa sobrang kilig mo" saad ko sa kanya saka ako umupo sa upuan ko at doon niya lang ako napansin.
"Oh good morning din beshy" saad niya sabay beso beso pa saakin na kina oa niya na masyado dahil hindi naman ito naggaganito dati kaya napataka nalang ako sa kinikilos niya.
"Wala lang beshy may magandang lang nangyare saakin kahapon bago ako makauwi kyyaaahhh I cannot" saad niya sabay paimpit na tili kaya sinaway ko siya dahil napatingin saamin ang iba naming kaklase na nandito na kasama namin sa room.
"Hoy ano ba ang ingay mo. Ano ba kasing magandang nangyare nayan at nagkakaganyan ka?" tanong ko sa kanya dahil sa nacurious din ako.
"Eh kasi naman eh si Arys" saad niya at nangisay na naman sa kilig ni hindi pa nga natatapos ang sinasabi.
"Oh ano naman si Arys?" tanong ko sa kanya at tinapos muna niya ang kilig mode niya bago muling nagsalita ng makondisyon na ang sarili.
"Eh kinuha lang naman niya ang number ko at kagabi lang ay tinawagan niya ako. Kyyaaahhh ito na ba ang sign beshy? Ito na ba ang katuparan ng mga pangarap ko gosshh" saad niya habang napapatingin pa sa taas na tila nilulunod ang sarili sa pangarap habang gising. Napatawa nalang din ako dahil ngayon ko lang siya nakitang ganyan kasaya although hyper naman talaga siya palagi pero iba ang ngayon masyado siyang blooming and at the same time kitang kita ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Masaya naman akong nakikita siyang masaya kaya sinusuportahan ko siya lagi. Mahina lang ang pag uusap namin kahit medyo napapalakas ang tili niya.
"Hahaha oa mo beshy pero I'm happy for you. Masaya akong makitang masaya ka pero dahan dahan lang sa mga ganyan beshy ha" natutuwang saad at paalala ko sa kanya at mabilis naman siyang kumalabit sa braso ko at binaon ang pisngi niya doon.
"Waahhh thank you beshy sa support I love na talaga you're the best beshy in the world muah muah" saad niya at nag aktong pang humalik halik na kinatawa ko nalang.
"Pero beshy nagtataka lang ako dahil nabanggit ka niya kagabi ng tumawag siya. Hinihingi pa nga ang number mo at nang tinanong ko kong bakit gusto niyang makuha ang number mo ay may nagpapahingi daw" saad niya na kinakunot ng noo ko.
"Ha? Eh sino naman daw?" takang tannong ko sa kanya.
"Hindi nga niya sinabi eh basta daw may nagpapahingi" saad niya pa.
"Eh binigay mo naman ba?" may pagkaseryoso kong tanong na kinatingin niya saakin at kingiti ng pilit.
"Eh kasi makulit siya beshy at binola bola pa niya ako kaya nacarried away ako dahil sa sobrang pagkakilig naibigay ko. Waaahhhh sorry na beshy sorry na" saad niya habang nagpapaawa pa habang ako ay hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
Lintek namang babaita ito binola bola lang binigay na ang number ko at sino naman kaya ang tarantado na iyon na nagpapahingi ng number ko ng makutusan ko dahil ginamit pa niya si Arys para lang utuin ito baliw kong beshy sa kanya.
Huminga muna ako ng malalim dahil wala na rin akong magagawa pa although ayaw ko talagang pinamimigay ang number ko kahit na kanino pero dahil nangyare na ay wala na akong magagawa pa.
"Eh ano pa nga ba ang magagawa ko eh naibigay mo na. Nako wag pang sanang siraulo yung binigyan ng number ng Arys na yan kong hindi pagbubuhulin ko silang dalawa" saad ko.
"Hindi naman siguro beshy tsaka may hinala na ako kong sino yung nagpapahingi ng number mo. Natotorpe sigurong hingin number mo sayo ayyiieee" saad niya pa.
"Sino ba ang hinala mo?" tanong ko sa kanya na tila hindi interesado dahil wala naman talaga akong pakialam kong sino pa man iyon. I can change my sim anytime para hindi na makapagtext saakin kong sino man ang poncho pilatong pinagbigyan ni Arys ng number ko.
Lumapit siya saakin at bumulong sa tenga ko "ang hinala ko ay si Rafael. As in yung team captain ng basketball varsity team" pabulong na saad niya at kilig na kilig na naman like what the heck? Paano naman hihingin ng lalaking iyon ang number ko eh hindi nga kami magkakilala although kilala ko naman siya kahit papaano dahil sikat na sikat iyon dito sa buong campus dahil sa varsity team captain nga siya ng basketball team at oo na inaamin ko na nuknukan nga ng kagwapuhan iyon at hindi ako bulag para hindi makita at maappreciate iyon but who cares diba? Masyado akong pokus sa pag aaral ko para isingit pa sa buhay ko ang pagpapakafan boy/girl sa kanya.
