Ikaw Pa Rin

1147 Words
JAMES’ POV Naririnig ko pa rin yung tawanan nila sa likod ko, yung tili nina Celine at Anika, yung pabebe na boses ni Thea. Napahigpit yung hawak ko sa strap ng bag ko habang dire-diretso lang ako sa hallway. Hindi ko na nga alam kung saan ako pupunta. Wala naman talagang meeting. Wala ring urgent na trabaho.Ang meron lang? Selos. At first time kong maramdaman yung ganito kalala. “Bwisit,” bulong ko sa sarili ko sabay sabunot sa buhok ko. “Ano bang problema mo, James?” Pero alam ko naman ang sagot. Problema ko si Bella. Si Bella na ilang taon ko nang kasama. Si Bella na kaya kong asarin buong araw. Si Bella na kahit anong sungit, hahanapin ko pa rin. At ngayon…parang unti-unti siyang lumalayo sakin nang hindi niya namamalayan. Napahinto ako sa rooftop ng school. Dito lagi ako tumatambay kapag gusto kong mapag-isa. Huminga ako nang malalim habang nakasandal sa railings. “Hindi ka naman dapat naapektuhan,” bulong ko sa sarili ko. “Friends lang naman sila.” Pero putangina. Bakit parang may kutsilyong iniikot sa dibdib ko kada ngiti niya kay Leo? Hindi ko namalayan na napapikit na pala ako. Hanggang sa may biglang boses akong narinig. “So dito ka nagtago.” Agad akong napalingon. At ayun. Si Bella. Nakatayo siya malapit sa pinto ng rooftop habang hinihingal pa nang konti, parang tumakbo paakyat. Suot niya yung uniform niyang medyo gusot na dahil siguro nagmamadali siya. Buhaghag din nang kaunti yung buhok niya dahil sa hangin. Ang ganda niya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko, pilit casual. Nagtaas siya ng kilay. “Ako pa talaga tinanong mo? Ikaw yung biglang nag-walk out.” “Hindi ako nag-walk out.” “Ah talaga?” Tumawa siya nang peke. “So ano tawag dun? Dramatic exit?” Napailing ako. “Sabi ko may meeting ako.” “Sinungaling.” Diretso niyang sabi. At doon ako natahimik. Lumapit siya sakin hanggang isang hakbang na lang pagitan namin. “Kilala kita,” mahina niyang sabi. “Kapag may problema ka, umiiwas ka. Kapag nasasaktan ka, nagpapatawa ka. Kapag nagseselos ka—” “Hindi ako nagseselos.” Mabilis kong putol. Masyadong mabilis. At halatang defensive. Napangisi siya nang konti. “Hindi pa nga tapos sinasabi ko.” “Eh alam ko na sasabihin mo.” “Talaga?” Tinaas niya kilay niya. “So aminado kang nagseselos ka?” Napatitig ako sa kanya. Tangina. Nahulog ako sa sarili kong patibong. Napakagat ako sa labi habang umiwas ng tingin. “Ang kulit mo.” “Hindi mo naman sinagot.” “Wala akong dapat sagutin.” “Meron.” Biglang naging mahina yung boses niya. Hindi na siya mukhang nang-aasar ngayon. Parang… seryoso na. “At bakit ka affected kanina?” tanong niya. “Bakit parang galit ka kay Leo?” Napatawa ako nang mahina pero walang humor. “Hindi ako galit sa kanya.” “Kasinungalingan na naman.” “Bella—” “No, James. Tell me the truth.” Tahimik. Tangina. Bakit ang hirap huminga? Nakatingin lang siya sakin habang hinihintay yung sagot ko. At sa unang pagkakataon, ako yung walang masabi. Ako yung nauutal. Ako yung takot. “Hindi ko alam,” mahinang sabi ko sa wakas. “Kasi ako alam ko.” Napakunot noo ako. “Ha?” Humakbang siya palapit. Mas lalo. At putangina, naamoy ko yung pabango niya. Yung paborito kong amoy. “Nagseselos ka,” diretsahan niyang sabi. Napatawa ako nang pilit. “Grabe ka maka-conclude.” “Eh bakit ka umalis?” “Sinabi ko ngang may meeti—” “Bakit parang gusto mong suntukin si Leo kanina?” Natahimik ako. Tumama. Eksakto. Napalunok ako habang nakatingin lang sa kanya. At doon ko narealize na delikado si Bella kapag seryoso siya. Kasi kaya niyang basahin lahat ng tinatago ko. “Hindi ko siya gusto para sayo.” Pagkasabi ko nun, parang pati ako nagulat. Nanlaki mata niya. “Ano?” Napabuntong-hininga ako sabay napahawak sa batok ko. “Wala. Forget it.” “Hindi, ulitin mo.” “Bella—” “James.” Yung tono niya? Tangina. Soft. Pero mapilit. Huminga ako nang malalim bago tumingin diretso sa kanya. “Hindi ko gusto yung tingin niya sayo.” Tahimik. Tanging hangin lang yung maririnig sa rooftop. “Anong mali sa tingin niya sakin?” tanong niya. “Wala.” “Then?” “Kasi…” napapikit ako saglit. “Pakiramdam ko aagawin ka niya sakin.” Pagkasabi ko nun, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tangina. Nasabi ko talaga. At mas lalong lumakas t***k ng puso ko nang makita kong natulala siya. “James…” “Forget it,” mabilis kong sabi. “Nonsense lang ‘yon.” Tatalikod na sana ako pero mabilis niyang hinawakan wrist ko. At doon ako napahinto. Mainit yung kamay niya. Masyadong mainit. “Hindi nonsense ‘yon,” mahina niyang sabi. Unti-unti akong napalingon sa kanya. At doon ko nakita yung mga mata niya. Hindi siya umiimik. Pero parang ang dami niyang gustong sabihin. “Bakit?” tanong niya. “Bakit ka matatakot mawala ako?” Napatawa ako nang mahina. Masakit. “Kasi nasanay ako.” “Nasanay saan?” “Sayo.” Diretso kong sagot. At tangina, parang tumigil mundo naming dalawa. Hindi siya gumalaw. Nagkatitigan lang kami. At habang tumatagal, mas lalo akong kinakabahan. “Simula bata tayo,” tuloy ko, mahina. “Ikaw na yung una kong hinahanap araw-araw. Ikaw yung una kong kinukulit. Ikaw yung gusto kong pinapatawa kahit badtrip ka.” Napayuko ako nang konti. “Tapos ngayon may ibang nagpapatawa sayo nang mas madali.” Tahimik siya. Sobrang tahimik. Hanggang sa… “Bobo.” Napatingin agad ako sa kanya. “Ha?” Namumula siya. Literal. Pati tenga niya pula. “Ang tanga mo talaga minsan,” bulong niya habang umiiwas ng tingin. “Bakit?” “Eh ikaw pa rin naman yung hinahanap ko.” Parang may sumabog sa dibdib ko. “What?” Napapikit siya saglit na parang naiinis sa sarili niyang nasabi. “Kanina,” dagdag niya. “Oo, natatawa ako kay Leo. Pero ikaw pa rin yung chine-check ko.” Hindi ako makapagsalita. Tangina. Hindi ako makahinga. “Alam mo kung bakit ako sumunod dito?” tanong niya. Umiling ako. “Kasi ikaw yung iniisip ko.” Pakiramdam ko mamamatay ako sa bilis ng t***k ng puso ko. At lalo lang lumala nang ngumiti siya nang mahina. “Hindi si Leo.” Hindi ko namalayang napapangiti na rin pala ako. Yung totoong ngiti. Hindi pilit. Hindi fake. At doon niya yata unang nakita kung gaano ako kaapektado sa kanya. “Kaya pala,” bulong niya habang nakatitig sakin. “Ano?” “Ang cute mo pala magselos.” “Bella.” Tumawa siya. Yung totoong tawa. Ayoko nang may ibang dahilan nun bukod sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD