CELINE’S POV Hindi ko alam kung bakit parang mas mabigat yung hangin ngayong araw. Siguro dahil sa ulan. Habang naglalakad kami nina Anika at Thea papunta sa bulletin board, ramdam ko agad yung excitement nila. Ang iingay nila, halos magtilian pa habang pinag-uusapan yung team building. Samantalang ako? Tahimik lang. “Tara na bilis!” hila ni Anika sakin. “Feeling ko sobrang chaotic neto!” “Chaotic ka rin naman kahit walang event,” sagot ni Thea sabay irap. “Ano problema mo?” singhal ni Anika. “Problemado ako sa mukha mo.” “Hoy!” Napailing na lang ako habang pinapanood silang mag-away. Same old duo. Pero kahit natatawa ako sa kanila, hindi mawala yung kaba sa dibdib ko. Kasi alam kong kapag nakita ko na yung pangalan ng magiging partner ko… may magbabago. At tama nga ako. Pagdat