"Okay" tanging nasaad ko na lamang na kinabusangot niya. Mukha siyang duck dahil sa paghaba ng nguso niya.
"Eh ano na namang arte yan beshy" tanong ko sa kanya.
"Eh grabe ka naman kay fafa Rafael. Beshy si Rafael Libero na iyon, ang pantasya ng lahat tapos ganyan lang ang reaksyon mo" saad niya na nakanguso parin kaya kinurot ko ang pisngi niya habang natatawa dahil natatawa talaga ako sa pagkanguso niya dahil mukha siyang pato hahaha.
"Wag na nga nating pag usapan pa yan beshy" saad ko sa kanya at iniba ko ang topic hanggang sa pumasok na nga ang unang subject teacher namin.
"Okay class I'll cut my discussion here that's all for today" saad ng pang third subject teacher namin meaning ay makakain na kami ng lunch. Magtetwelve na din hindi kagaya ng ibang araw na maaga ang labasan namin.
"Beshy tara na sobrang gutom na talaga ako" saad ni beshy habang halatang halata ang parang lantang gulay na itsura nito maging ako rin dahil sa straight na klase namin sa tatlong subject namin mula alas otso ng umaga hanggang twelve.
Madali kong sinilid sa bag ko ang mga gamit ko at agad kaming tumayo at pumunta ng cafeteria. Marami rami ang nagsisikainan na kapwa estudyante namin kaya halos mapuno ang cafeteria.
Dumiretso kami sa counter para kumuha ng order namin at magbayad. Mabuti nalang konti na lang ang nakapila.
Nang makuha na namin ang mga pagkain namin ay biglang umingay ang loob ng cafeteria pero wala na kaming panahon para alamin pa ang dahilan dahil gutom na gutom na kami. Kasalukuyan kaming naghahanap ng bakanteng table ng may biglang humarang na kong sino sa harapan namin at bigla kong narinig ang paimpit na pagtili ni beshy sa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatingin sa isang lalaki sa kanan and I bet ito ang Arys na tinutukoy ni beshy dahil nakita ko na ang picture nito sa phone ni beshy pero napabaling ang tingin ko sa lalaking nasa gitna infairness gwapo siya pero mas mahalaga ang tiyan ki dahil kanina pa ako nagugutom at kain na kain na ako.
Siniko ko si beshy na tila natulala na sa Arys na yun at tila nakalimutan na gutom siya.
Medyo malakas parin ang tilian at bulung bulungan ng mga nandito sa loob especially ang mga kababaihan at binabae.
"Hmmm excuse lang po kasi dadaan kami. You're blocking our way" normal na saad ko na lamang sa kanya.
Nakita kong napangiti ang lalaking nasa gitna na pansin kong kanina pa nakatuon ang tingin saakin. I don't know what he's trying to expeculate pero gutom na gutom na talaga ako at matatapos na ang lunch time kaya dadaan nalang sana ako sa gilid nila dahil masyado na kaming nakakaagaw ng atensyon dahil pansin kong halos nasa amin ang atensyon ng mga nandito sa loob na tila ba may inaabangan silang kong ano.
"Wait let me give you a life with your food. Doon na rin kayo makishare sa table namin" rinig kong saad ng lalaking lalaking boses ng nasa gitna. Nakikita ko ang amusement sa mga mata niya na hindi ko alam kong dahil saan pero as I had said wala akong panahon na intindihin pa iyon.
"No thanks nalang Mr. pero meron pa naman sigurong ibang vacant table dyan besides hindi naman namin kayo kilala para makishare kami sa table ninyo and one more thing I can lift my own food. Tara na beshy malelate na tayo sa pang ala una nating subject kapag hindi pa tayo nakakain" saad ko sa kanya pero ng tingnan ko ito ay gulat na gulat itong nakatingin saakin at napansin kong ganoon din ang kasamahan ng lalaking sinagot ko kani kanina lang at maging ang ibang estudyante dito sa loob ng cafeteria.
Ano bang problema nila. Maya maya lang ay narinig ko ang mga bulungan na hindi nakatakas sa pandinig ko.
"Grabe girl ginanon lang niya si Rafael. Ang angas niya naman girl" girl 1
"How dare he b***h up with fafa Rafael" girl 2
"Waahhh I cannot believe it sinagot sagot lang niya si fafa Rafael ng ganoon. Gigil niya ako sis" beks 1
"Waahhh kawawa ang fafa Rafael ko kong bakit kasi nag offer pa siya ng help sa baklang iyan" beks 2
Ilan lang yun sa narinig kong bulong bulungan niya pero umagaw sa pansin ko ang biglang paghalakhak ng lalaking tinatawag nilang Rafael na nagpataka saakin. Nabubuang ns ba ang gwapong nilalang na to?
"You're really something huh hindi nga ako nagkamali sa nalaman kong hindi mo ako kilala. By the way I am Rafael Libero the team captain of the basketball varsity team" saad niya na kinagulat ko ng konti pero hindi ko pinahalata iyon sa kanila.
Ito pala ang tinutukoy ni beshy na Rafael Libero na nagtukoy ng pangalan ko sa kanya ng minsan at ang hinala niya na nagpahingi ng number ko. Base sa nakikita ko ay totoo naman ang sinasabi niyang gwapo nga ito at pantasya ng lahat dahil sino ba naman ang hindi maghohook sa ganito kagwapong lakaki pero like what I had said wala akong panahon sa mga kagaya niya.
"Oh sorry for that Mr. Captain pero pwede na po ba kaming dumaan kasi gutom na gutom na po ako at malapit nang matapos ang lunch time may klase pa po kami ng ala una eh" tanging nasaad ko na lamang na mas lalo pa niyang kinatawa na hindi ko alam kong nasaan ang nakakatawa sa mga sinabi ko.
Tiningnan nito ang mga kasama niya at ang ibang nasa likuran niya ay pumunta na sa counter habang siya ay nanatili sa pwesto niya at ng mapabaling ang tingin niya saakin ay hindi ko inaasahan ang kindat na nanggaling sa kanya sabay kuha ng tray na dala ko at aalma pa sana ako ng marinig ko itong nagsalita "follow me babe. Doon na kayo kumain sa table namin" saad niya sabay lakad paalis at patungo sa table na nasa may gitna habang ako ay hindi makapaniwalang napatingin sa bulto ng lalaking naglalakad papuntang table na nasa gitna. Muli kong narinig ang bulong bulungan pero hindi ko na lamang iyon inintindi pa dahil sa pagkabigla sa sinabi saakin ng lalaking iyon.
Natauhan nalamang ako ng hilahin ako ni beshy papalit sa table nila. Parehas na palang nakalapag doon ang tray namin ni beshy na dala kanina habang nakaupo na si Rafael at si Arys.
"Kyyaaahhh kinikilig ako sainyo kanina beshy" pabulong na saad ni tanya bago kami makalapit sa table na kinaroroonan nila.
Dahil sa naupo na si Tanya sa katabi ni Arys ay wala na akong nagawa pa at makishare nalang ng table sa kanila at akmang uupo na sana ako sa upuan na katabi ni beshy ng biglang magsalita na naman yung Rafael.
"Nah uh seat beside me" utos niya habang nasa katabi niya ang pagkain ko at dahil sa gutom na talaga ako ay wala na akong nagawa pa kundi maupo sa tabi niya habang siya ang wagas ang pagkakangiti na hindi ko nalang pinansin. Ano ba itong nangyayare? Bakit ganito itong Rafael na to? At ano ba ang kailangan niya at inapproach nila kami at pinasabay pa niya kami sa kanila.
But on the other side ay napatingin naman ako sa medyo sulok na parte ng cafeteria at kagaya noong nasa room ako namin ay tila namalikmata na naman ako dahil para bang may kumuha ng picture saamin pero kagaya ng dati ay binalewala ko na lamang iyon dahil agad ko nang binalingan ang pagkain ko at nilantakan iyon ignoring the person beside me at ang iba pang estudyante sa cafeteria na nasa amin ang atensyon.
Constantine Atticus Salvatore
Agad na nalamukos ko ang document na nasa may table ko as soon as nakita ko ang isang video at mga litrato kong saan ang pag aari ko ay pinagbabalakan na kunin ng scumbag na iyon.
Kaagad na nagsiigtingan ang mga panga ko and my fists balled dahil sa pangigigil habang pinapanood ang video kong paano tingnan at kausapin ng lalaking iyon ang pag aari ko. Gusto kong burahin ang amusement at pagngiti ng lalaking iyon sa mukha niya habang nakatingin sa pag aari ko.
"Looks like I have to remind my wife who he belongs to. You're mine, mi amore" saad ko habang nakatitig sa mukha niya saka kinuha ang cellphone ko ay may tinawagan. I should do my moves right now and I don't care anymore about the agreement hindi na ako makapag aantay pa.