That’s When It Started Hurting

1013 Words

Bumalik kami sa table na parang walang nangyari. Pero putangina, ramdam na ramdam ko yung tension. Kanina lang okay naman. Maingay. Magulo. Masaya. Si Bella tahimik. Si Celine panay tingin sa paligid. Si Anika naman nakatutok sa cellphone pero halatang wala rin sa focus. Si Bella, nakatitig lang siya sa pagkain niya habang paikot-ikot tinidor sa plato. Napakunot noo ako. Unti-unti akong lumapit sakanya. “That wasn't supposed to happen,” bulong ko habang nakayuko nang konti para siya lang makarinig. “Hindi ko naman alam na ma o-offend ka.” Saglit siyang napatingin sakin. Then umiling lang. Walang salita. Binalik ulit atensyon sa pagkain. At doon ako kinabahan. Kasi si Bella, kapag galit, maingay. Kapag tahimik? Mas nakakatakot. “Galit ka ba sakin?” dagdag ko habang pilit ngumingiti.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD